Part 32

2560 Words
Siguro kung wala ako kina Teejay ngayon, siguradong nasa bahay lang ako at mag isang kumakain ng niluto kong spaghetti. Mag iisip isip ng mga bagay bagay, alam mo naman yung feeling na kapag mag isa ka lang, parang lahat ng problema sa mundo dala dala mo. Pero ngayon, heto ako, nakaupo sa hapag kainan. Nakikipagtawanan sa biruan ng masayang Pamilya ni Teejay. Lahat halos sa pamilya niya, tanggap ako. Di ko pa nararanasan to simula nung nakilala ko si Juan. ++++ "Alam mo Anjo, dapat hindi yan ang pangalan mo eh" sabi saken ni Juan habang naglalaro kami sa labas, normal day lang to para samen. Pagkagaling sa school, pupuslit ako palabas kasama yung guwardiya sa bahay para makapaglaro kami ni Juan. "Oh ano ba dapat?" Tanong ko sakanya. "Dapat kung ako si Juan, ikaw si Two. Para Juan at Two diba?" Ang witty kasi netong ni Juan eh, kaya talagang mapapangiti ka. "Haha, ang korny mo Juan" sabi ko. "Haha hindi nga, seryoso ako. Ikaw si Two, ako si Juan" sabi niya pa. Ngumiti lang ako at di ko siya pinansin pero simula nun, tinawag na niya akong Two. Paminsan minsan, Anjo pero madalas Two. "Bahala ka nga haha" sabi ko na lang. "Haha, malapit na pasko Anjo, este Two ha? Haha regalo ko" sabi ni Juan. ++++ "Anjowings, bakit ka nakangiti diyan" kalabit saken ni Teejay. Bumalik na naman ako sa kasalukuyan, kapag nakakaalala talaga ako ng magandang pangyayari, si Juan naaalala ko. "Ahh hehe wala, ang saya lang pala ng ganito no?" Sabi ko. "Hehe trust me Anjo, mas masaya ako ngayong kasama kita" sabi pa ni Teejay. Lahat kami nagkekwentuhan. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nila at kinekwento, nakakatawa kasi lahat ng pamilya niya. Pagkatapos namen kumain, umakyat na kaming dalawa ni Teejay pero di kami dumiretso sa kwarto niya, sa Terrace nila kami pumunta. Isang malaking open na floor yun, walang bubong kaya dumampi kaagad saken yung napakalamig na hangin ng Baguio. May mga bulaklak at halaman sa gilid, naka tiles siya kaya malinis tignan. May sofa din para makita yung view, at wala akong masabi sa sobrang ganda. Puro liwanag ng mga ilaw sa bahay at poste nakikita ko. Sobrang ganda, hindi ako makapagsalita sa sobrang ganda. "Nilalamig ka ba?" Tanong ni Teejay. Suot ko naman yung jacket niya pero nilalamig pa rin ako. "Oo ehh hehe" sabi ko. Grabe yung lamig, yung hangin. Pero yung view talaga yung sobrang maganda. "Hehe, lika tara upo tayo" umupo kami sa sofa para makita ng maayos yung napakagandang view. Para akong nasa ibang mundo. Umakbay si Teejay saken habang nakayakap ako sa sarili ko. "Masaya ka ba?" Tanong ni Teejay. "Oo Julio" biro ko. "Haha ewan ko sayo hehe" Tumingin ako sakanya, ganun din ginawa niya saken. Nasa kanan ko siya kaya sakanya tumatama yung hangin, nililpad yung mga buhok niya kaya mas gwapo siyang tignan. "Salamat talaga" sabi ko sakanya. Ngumiti lang siya sabay binasa niya yung labi niya at kinagat. "Para sayo Anjo, lahat gagawin ko" sabay kindat niya, Ang lakas na lalo ng dating saken ni Teejay. Hinawi niya yung buhok ko at tinignan ako sa mga mata. "Buti nakikita mo ko kahit wala kang suot na salamin?" Tanong niya. "Hehe sa school lang naman ako nag gaganun eh. Nakikita naman kita oh ayan, ang cute cute" sabi ko sabay pisil sa mga pisngi niya. Ngumiti na naman siya na may labas ngipin. Mas cute siya talaga kapag ngumingiti ng ganun. "Mas cute ka, cute cute cute" sabay pisil din sa mga pisngi ko. Dinikit niya yung noo niya sa noo ko at nag nose to nose kami. "Gustong gusto talaga kita Anjo" sabi niya saken. Alam ko sa sarili kong gusto ko na rin si Teejay pero di ko alam kung paano ko sasabihin sakanya. Nahihiya ako na natatakot. Inakbayan niya ako uli at tumingin naman sa langit. Ang daming stars. "Andito pala kayo eh!" Sigaw nung sa likod namen. Sabay kaming lumingon ni Teejay at nakita namen yung Tito Cielo niya at Tito Miggy. "Uy Tito" tawag ni Teejay. Lumapit naman sila samen. "Pwede bang makitabi?" Tanong ni Tito Cielo niya. Umoo lang kaming dalawa at katulad ng pwesto namen ni Teejay, umakbay din si Tito Cielo kay Tito Miggy pero nakayakap si Tito Miggy sakanya. Grabe, sobrang sweet nila tignan. Sobrang nakakainggit. Ramdam mo yung pagmamahalan nila. "Uhm Tito, si Cara po?" Tanong ni Teejay. "Ahh, alam ko nakina Jamie siya ngayon" sabi niya. Di ko kilala yung mga tinutukoy nila. Pero umoo lang si Teejay. "So, kailan pa naging kayo?" Tanong naman ni Tito Miggy, gwapo rin si tito miggy pero mukhang siya yung bottom sakanila kasi siya nakayakap. "Ahh hindi po kami" sabay nameng sabi. "Ha? Talaga? Sikat na kayo sa internet ah?" Nabanggit na naman yung picture namen sa internet. Kinakabahan ako na ewan eh. "Tito pati po kayo?" Tanong ni Teejay. "Haha, eh tumawag samen si Cara, galit na galit eh kaya nalaman namen" sabi ni Tito Cielo. Di naman ako makasingit sa kwentuhan kasi di ko kilala pinag uusapan nila, maliban syempre kay Cara. "Ang sweet niyo pong dalawa no?" Tanong ko sakanila. "Haha, oo naman. 7 years namen hinintay yung isa't isa eh, simula nun di ko na siya pinakawalan sa paningin ko" sabi ni Tito Cielo. Fvck, ang cute nila lalo. Kinikilig ako sakanilang dalawa. "7 years po?" Tanong naman ni Teejay, "Ahhh so hindi pala kinwento ni Cara sayo?" Sabi naman ni Tito Miggy. "Yung ano po?" Bigla naman silang nagkwento. Grabe yung lovestory nila, destiny silang dalawa. Nagsimula silang dalawa bilang college sweethearts, tapos yung Jamie pala yung tunay na mama ni Cara. At akala nila, si Tito Cielo yung ama kaya nagsama sila for almost 7 years, to think na tinago ni Jamie yung katotohanan para lang may ipang gastos si Jamie sakanila. May iba palang tatay si Cara, at Richard daw pangalan. Napapansin kong hinhimas himas ni Tito Miggy yung tyan ni Tito Cielo habang nagkekwento. Ramdam ko yung pagkwento niya, kung paano sila kasabik sa isa't isa after 7 years. "Tito, ang sabi lang po ni Cara saken iniwan niyo daw po siya dahil kay Tito Miggy" sabi ni Teejay. "Hehe, galit kasi si Cara kay Miggy, kaya ganun kwento niya" Bigla namang nalungkot si Teejay, hindi ko alam kung bakit. "Alam mo na ngayon? Hehe" sabi ni Tito Miggy. "Ehhh bata pa po sila Cara at Ferdinand nun diba? Paano niyo po sinabi sakanila?" Tanong ko naman. "Si Ferdinand, naintindihan naman niya kasi bata pa siya nun kaya walang kaso sakanya kung sino kasama niya pero si Cara talaga yung problema, di niya tanggap. Galit siya kay Miggy at galit din siya kay Richard" kwento ni Tito Cielo. Mas lalo akong nainis kay Cara, buti nga siya may magulang pa eh, dalawa pa. "Kaya minsan nasamen si Cara, minsan si Ferdinand. Hanggang sa ganun na yung set up." Sabi ni Tito Cielo. Feeling ko naman mas naaapektuhan si Teejay sa kwento ng dalawa. "Hehe enough na samen, kayo? Bakit hindi kayo???" Tanong ni Tito Miggy. "Ahhh ehhh...." di ko alam isasagot ko. "Alam mo Anjo, Anjo right?..... na nakikita ko sayo sarili ko" sabi ni Tito Miggy. "Sus, yan ka na naman myloves" asar ni Tito Cielo sakanya. Hala, di ko napigilan mapangiti sa tawagan nila, myloves! Mukhang kinikilig din si Teejay sakanilang dalawa. "Ohhh, sige na. Anong oras na rin ohh. Matulog na kayo tapos bukas nalang tayo uli magkwentuhan ha?" Sabi ni Tito Miggy. "Oo nga, tapos punta naman kayo sa bahay, diyan lang, malapit lang hehe" sabi ni Tito Cielo. Umalis na silang dalawa na naghaharutan. Nakapasan si Tito Miggy kay Tito Cielo habang nagkikilitian. "Grabe, sobrang sweet nila" sabi ko. "Oo nga ehhh. Gusto ko rin ng ganun" sabi ni Teejay. "Hehe ako rin" sabi ko. "Haha edi tayo na lang dalawa" sabi niya. Tumawa lang ako sa sinabi niya. "Pasok na tayo, ang lamig na talaga e" sabi ko sakanya. "Hehe ako rin eh. Tara" sabay na kaming pumasok at pumunta sa kwarto niya. ++++ Nagising ako ng wala akong masyadong makita. Tanging liwanag lang sa bintana nakikita ko pero tinakpan pa to ng Kurtina kaya madilim sa loob ng kwarto. Wala si Teejay sa tabi ko kaya bumangon ako at umupo sa kama, nag inat inat muna ako at humikab. Maya maya, biglang bumukas yung ilaw at may nagpasabog ng Confetti! "Merry Christmas Anjowings!!!!" Si Teejay yun, mukhang excited na excited. Tumawa naman ako kasi nakakatuwa siya, naka pajama lang siya at jacket pero kahit ganun, ang gwapo gwapo niya. "Haha Merry Christmas!" Sabi ko sakanya. Lumapit naman siya saken na may dalang regalo. Nakabalot to at hugis rectangle. "Hala, salamat." Sabi ko. "Dali, buksan mo na!" Tumabi siya saken at excited na excited na buksan ko yung regalo. Sweatshirt na kulay gray! Tapos yung naka print, eroplano. Ewan ko pero ang cute cute neto! "Eroplano kasi diba magiging flight steward ka? Hehe" sabi niya. "Grabe, salamat!" Niyakap ko siya ng mahigpit. Medyo emosyonal ako kasi ngayon lang uli ako nakatanggap ng regalo. Di ko namalayan, ang tagal ko na palang nakayakap kay Teejay. "Ahhh, hehe sorry" sabi ko. "Hehe okay lang, mas gusto ko pa nga ng matagal eh" "Hala paano yan, wala akong regalo" sabi ko. "Haha okay lang yun, yung pagsama mo lang dito samen, napakagandang regalo na nun" sabi niya. Nakakatuwa talaga si Teejay. Mas lalo ko tuloy siya nagugustuhan ngayon. Oo, gusto ko na si Teejay. Niyakap ko siya uli ng mahigpit para magpasalamat. "Woah, may bonus ka pang hug ah?" Sabi niya. "Haha, ayan lang kaya kong ibigay ngayon haha" sabi ko naman. "Haha, sobra sobra nyan" Nanatili akong nakayakap sakanya hanggang sa nagslita siya. "Kailangan natin bumaba, tradition kasi smen yun eh, magbubukasan ng regalo sa baba" sabi niya. "Ahhh ganun ba? Sige, tara" sabi ko sakanya. Nagshower muna ako pagkatapos nman siya, nagbihis kaming dalawa ng pang alis kahit sa loob lang kami ng bahay. Parehas kaming naka blue pero pinatungan ko ng sweatshirt na bigay niya. Bumaba kaming dalawa at nandu na nga silang lahat, nagtatawanan at nagkekwentuhan. Kumpletong pamilya. Wala na si Tito Miggy at Tito Cielo, yung pamilya lang ni Teejay. "Ayan na sila!!! Tara game na!! Bukasan na ng regalo" sabi ng mama ni Teejay. Isa isang dinistribute yung mga regalo at nakakatuwa lang kasi may natanggap din ako kahit ngayon lang ako nagpakita sakanila. Kada nakakatanggap kasi ng regalo, may picture taking at lahat sila nagpapalakpakan. Parang humihinto yung minuto ng buhay ko dito sa sobrang saya. Ngayon lang ako nakaramdam ng pamilya uli. "Sobra sobra na Teejay" sabi ko skanya. "Hehe, kulang pa yan Anjo, ilang taon ka di nakaranas ng Pasko kaya ipaparamdam ko sayo lahat ngayon" sabi niya saken. Wala na akong paki, basta niyakap ko uli siya ng mahigpit at gumanti rin siya. Pagkatapos magbigayan ng regalo, sabay sabay nameng binuksan lahat. Grabe, sobrang saya talaga nila, nahahawa ako sa kasiyahan. Nakatanggap na naman ako ng damit! Kulay gray din, parehas kami ni Teejay! "Haha couple shirt yan para sainyo, si papa nakaisip" sabi ni Ate Karen samen. Tumawa lang kami pareho ni Teejay dhil yung papa pa niya nakaisip. Parehas lang ng design pero mas malaki pa rin yung saken. "Sabi ko kasi di ka mahilig sa fit eh haha" sabi ni Teejay. "Haha grabe, sobrang salamat!!" Sabi ko naman. Parang naging touchy ako kay Teejay simula ngayon, palagi kasi ako nakahawak sa braso niya tapos bigla ko na lang siyang yayakapin. Parang eto lang kaya kong ibigay sa ngayon. ++++ Niyaya akong lumabas ni Teejay at pumunta ng park. First time kong lalabas sakanila simula nung pumunta ako kaya medyo excited ako. Pagbukas ng gate, mas naramdaman ko na naman yung lamig ng Baguio, sobrang sarap sa pakiramdam. Naglakad kaming dalawa papunta sa Burnham Park. Naririnig ko lang to dati pero ngayon nandito na ako. Normal na park lang siya pero parang ang special special. Malawak dahil sa malaking pond sa gitna, yung mga bulaklak din na tumutubo sa paligid, sobrang ganda. Sa Manila, siguradong di tutubo ng ganyan kaganda yung mga bulakalak at lalong naglalakihan pa. Maraming tao at maraming pamilya na namamasyal, pero eto kami ni Teejay, naglalakad lakad dito. "Masaya ka ba?" Tanong ni Teejay. "Nakailang tanong ka na niyan haha, oo sobrang saya ko talaga" sabi ko naman. "Haha, gusto ko lang malaman. Kasi kapag alam kong masaya ka, masaya na rin ako" sabi naman niya. Naupo kami sa may circle sa park, hapon na kaya di na masyadong maaraw. "Ano masasabi mo sa pamilya ko?" Tanong niya saken. "Masaya sila kasama, parang ikaw" sabi ko naman. Tumingin siya saken ng nakangiti. Ang gwapo ni Teejay. "Eh sumasaya lang naman din ako kapag kasama kita eh" sabi niya. Ako nman nangiti ngayon sa kilig. Pinagmasdan ko uli yung pligid, sobrang ganda talaga. "Anjowings, hinahanap tayo ni mama. Tara balik na tayo sa bahay" yaya ni Anjo. "Hala, may problema ba?" "Wala, wala. Hinahanap lang tayo hehe" "Ahh sige" umuwi nman kami kaagad sakanila. Nilakad lang din namen. "Ohhh?? Bakit ng bilis niyo naman umuwi?" Tanong bigla ng mama niya pagdating sa bahay nila. "Akala ko po hinhanap niyo kami?" Tanong ko naman. "Ayyy oo hinhanap ko pala kayo hehe, sige na akyat na kayo" mukha namang nagusap si Teejay at mama niya, ang cute cute. Hinatak ako ni Teejay paakyat at mukhang nagmamadali. Nakasalubong namen si Kuya Treb at Harry na pababa. "Okay na Julio, may utang ka samen ha? Hha" sabi ni Kuya Treb. "Haha opo kuya salamat" patuloy nman kami sa pagpunta sa terrace. Di man lang ako nakapag hi kina Kuya Treb at Harry. Pag punta sa terrace, bago na yung setting! May table sa gitna na maliit, may nakahain na dalawng plato na may takip, tapos may ilaw na maliit sa gitna. Naglakad ako palapit sa lamesa at naririnig ko yung background music. Runaway by the Corrs. Eto yung kanta nung tinanong ako ni Teejay kung pwede ba siyang manligaw. Di ko alam kung anong irereact ko pero sa loob loob ko, sobra akong natutuwa. "I want you to experience a special Christmas" sabi ni Teejay. Paglingon ko sakanya, nag change outfit kaagad siya. Naka coat na siya na black, pero same pa rin yung suot niya, pinatong lang pero may dala siyang bouquet ng bulaklak. Lumapit siya saken para iabot un. Wala na, mas lalo akong namangha kay Teejay. Isa to sa mga gusto ko na nakakahiyang sabihin, yung makatanggap ng bulaklak. Di ako makapagsalita. Inalalayan ako ni Teejay para maupo. Binuksan niya yung takip sa plato at pagkain yun, carbonara at may pizza. "Nag stalk ako sa f*******: mo eh. Nakita kong gusto mo yang carbonara at pizza" sabi niya pa. Nakakadagdag sa mood yung background music nameng dalawa. "Bakit ganito pa?" Tanong ko. "Gusto ko kasi special dinner natin today, kinausap ko lang sila Kuya kung pwede sila magset up hehe" Nakatitig lang si Teejay saken habang nakangiti. No words can describe talaga kung ano nararamdamn ko sa mga oras na to. "Teejay, salamat talaga" sabi ko sakanya. Tumayo naman siya para kunin yung jacket sa may sofa at inabot saken, nilalamig kasi ako. "Salamat" sabi ko. Nagbago yung tugtog. At mas lalo akong kinilabutan ng todo todo. Favorite song of all time ko to. Moving Closer by Never the Stranger. Tumayo si Teejay sa gilid ko at may hawak na note. "Dear My Anjowings of love, Merry Christmas! I want you to know that this is the way of spending my Holiday with the special person like you. Simple dinner under a thousand stars, chatting with you and seeing you smile. You're a gift from God Anjo. Keep smiling and I will be forever here by your side" Naririnig ko yung Moving Closer kaya nakapikit ako althroughout na binasa niya yung maikli niyang message. Ramdam na ramdam ko yung kanta, yung message at yung moment. "Salamat Teejay" sabi ko sakanya. Nakangiti kaming pareho, tumayo rin ako para yakapin siya ng mahigpit. "Maraming Salamat talaga" bulong ko pa sakanya. "Para sayo Anjo. Para sayo" bulong niya rin saken. Umupo na uli kaming dalawa at kumain. Nagkwentuhan pa kami ng napakaraming bagay. Hindi ako nakaramdam ng pagkabagot kay Teejay. Eto na yung pinakamasayang Pasko ko sa tanan ng buhay ko. At kung tatanungin na ako ni Teejay kung magiging kami na? Oo na isasagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD