Part 33

3368 Words
Hinintay ko na lang talaga na tanungin ako ni Teejay. Oo siya na talaga, siya na talaga gusto ko. Wala na akong naiisip ngayon na iba maliban sakanya. Hindi na ako matatakot na magmahal kasi alam kong di ko papabayaan ni Teejay. Nagising ako kinabukasan na katabi ko siya. Mahimbing pa rin yung tulog niya. Kinuha ko yung salamin ko para mas lalo ko siyang mapansin. Sobrang gwapo niya talaga. Nakanganga pa siya matulog tapos yung kamay niya nasa likod ng ulo niya. Kinuha ko yung cellphone ko saka ko siya pinicturan. Ang gwapo gwapo niya talaga. Pumunta muna ako sa banyo para maghilamos at toothbrush. Tulog na tulog pa rin siya kaya ang ginawa ko, ako naman mag eeffort sakanya. Gusto ko iparamdam sa kanya na ready na ako at hinihitay ko na lang tanong niya kung magiging kami. Bumaba ako sa kusina para ipaghanda siya ng almusal. Gising na yung papa niya at mag isang nag kakape habang nagbabasa ng dyaryo. Fvck, buti na lang naka jacket ako at pajama, kung naka boxer lang ako siguradong nkakahiya. "Good Morning po" bati ko sakanya. Ngumiti lang siya saken at patuloy na nagbabasa. Dumiretso naman ako sa ref para mag init ng kakainin. "Gutom ka ba Anjo? Ako na mag iinit diyan" sabi ng papa niya. "Ahh hindi, ako na po. Para po sana kay Teejay.... kay Julio po hehe" "Ahhh osige," medyo nakakatakot boses niya pero mabait. Kamukhang kamukha niya si Kuya Treb. Nag init ako ng carbonara at nagluto ng itlog para sakanya. "Anjo, mas gusto ni Julio ng bacon." Paalala ng papa niya. Oo nga, favorite pala niya yung bacon. "Salamat po" sabi ko. "Tsaka four season yung juice na iakyat mo sakanya. Favorite niya rin yun" sabi pa ng papa niya. "Ahh salamat po" binibigyan ako ng paalala ng papa niya. Narinig ko naman na gumalaw upuan niya kaya alam ko tumayo siya. Napansin kong lumapit siya saken at hawak hawak yung tasa ng kape niya. Medyo, kinakabahan ako. "Sigurado ka bang hindi kayo ni Julio? Eh mas sweet pa kayo kina Karen at boyfriend niya eh" ngayon ko napansin na ngumiti yung papa ni Teejay. "Hehe, hindi pa po" "So malapit na??" Ngumiti lang ako sakanya. "Hehe buti naman, alam mo ngayon ko lang nakitang ganyan yan. Hayst, masayahin siya ngayon. Kung alam mo lang kung paano siya sa mga nakaraang pasko, magdamag lang sa kwarto. Bababa para kumain tapos babalik uli sa kwarto, feeling niya kasi di siya belong sa pamilya kaya ganun yung trato niya" paliwanag ng papa niya. Mukhang seryoso yung papa niya at mukhang kailangn ko rin magsalita baka kasi maoffend kapag hindi. "Ahhh siguro po mahal niyo po talaga si Teejay... Julio, kahit ampon lang siya no po?" Tanong ko. Ngumiti lang siya na parang natuwa. "Sobra, sa Cebu namen siya nakuha nun. Palakad lakad, palaging nakatambay sa tapat ng bahay. Taga Cebu kasi ako. Tapos, mukhang kawawa kaya pinatuloy namen" kwento pa ng papa niya. Mas nakakaawa naman pala yung kwento ni Teejay. "Sobrang bait na bata at sobrang talino pa. Ayaw niya lng ikwento nkaraan niya, di daw niya maalala kaya di na namen kinulit, ang mhalaga naman kasama namen siya diba?" "Opo opo" "Pero ngayon, mas masaya siya dahil sayo Anjo. Maraming Salamat" sabi pa ng papa niya. Bigla ko tuloy namiss si papa. Ngumiti lang ako pero di pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya. "Pero pwede bang magtanong? Wag mo sana masamain" "Sige po ano yun?" Tanong ko. "Sinabihan kasi ko ni Julio na wala ka ng pamilya at kasama mo yung stepmother mo. Kaya di ka name tinatanong about sa pamilya mo kasi si Julio na nagsabing wag kang tanungin" "Ahhh opo hehe" "Namimiss mo ba papa mo??" Tanong niya. Nakakainis naman, naiiyak ako. Pero pinipigilan ko sarili ko kasi nahihiya ako. "Sobra po" sabi ko na lang. "Pamilya mo na kami Anjo. Welcome ka samen kung gusto mo." Ngayon naman naiyak na ako ng tuluyan! Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Namiss ko lalo si papa sa yakap ng papa ni Teejay. Yumakap din ako sakanya ng mahigpit. "Andito lang kami Anjo ha?" Bulong ng papa niya. Kumawala ako at parang gumaan pakiramdam ko, natuwa ako sa usapan namen ng papa ni Teejay. "Sige na po, aakyat ko na po to kay Teejay" sabi ko. "Sige Anjo." Inayos ko yung pagkain niya at nilagay ko sa maayos na tray. Pagkaakyat ko, tulog pa rin siya. Tinignan ko naman yung oras, 9 na ng umaga. Kaya pwede na siyang gisingin. "Good Morning" bati ko. Pero di siya nagigising, kaya tinapik ko siya at dun nagising siya. "Pst, Good morning" ngiti ko sakanya. Ngumiti rin siya saken. "Good Morning Anjowings" sabi niya. "Breakfast in bed?" Sabi ko. Bumangon siya at nilagay ko yung tray sa hita niya. "Wow, dapat ako gumagawa neto sayo eh" sabi niya. "Hehe, okay lang yan nu ka ba" Mukha naman siyang natuwa kaya sigurado na akong tatanungin na niya ako. Medyo excited na rin ako. "Hmmm, masarap ha" sbi niya. "Wala ka bang itatanong saken??" Sabi ko sakanya. "Huh?? Hmmm. Ahhh oo, kumain ka na ba? Sabay na tayo" sabi niya. Medyo nainis ako pero natawa. Mukhang wala pa sa isip niya na maging kami. Buti na lang marami akong kinuhang pagkain para sameng dalawa. "Hehe kakain na rin ako" sabi ko na lang. "Ohhh bakit may nasabi ba ako??" Tanong niya. "Wala hehe" sabi ko. Naglagay ko ng carbonara sa tinidor at sinubuan ko siya. "Ang weird mo today Anjo pero gusto ko yan" sabi niya. Ang gwapo niya kapag ngumingiti saken. Tapos sumubo rin ako ng carbonara sa tinidor ko. "Awww, sana tinidor na lang ako" sabi niya. Nakanguso siya na parang nagpapacute. Fvck, sobrang gwapo niya. "Haha eto pa oh" sinubuan ko uli siya hanggang sa maubos namen yung pagkain na nagtatawanan. +++ Kanina ko pa kinukulit si Teejay pero di niya ata gets kung ano tinutukoy ko. Kanina pa ako nagbibigay motibo pero di niya napapansin. "Ano kayang pakiramdam na merong karelasyon no?" Tanong ko. "Masaya Anjo, lalo na kung ako yung karelasyon mo" sabi niya sabay kindat saken! Nasa labas kami sa may garden ngayon. "Talaga?? Wala ka bang itatanong???" Pangungulit ko sakanya. "Hmm, gutom ka ba? Gusto mo maglabas ako ng cake?" Tanong niya. Ngumiti lang ako ng pilit at umoo sakanya. Kinagabihan naman, magkakasama kami nila ate Karen, Kuya Drei at Teejay sa garden. Pumapapak kami ng chicken na inihaw habang umiinom ng alak pampainit. "Sinagot ko si Drei nun kasi ang tagal tagal niya kong tanungin. Nakakainis, kung di pa ako magbibigay ng motibo nun sakanya, hindi pa ako tatanungin!" Kwento ni Ate Karen. Nako, ganitong ganito ako kay Teejay. "Oo nga, nagulat ako nun, nagalit pa siya saken bakit daw di ko siya tinatanong kung gusto ko ng maging kami" singit ni Kuya Drei. Nakikitawa lang ako pero di pa rin nakkaramdam si Teejay. "Ehhh kailan mo ba sasagutin tong si Teejay??" Tanong namn ni Ate Karen saken. Ayoko naman maging pabigay kaya ngumiti lang ako at nagpabebe ng konti. "Nako, di naman ako nagmamadali ate, hehe" sabi ni Teejay. Ako teejay nagmamadali na!! Tanungin mo na ako! Sigaw ko sa isip ko. "Hehe opo" yun na lang sinagot ko. Infairness sa iniinom namen nakakalasing na siya ah at nakakaantok. "Nako Ate, lasing na tong Anjowings ko, iaakyat ko na to" narinig kong sabi ni Teejay. "Hahaha bakit Anjowings??" Tanong ni Ate. "Haha Anjowings of love, yung kanta? On the wings of love haha" "Ahahaha ang korny mo talaga Julio! Dun na nga kayo" sabi ni Ate. "Oyy, ihiga mo at patulugin yan si Anjo, wag kung ano pang gagawin ha?" Sabi naman ni Kuya Drei. Kahit nahihilo na ako naiintindihan ko naman pinaguusapan nila kaya nga natatawa ako eh. "Haha oo naman, dapat di pinagsasamantalahan kapag nakainom haha" medyo lasing na rin to si Teejay alam ko kasi ang tapang talaga ng alak na iniinom namen. Inaalalayan ako ni Teejay paakyat sa kwarto niya. Dahil sa pagtayo at paglalakad, mas naramdman ko yung tama ng alak sa katawan ko. Hiniga kaagad ako ni Teejay sa kama niya at sinimulan niya akong hubaran. "Ohhhh, sabi ni Kuya Drei wag daw." Lasing nga ako. Kapag nakakainom talaga, ganito na nasasabi ko. "Haha kung gusto kitang galawin, nung unang araw pa lang ginawa ko na" "Edi galawin mo na ako dali!" Bigla naman akong bumukaka sa kama. "Hahaha nakakatuwa ka talaga Anjo, bukas na lang kapag di ka na lasing"sabi niya pa. Ngumiti lang ako sakanya. Nakapikit na ako sa sobrang kalasingan ko. Maya maya nakaramdm ako na pinupunasan niya ako ng maligamgam na tubig. Ang sarap sa pakiramdam. Binuka ko yung mga mata ko para tignan siya, seryoso siya sa pagpupunas ng braso ko. "Ang gwapo mo no?" Sabi ko skanya. Napansin ko naman na tumingin din siya saken. "Shhh alam ko, matulog ka na diyan.pagkatapos ko dito matutulog na rin ako" sabi niya. "Sana dati pa tayo naging ganito no, ang saya saya siguro natin" sabi ko sakanya. Masyado na kong pa obvious, sana naman makaramdam na siya. "Haha, oo nga eh. Siguro mas naging makabuluhan college life ko dahil sayo" sabi niya. Kahit lasing ako, kitang kita ko siya sa mga oras na to. "Gusto kita matagal na kaya salamat sa lahat Teejay" sabi ko sakanya. Di ko na kaya yung alak kaya nakatulog na ako. ++++ Ang ayos ng damit ko pag gising ko. Fvck, naalala ko pala sobrang lasing ko kagabi. Wala na rin si Teejay sa tabi ko. Dali dali akong bumangon at nag CR para maghilamos at toothbrush. Paglabas ko, nandun na si Teejay. "Ohhh bakit parang gulat ka??" Tanong niya. "Hehe wala, kala ko bumaba ka na ehh nakakahiya kasi" sabi ko. "Aba, hindi kita iiwan diba? Hehe." Talagang nasingit niya pa yun. "Tumawag lang si David, tuwang tuwa kasi ang tagal daw nilang magkasama ni Marco" sabi niya. "Ahhh hehe," "Tignan mo tong picture nila sa SG" inabot ni Teejay phone niya. Nasa likod ni Marco si David at nilalagyan ng necklace. Tuwang tuwa si Marco sa picture at yung nakakatuwa pa yung caption. "He said yes again!!" "Ang sweet nila no??" Sabi ko. "Hehe sweet talaga yan si David. Gustong gusto niya lang binubully si Marco pero deep inside kilig na kilig yun hehe. Ilang beses na niyang tinanong yan si Marco kung sila na ba, haha kakatuwa talaga" kwento ni Teejay. Argghh. Buti pa si David, alam gagawin pero siya hindi. "Hehe talaga??" "Oo, nako korny talaga ng tropa ko" "Eh ikaw wala ka bang gustong itanong saken?" Sabi ko sakanya Mukhang nag isip siya saglit saka sinabi. "Gutom ka na ba? Tara kain tayo sa baba" Sa kada tanong ko sa kanya nun, ayan din isasagot niya. Nakakainis na, pero ngumiti ako at bumaba na kaming dalawa. +++ Balik sa 'OPLAN: Tanungin ko ni TEEJAY kung kami na operation' ako. Magkakasama naman kami ngayon ng mama niya at papa niya sa lamesa. Tinanong ko kung paano naman sila nagsimula. "Ay walang ka sweet sweet sa katawan tong papa niyo, pero nung tinanong niya ako kung pwede niya akong maging girlfriend? Yun na ata yung pinakasweet sa lahat. Grabe yung preparation niya nun" kita ko sa mata ng mama niya na kinikilig siya ng todo. "Kaya dapat wag mong sasagutin yan si Julio kung hindi specia!" Sabi pa ng mama niya. "Ma naman" singit ni Teejay. "Haha dapat lahat ng ipapakita mo sakanya, memorable at romantic" "Ganun nman ako ma" "Haha dapat lang, tinanong mo na ba si Anjo?? Baka mamaya naghihintay lang yan na tanungin mo siya" sabi ng mama niya. Opo! Naghihintay lang po ako. Sabi ko sa isip ko. "Haha si mama, nagmamadali. Darating kami dun" sabi pa ni Teejay. Ngumiti na lang uli ako sakanila. Mukhang walang balak na tanungin ako ni Teejay kaya di ko na lang pinroblema. Tinanggal ko na sa isip ko na tatanungin niya ako, pero isang tanong lang saken, oo kaagad ako. Kinagabihan, nagpaalam saken mama ni Teejay, may pupuntahan daw kasi silang dalawa sa ninang niya kaya umoo ako. "Paano ba yan Anjowings, mamimiss mo ko bukas. Samahan mo na lang sila ate bukas, magluluto sila kasi may darating na bisita si ate" sabi niya pa. "Hehe oo kaya ko na" "Promise?" "Hehe opo" "Lika nga dito" bigla niya akong niyakap. "Pa chansing lang hehe" bulong niya saken. "Haha ewan ko sayo" Naglinis na uli kami pareho ng katawan at natulog. ++++ Wala na si Teejay pag gising ko pero may maliit na note uli sa lamesa. "I'll miss you today. Enjoy mo muna kasama sila ate ha? :*" Kahit naman papano napangiti niya ako sa ginawa niya. Chineck ko muna yung phone ko at may mahabang message si Marco saken. "Happy Birthday BB!!! OMG sana happy ka ngayong birthday mo kasi kasama mo love mo hihi. Stay safe ah, by safe I mean gumamit ka ng condom hahaha joke. I love you BB, enjoy your day. Mwa!!- marco&David" Fvck, oo nga pala. December 28 ngayon. May message din si Kurt saken. Di ko binuksan kasi feeling ko ayun yung tamang gawin. Fvck, Birthday ko pala!! Tapos wala pa si Teejay. Fvck talaga. Nakalimutan ko. Nagshower na ako at bumaba, nakita kong nagluluto si Ate Karen kasama si Kuya Treb at Harry. Tinulungan ko naman sila sa ginagawa nila. Nagluluto sila baked mac, hotdog at shanghai. Habang ako naman gumagawa ng cake katulad ng ginawa namen ni Teejay nung pasko. Nagkekwntuhan naman silang magkakapatid about sa cartoons. "Ikaw Anjo? Ano favorite mong cartoon?" Tanong ni Ate Karen. "Hmmm, Despicable Me po haha cute ng minions ehh" sabi ko sakanila. "Ahhh parehas tayo! Hehe" Ang dami nilang pinagkekwentuhan, masyadong random pero nakaksabay naman ako. Maya maya pa, tapos na kami magluto, pinaakyat ako ni Ate Karen para maligo na, magbihis din daw ako para sa bisita. Ganun naman agad ginawa ko, medyo sanay nman ko na wla akong kasama tuwing birthday ko kaya okay lang. Nagbihis ako at pinatungan ko ng jacket na bigay ni Teejay. Alasais na ng gabi. Pagbaba ko sa sala, walang tao. Pero naka hain na sila sa lamesa ng lahat ng niluto namen. Naupo muna ako sa sofa at naglaro ng Candy Crush. Nagulat ako ng biglang namatay yung ilaw at totally wala akong makita maliban sa ilaw ng phone ko. Maya maya, nakakita ako ng liwanag ng kandila sa may hagdan na palapit saken. "Anjo??" Boses yun ni Ate Karen. "Po" sabi ko. Tumayo ako para lumapit sakanya at maya maya bigla namang bumukas yung ilaw. Nagulat ako ng lahat sila nakatayo na sa may lamesa at may suot na party hats. Bigla namang may confetti na pinasabog si Kuya Treb. "Happy Birthday!!!!!" Sigaw nilang lahat. Ako naman nakatulala lang ng mga oras na yun at nakatingin sakanila. "Pero...." di ako makapagsalita. "Akala mo naman makkalimutan ko?" Boses ni Teejay yun. Lumingon ko sakanya at nakita ko siyang may hawak na isang pink na rose habang palapit saken. "Happy Birthday my Anjowings" abot niya ng rose saken sabay halik sa noo ko. Naghiyawan nman lahat ng pamilya niya. Hindi pala kandila hawak ni Ate Karen kundi cake na may kandila. Nakalagay dun, Happy Birthday Anjo! "Make a wish na muna!!" Sabi ni Ate Karen. Napka speechless ko ng mga oras na yun. Di ko alam kung anong ihihiling ko pero ang tanging nasabi ko lang, "Salamat Po" sabay blow ng candle. Nagpalakpakan uli silang lahat. "Sa tingin mo ba makakalimutan ko to?? Hehe excited na excited nga ako eh" bulong pa ni Teejay saken. Lahat ng pamilya niya nakatingin samen at tuwang tuwa. Masaya silang lahat para saken, naiiyak ako sa pamilya ni Teejay. Sobrang tanggap na tanggap ako. "Nakakaasar ka!!!" Sabi ko skanya sabay yakap. "Salamat" bulong ko. "Hehe, wala pa yan Anjowings may surprise pa ako" sabi niya pa. Naglakad kami paakyat hanggang sa mkarating kami sa terrace. At kakaiba na naman yung setup! Nasa gilid yung sofa at may nakalatag na napakaraming sapin at unan sa sahig. May TV din na nakatapat sa sapin sa sahig. Tapos punong puno ng Christmas lights yung terrace. Sobrang ganda sa paningin. "Sa tingin mo umalis talaga ako? Hehe nandito lang kami sa taas ni mama sineset up to hehe" sabi niya. Di pa rin ako makapagsalita sakanya. Speechless, ang sikip ng dibdib ko pero sa sobrang saya. Naglakad na kami papunta dun at umupo sa malambot na sapin sa sahig. Nakaharang yung sofa kaya hindi masyadong mahangin. "Ready ka na ba??" Binuksan niya yung TV. Tumabi siya saken sa sahig at niyakap niya ako para di ako lamigin. Isa palang video presentation to at may mga birthday message galing sa buong pamilya niya. Mukhang kahapon at kanina lang vinideohan. Halos lahat ng message nila sobrang sweet. Sobrang sarap sa pakiramdam. Naiiyak na talaga ako sa sobrang tuwa. May message pa galing kay Marco at David. "Grabe ka, sobra sobra na Teejay" sabi ko skanya. "Hindi pa yan tapos, wala pa akong message ehh" bulong niya naman saken. Naglabas siya ng letter galing sa bulsa niya. "Gusto ko basahin sayo ng harapan kaya wala sa video" sabi niya. Nagbago siya ng pwesto at nag indian seat kami pareho habang magkatapat "Dear Angelo John aka my Anjowings of love, Happy 20th Birthday! Hope naging masaya ka sa pilig ko sa nakalipas na araw. Hope na maging masaya ka rin sa mga susunod na araw na kasama mo ako. Alam ko ikaw yung may birthday eh, pero bakit parang ako ata yung may regalo? Everytime na nakikita kita, bumibilis t***k ng puso ko. Parang everyday, mas lalo akong nafafall sayo. Naalala ko nung unang nagkatabi tayo nung 1st year tayo, kinilig ako kasi magkalapit tayo ng apelyido. Sabi ko destiny tayo. Tapos nung isang beses na magkapareha tayo ng suot ng damit, sabi ko soulmate tayo. Nung dating nagkasabay tayo papasok pero di tayo nagpansinan, sabi ko iniisnob ako neto kasi may gusto ka saken. Haha lahat na ata ng bagay naiisip ko nun, lahat na ata ng bagay na day dream ko na sayo. At ngayon, you're not just a dream. Ikaw yung dream come true ko. I want you to enjoy your life kasi you really deserve every single happiness in life. Ikaw ang pinaka dabest na tao sa lahat. Alam ko hindi naging okay pagcecelebrate mo nung mga nakaraang taon. Alam ko malungkot yun kaya yayakapin kita para kunin ko lahat ng lungkot mo" Ganun nga ginawa niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Paluha na mga mata ko kaya mas nararamdaman ko yung yakap niya. Feeling ko nakukuha niya nga lahat ng lungkot kasi gumagaan pakiramdam ko. Bumalik naman siya sa pwesto namen knina at tinuloy pagbabasa. "Ngayong nakuha ko na lahat ng lungkot na naramdaman mo, papalitan ko na yan ngayon ng masasayang memories. Memories na habang buhay nating ittreasure. I want to make you happy for the rest of my life. Ayun ang regalo ko sayo Anjo, I'm giving you all of me para hindi mo na maramdam lahat ng sakit na naramdman mo noon. Happy Birthday Anjowings my love" Kanina pa ko umiiyak habang binabasa niya yung letter niya. Inabot niya yung sulat saken at may kinuha uli siya sa bulsa niya. "Another gift" sabi niya. Necklace yun na heart shape na locket. Binuksan niya yun at may picture nameng dalawa sa loob. "Hehe para palagi na tayong magkasama kahit saan ka magpunta" sabi niya. Sobrang speechless ko talaga ng mga oras na yun. Tumalikod ko para maisuot niya saken yung necklace. Bigla naman niya akong niyakap ng mahigpit pagkatapos nun. "I love you Anjo" bulong niya sa tenga ko. Kinilabutan ako ng todo sa sinabi niya. Di ko matago yung kilig na nararamdaman ko. Nakangiti ako ng mga oras na yun. Di ko alam kung ano reaksyon niya at gusto ko malaman. Humarap ako sakanya at nakayuko lang siya habang hawak ako sa binti. Hinawakan ko naman yung mga kamay niya. Nilock ko kamay ko sa kamay niya, ang lambot ng kamay niya. Tumingin ako sakanya at tumingin din siya saken. "I love you too" sabi ko. Napalitan naman yung reaksyon niya ng saya. Ang gwapo niya lalo sa ngiti niya. Naramdaman ko naman na humigpit yung hawak niya sa kamay ko. "Promise?" Tanong niya. Umoo lang ako, pero nakangiti pa rin ako. "Sinasagot mo na ako? Tayo na Anjo???" Tanong niya saken. "Ehhh ayan lang naman hinihintay ko sayo eh" sabi ko. " so tayo na nga??" Pangungulit niya. "Oo tayo na" Sa sobrang saya niya napasigaw siya ng malakas at niyakap niya ako ng mahigpit. Yumakap din ako sakanya. Fvck, sobrang saya sa pakiramdam. Humarap siya saken uli, yung ngiti nya sobrang priceless, ang saya saya niya. Kinikilig ako lalo sakanya "Walang bawian??" Sabi niya "Walang wala" sabi ko. Kinagat niya yung labi niya at binasa ng dila niya. Nakatingin ako sa mga mata niya na sobrang saya. Lumalapit mukha niya saken ng dahan dahan. Eto na talaga yun, okay ready na ako. Hinawakan niya ako sa braso paakyat sa mga pisngi ko. Hinawi niya yung buhok ko. Hinihintay ko lang kung anong gagawin niya. "I love you Anjo" sabi niya saken. Pumikit siya habang palapit mukha niya saka niya ako hinalikan. Ang sarap sa pakiramdam! Mainit na basa pero puno ng pagmamahal. Napapikit din ako ng mga oras na yun. Napayakap ako sakanya habang hinahalikan ako. Ang lambot ng labi ni Teejay. Gumalaw ako pakaliwa at naglalaban na halik namen. Ang sarap sa feeling. "I love you Anjo" sabi niya uli sabay ngiti at halik saken. "I love you too" sagot ko sabay halik uli sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD