After lunch na kami nakarating sa terminal ni Teejay, kumain pa kasi kaming dalawa. Naka short lang ako, Tshirt at rubber shoes. Isang backpack lang dala ko na puno ng damit ko.
Si Teejay naman asusual naka porma, naka long sleeves at pants at red shoes. Sobrang gwapo talaga ni Teejay. Hindi nakakasawang pagmasdan. May isa rin siyang backpack na malaki. May tag dalawa pa kaming paper bag na dala para sa pasalubong.
Nakaupo kaming dalawa habang naghihintay na dumating yung bus, matagal tagal pa daw kasi traffic daw sa NLex.
"Gutom ka ba Anjowings?" Tanong ni Teejay saken.
"Ang dami na nating kinain kanina eh, di ka paba busog?" Tanong ko.
"Ano ba, makita lang kita busog na busog na ako eh" sabi niya pa sabay ngiti saken. Nakakatuwa talaga si Teejay lalo na sa mga banat niya.
Nasa Cubao kami ngayon. Maraming tao na gustong makauwi ng probinsiya. Crowded kaya medyo maalinsangan.
"Selfie tayo Anjo" sabi niya.
Bigla niya lang akong inakbayan at nagselfie kaming dalawa. Tinignan niya yung picture sabay ngumiti siya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Wala, ang cute cute mo lang talaga" sabi niya saken. Busy siya sa paglalagay ng caption sa picture habang ako ngayon nakangiti sakanya. Sobrang cute talaga ni Teejay, napakaaliwalas ng itsura niya.
"Ssshhhhh matutunaw na naman ako Anjo sa tingin mo" sabi niya habang naguupload ng picture.
"Ikaw talaga, may mata ka sa gilid no?" Biro ko.
"Kaya ko lang idetect kapag nakatingin ka saken" tumingin naman siya sabay kindat saken.
"Ayan na, uploaded na sa ig twitter at sss" sabi niya pa.
"Hala seryoso ka?"
"Yeap"
"Ano namang nilagay mong caption?" Tanong ko.
"Puro puso lang. Puso. Puso, puso. Puso" puro heart nga lang na emoji nakalagay pagkakita ko.
"Hala ka, bakit naman ganyan, paano naman kapag tuluyan ng malaman ng lahat tungkol sayo" sabi ko.
"Sus ayun lang, wala naman akong paki sakanila. Mas maganda kaya kung pinagsisigawan yung feelings diba? Tsaka ikaw naman yun." Sabi niya sabay ngiti saken.
Wala na akong ibang maramdaman kundi saya at kilig. May ganitong factor si Teejay na talagang siya lang nakakapagbigay saken.
"Hayyyyy ang tagal ng bus, excited na ako makauwi samen at mapakilala ka" sabi niya.
Tinignan ko yung oras, alas dos na ng hapon. Halos isang oras na rin pala kaming naghihintay ni Teejay.
Init na init na ako ng mga oras na yun, ang dami ring tao na nakaupo sa terminal.
Napansin ko namang tumayo si Teejay at bumili sa tindahan ng maiinom. Mogu mogu na pink. Inabot niya saken yun.
"Sige na, para malamigan ka ng konti" sabi niya. Tinanggap ko na kasi medyo naiirita na talaga ako sa init. Maya maya pa, nakaramdam ako ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam.
"Ayan, medyo nawala na kunot ng ulo mo" sabi ni Teejay. Siya pala yung nagpapaypay saken.
"Uyyy wag na okay lang ako"
"Okay ka diyan haha init na init na nga ako eh mas lalo ka pa sigurado hehe sige na hayaan mo na akong pagsilbihan ka" sabi niya pa.
Sht. Ang lakas makapogi ni Teejay.
"Ohh si Kuya tumatawag, sagutin ko lang to ah" sabi ni Teejay. Di naman siya tumayo, sinagot niya lang yung tawag sa upuan.
"Di pa kami nakakasakay kuya, naghihintay pa rin kaming bus"
"Opo, kasama ko po" bigla siyang tumingin saken sabay ngumiti.
"Haha kuya hindi," nakangiti lang si Teejay habang kausap kuya niya
"Opo, text ko kayo pag nakasakay na kami"
"Sige po"
"Papakilala ko po sainyo pag dating diyan hehe"
Binaba na niya yung telepono sabay tingin uli saken.
"Si Kuya Treb yun tinatanong kung nasaan na daw tayo at kung sino ka"
"Ahhh"
"Curious siya sayo eh haha"
"Hala ka, ayan na nalalaman na nila" sabi ko.
"Don't worry, sinabi ko naman na kay Kuya Treb lahat eh. Di naman siya nagreact ng kung ano, okay lang daw sakanya kaya nga gusto ka niya makilala eh" paliwanag niya.
"Hala mas nakakahiya naman yan"
"Anjowings my love, wag ka na mahihiya, magiging pamilya mo na rin yan sa future" biro pa niya
"Ewan ko sayo haha"
"Basta behave ka dun ha? Medyo baliw lang pamilya ko kaya sana di ka madamay haha"
"Haha mas interesado pa rin ako sa secret mo" sabi ko sakanya.
Bigla naman siyang tumahimik at naging seryoso.
"Bakit ba ayaw mo ipagsabi yun?" Tanong ko.
"Hindi naman sa ayaw, pero kasi nakakahiya lang."
"Eh bakit alam ni Kurt?"
"Kasi nalaman niya lang, wala akong balak sabihin kahit kanino"
"Kahit saken?" Tanong ko sakanya. Diretso lang tingin ko sakanya, ganun din siya saken.
"Sasabihin ko talaga pag nandun na tayo tsaka mapapansin mo naman yun" sabi niya.
Di ko na siya kinulit pa kasi nagbabago yung mood niya kapag pinaguusapan namen yun.
Alas tres na ng hapon pero wala pa ring bus. Hindi naman ako naiinip kasi di hinahayaan ni Teejay na mabored ako. Pinapaypayan niya ako habang nagsasabi siya ng mga jokes.
"Ang korny mo talaga hahhahahah" sabi ko.
"Pero tawa ka ng tawa diyan? Hahahha"
"Nakakatawa kasi kakornyhan mo ehh"
Ang laki ng ngiti nameng pareho ng mga oras na yun, parang kami lang dalawa yung tao.
"Ohh wait, may tumatawag na naman" sabi niya.
"Hello Ate" sagot niya.
"Ate?" Sa isip ko.
"Hindi pa rin kami nakakasakay ate"
"Hahaha pati ba naman ikaw ate, opo mamaya pag uwi ipapakilala ko siya sainyo" sabay tingin na naman saken ni Teejay.
"Andito po sa tabi ko"
"Anjo, gusto ka makausap ni ate" tanong ni Teejay.
"Ahh? Ehhh...."
"Nahihiya siya ate" sabi ni Teejay sa phone. "Saglit lang daw Anjo" sabi pa ni Teejay.
Kinuha ko yung phone niya.
"He...hello?" Sabi ko.
"Oh My God. So you're with my little brother now?" Tanong nung babae. Maganda yung boses at mukhang maganda rin siya.
"Ahhh, opo" sabi ko.
"Yeyyyy! I can't wait to meet you" sabi pa nung babae. Sabi niya ibigay ko na uli yung phone kay Teejay
"Ate?" Sagot ni Teejay
"Hehe I told you ate, he's the best" sabay tingin uli ni Teejay saken.
"Hehe sige po. Magtetext ako kaagad ate hehe"
"Bye po"
"Grabe, bakit naman ganun sila" tanong ko.
"Haha nakita nila siguro yung picture nating dalawa"
"Bakit kasi ganun yung caption mo, pwede naman 'off to Baguio with Anjo' diba magkarhyme pa"
"Hahaha gusto mo burahin ko na? Nakita na ng lahat haha"
Ang lakas din mang asar netong si Teejay ehhh pero natutuwa ako sakanya.
"Tse ewan ko sayo haha"
Mag aalaskwatro na rin pero wala pa rin yung bus. Nakakaantok na kaya natulog muna ako sa bag ko. Nararamdaman ko pa rin yung pagpaypay ni Teejay saken.
.
.
.
Nagising ako na sa pagtatapik saken ni Teejay.
"Anjo, andiyan na yung bus" sabi ni Teejay.
Napansin ko naman na nakaakbay si Teejay saken at natutulog ako sa balikat niya. Una kong nakita yung mga mata niya na nakatitig saken.
"Ang cute mo matulog no?" Sabi niya sabay ngiti saken.
Napaupo ako ng maayos.
"Haha tara na Anjo, sakay na tayo ng makaalis na" sabi niya
"Anong oras na ba?"
"5 na" sabi niya.
"Grabe namang delayed yan!"
"Hayaan mo na atleast makakaalis na tayo"
Sabagay, ang sakit na ng pwet ko kakaupo. Binuhat ko na yung gamit namen at sumakay na kami sa bus. Sa bandang gitna kami nakapwesto, ako sa may bintana.
Di naman nagtagal, umalis na agad yung bus.
Nakakatuwang isipin na matapos umikot yung buhay ko sa Manila, simula nung namatay si papa, eto ako ngayon, palabas na ng comfort zone ko. Di ko matago yung excitement ko. Kahit medyo madilim na, nakikita ko naman yung iba dahil sa ilaw ng mga poste.
Maya maya umakbay naman si Teejay saken at sabay nameng tinignan yung tanawin sa bintana. Nakalabas na kami ng Manila at sabi niya nasa NLEX na daw kami.
"Grabe, di ko makakalimutan ko" sabi ko kay Teejay.
"Hala, wala pa nga tayo samen eh"
"Ehhh another first time ko na naman to. Naeexcite talaga ako. Maraming Salamat talaga" sabi ko.
Di naman siya sumagot sa sinabi ko kaya tumingin lang ako sakanya. Nakatingin siya saken at mukhang masaya siya, nakangiti yung mga mata niya na parang kumikinang kahit gabi. Halos magkalapit lang mukha nameng dalawa habang nakaakbay siya.
"Masaya akong nakikitang masaya ka" sabi niya saken.
Umayos ako ng upo at parehas kaming sumandal. Humarap ako sakanya sabay kiss sa pisngi niya.
"Salamat talaga" sabi ko.
Mukhang nagulat siya sa ginawa ko at napahawak sa pisngi niya. Nakatitig siya saken.
Napalitan yung titig niya ng ngiti na napakalaki sabay yakap niya saken ng mahigpit.
"Haha easy lang" sabi ko.
"First kiss mo saken yun" bulong niya saken.
"Haha baliw" sabi ko. Tinanggal ko na pagkakayakap niya saken at tumingin uli ako sa bintana.
Maya maya, nakaramdam na ako ng lamig. Tatlong oras na rin kaming nakasakay sa bus.
"Seryoso? Wala kang dalang jacket???" Tanong ni Teejay saken.
"Oo, akala ko naman hindi gaanong malamig sa bus" sabi ko.
"Ehhh yung sa Baguio? Malamig kaya dun ngayon"
"Sorry" tangi kong nasabi.
Alam kong malamig sa Baguio pero sabi kasi saken ni Marco dati di siya nagjacket nung nagbaguio siya kaya kala ko kaya ko rin. Eh dito lang sa bus di ko na kaya.
Kinuha ni Teejay yung jacket niya sa bag at pinahiram saken. Dali dali ko namang sinuot yun at pasalamat dahil ang sarap sa pakiramdam.
"Okay ka na?" Tanong niya.
"Oo" sagot ko.
Ang cute ng jacket niya, kulay brown tapos mabalahibo at makapal.
Siya naman yung mukhang nilalamig kaya naglabas siya ng extra na damit at tinakip sa katawan niya.
"Sige na Anjo okay lang" sabi ni Teejay.
Nakatitig lang siya saken. Sinara ko na ng kurtina yung bintana at humarap din kay Teejay.
"Matagal pa ba?" Tanong ko.
"Hindi naman. Malapit na tayo sa stop over, baba muna tayo para mainitan ng konti."
Maya maya pa, nasa stop over na kami, iniwan lang namen yung gamit namen sa bus at agad agad na bumaba sa bus. Mas malamig sa bus kaya naman ang sarap sa feeling. Bumili kaagad kami ng lugaw pampainit.
"Grabe, ang saya bumyahe!" Sabi ko sakanya.
"Mas masaya nga ngayon na kasama kita eh" sabi niya habang kumakain kami ng lugaw.
Naisip ko dati yung kinwento niya about sa kuya niya.
"Akala ko isa lang kayong magkakapatid?" Tanong ko.
"Ha, naalala mo pa pala yun hehe. Di pa kasi ako ready ikwento sayo yun eh kaya sinabi ko sayo na isa lang kapatid ko. Actually apat kami"
"Apat?"
"Hehe yeap. Si Kuya Treb, Ate Karen at Kuya Nick" sabi niya.
"Ahhh eh bakit ayaw mo sila ikwento saken???"
"Haha wala lang, pag nasa bahay na tayo malalaman mo hehe"
"Nakakainis naman, pabitin ka masyado hehe" sabi ko
"Haha sa bahay malalaman mo lahat" sabi niya.
"Sige na nga hehe"
Bigla niya akong inakbayan. Ubos na yung lugaw niya saken meron pa.
"Ang dami nating pupuntahan sa Baguio, excited na ako para bukas" bulong niya saken.
"Talagang kailangan bumubulong??" Sabi ko.
"Haha nagpapakaromantic lang naman to naman" biro niya pa.
Natawa naman ako sa sinabi niya, tinanggal niya uli yung pagkakaakbay saken at nagcheck ng phone niya.
"Grabe Anjowings, sikat na tayo! Daming likes sa sss, ig at twitter nung picture natin!" Pinakita niya saken yung phone niya at ang dami nga. Pero mas pumukaw ng atensyon saken yung sa ig na nagcomment.
"Si Cara ba yan?" Tanong ko
"Ah oo, di kasi ako nagbabasa ng comments ehh"
"'Enjoy kayo diyan :)'" comment ni Cara.
"Aba buti na lang at okay na si Cara no?" Tanong ko.
"Hmmm. One thing I know about Cara, kapag may smiley sa texts or comments niya ibig sabihin galit siya" paliwanag ni Teejay.
"Hala? Ano bang meron sakanya??"
"Hayst pabayaan mo na siya Anjo. Wag natin ispoil vacation natin"
"Hehe sige"
Maya maya bumalik na uli kami sa bus at nagsimula ulit bumiyahe.
Medyo pagod ba kaming pareho sa byahe kaya nakatulog na kami sa bus. Hinayaan ko na siyang nakayakap saken dahil suot ko naman yung jacket niya.
.
.
.
.
Ala una na ng madaling araw na bumaba kami ng bus. Halos 7 hours din yung byahe dahil sa traffic sa ibang lugar na dinaanan.
"Manong Lito!" Bati ni Teejay sa isang matanda pagbaba namen ng bus.
Kinuha nung Manong Lito yung gamit nameng pareho ni Teejay at dinala papunta sa may sasakyan hindi kalayuan sa binabaan namen sa bus.
"Sino siya???" Tanong ko.
"Driver nila mama. Matagal na rin siya kaya mapagkakatiwalaan yan" paliwanag niya pa.
Sumakay na kami pareho sa sasakyan at tumakbo na uli yung sasakyan.
"Gising pa ba sila Manong?" Tanong ni Teejay.
"Tulog na sila Julio" sabi ni Manong.
Natawa ako sa tawag ni Manong Lito kay Teejay.
"Manong, si Anjo po pala" pakilala saken ni Teejay.
"Oo Julio, nakita ko na yan sa picture kanina"
"Trending ba kami sa bahay kanina? Haha"
"Medyo po" sagot lang ni Manong Lito.
Grabe sa lamig dito sa Baguio. Kung malamig sa bus, mas malamig dito sa Baguio. Grabe, dapat may tatlong patong ng damit bago maovercome yung lamig.
Inakbayan lang ako ni Teejay habang nakasakay sa sasakyan,
"Nilalamig kasi ako Anjo eh" sabi niya saken.
"Ahhh sige sige" yumakap din ako sa kanya para mainitan din siya. Kasalanan ko rin kung bakit wala siyang jacket ngayon.
"Ahhh Julio nasa likod yung jacket na pinadala mo saken" sabi naman ni Manong.
"De manong wala po akong pinapadala" sabi ni Teejay.
"Yung text niyo pong jacket...."
"Manong. Wala akong tinext" sabi ni Teejay.
Ngumiti lang si Manong at tumuloy sa pagddrive.
"Meron palang jacket diyan eh"
"Shhh mas gusto ko jacket ko" bulong niya saken.
Ngumiti lang ako at pinabayaan ko siya sa pagkakayakap niya.
Maya maya huminto si Manong Lito sa tapat ng malaking gate.
"Ayan andito na tayo Anjo" sabi ni Teejay.
"Grabe naman pala, ang laki ng bahay niyo" sabi ko.
"Ahh kina mama at papa yan, hindi saken hehe"
Bumukas na yung gate at bumungad saken yung malaking puting bahay. Napakaganda, may garden pa sa labas. Mukhang may terrace din sila. Hanggang 3rd floor ata yung bahay nila. Basta malaki at maganda.
"Welcome home Julio" sabi ni Manong Lito.
Bumaba na kami ng sasakyan at mas lalo kong naramdaman yung lamig na panahon. Dali dali kaming pumasok sa bahay nila Teejay.
Napakaganda ng bahay nila, ang puti puti. Tapos yung malaking christmas Tree na nakatayo sa gilid na kitang kita at makulay. Yung kulay green na sofa, yung napakalaking TV. Ayun agad una kong napansin. Sobrang ganda at sobrang linis talaga.
"Wow" tangi kong nasabi
"Hehe, gusto mo na ba magpahinga?" Tanong niya saken.
"Oo sana. Gising paba sila?"
"Tulog na po sila. Sabi ng mama mo bukas na lang daw nila imemeet si Anjo" sabi ni Manong Lito.
"Ahh ganun ba, sige Manong aakyat na kami" sabi ni Teejay.
"Sige Julio. Ayos na yung kwarto mo"
"Salamat po!"
Iniwan namen yung mga pasalubong namen at saka umakyat dala lang yung backpack namen.
Sa 3rd floor yung kwarto ni Teejay. Pagbukas ng pinto, medyo malaki. Mas malaki pa sa kwarto ko, doble ata ng laki ng kwarto ko. At ang ganda at ang linis. Maaliwalas, wala masyadong gamit.
Pagpasok namen, dumiretso kaagad kami sa kama at sabay na humiga.
"Grabe! Sobrang nakakapagod!" Sabi ko.
"Haha totoo, gutom ka ba?" Tanong niya.
"Hindi naman. Gusto ko lang magpahinga"
"Sabagay, ako rin"
"Saan yung cr? Gusto ko magshower" sabi ko.
"Hala, wag na matulog na tayong ganito."
"Ehhh malagkit ako"
Bigla naman siyang tumagilid at tumingin saken sabay amoy saken sa leeg at buhok.
"Ang bango bango mo nga oh? Parang di ka bumabaho. Wag na, tulog na tayo" bigla siyang yumakap saken. Rinig ko pag hinga niya sa leeg ko.
"Teejay..." sabi ko.
Tumayo siya at nagtanggal ng sapatos. Tinanggal niya rin yung sapatos ko. Sa kagustuhan kong magpahinga, di na ako nagshower kayanagtoothbrush na lang kami ng sabay.
Walang tubig sa cr sa loob ng kwarto niya kaya bumaba pa kami sa 2nd floor para mag CR. Sabay kami nagtoothbrush at naghilamos. Malamig din yung tubig kaya di ko na rin tinry magshower.
Umakyat na kaming dalawa sa kwarto niya. Nilock yung pinto at humiga sa kama niya.
Nagpalit lang kami ng malinis na damit pero nakasuot pa rin kami ng jacket. Pinahiram niya rin ako ng jogging pants para di masyadong malamig.
Nakatingin kaming dalawa sa kisame habang nakabalot sa iisang kumot.
"So.... goodnight na Anjo" sabi ni Teejay.
"Goodnight" sagot ko.
Tumagilid uli siya saken para tignan ako.
"Bakit ka na naman nakatingin?" Tumagilid din ako para tignan siya.
"Wala, gusto ko lang makita yung itsura mo bago ako matulog" sabi ni Teejay.
"Baliw ka hehe tara na't matulog" sabi ko.
"Okay. Gooodnight" ngumiti na naman siya ng malaki, labas ngipin kaya napangiti niya rin ako.
"Sige Goodnight dn" sagot ko habang nakangiti sakanya.
"Goodnight Anjo" sabi niya.
"Goodnight"
"Pipikit ko na mata ko, Goodnight" pero halata namang nakatingin pa rin siya saken.
"Haha goodnight na" sabi ko.
Lumapit siya saken at halos magkalapit na mukha namen.
Lumapit pa siya na halos magkadikit na noo namen.
"Ngayon pa lang Anjo, nagpapasalamat na ako sa paskong to!"
"Maraming Salamat din sa pag imbita saken"
Pinikit ko na yung mga mata ko. Hindi ko na kaya sa sobrang antok, di ko alam kung nakatingin pa siya basta ako gusto ko ng matulog.
.
.
Nagising ako dahil sobrang naiihi na ako. Mukhang maliwanag na sa labas.
Napansin ko na lang na nakayakap ako kay Teejay at ganun din siya saken. Naririnig ko yung paghinga niya saken. Tulog na tulog pa rin siya.
Ang sarap sa pakiramdam ng init ng katawan ni Teejay. Umurong ako ng kaunti para makita yung reaksyon niya, ang gwapo niya kahit tulog. Parang anghel.
Dahan dahan kong tinaggal pagkakayakap namen at bumangon ako. Mukha namang di siya nagising kaya bumaba uli ako sa cr sa 2nd floor para umihi.
Buti pa sa loob ng CR mainit init, mukhang may kaka shower lang. Pagkatapos kong umihi, naghilamos ako ng sobrang lamig kaya mas lalo akong nagising.
"Woooh ang lamig!" Sabi ko sa banyo.
"May tao ba diyan??" Biglang may nagsalita sa loob ng banyo.
Fvck! May tao pala.
Sa shower room nanggagaling. Magkahiwalay kasi yung shower sa inidoro. At may malaking glass na nakaharang sa shower room at kurtina kaya di ko alam. Kaya pala mainit sa loob, may nagshower nga.
"May tao ba...." nagulat yung lalaki sa loob ng shower room paglabas niya dun.
Pero mas nagulat ako sakanya.
Lalaki na moreno. Matangos ilong, mapula yung labi, yung mata niya sobrang mapungay at yung katawan niyang malaki! Ang HOT! Sobrang hot! Basang basa katawan niya at tanging tuwalya lang nakatapis sakanya.
"Ahhh eh sorry po di ko po alam na may tao" sabi ko.
"Woah, wait! Si Anjo ka diba?" Tanong niya.
"Ahh opo" sabi ko.
Bigla siyang ngumiti at lumapit saken. Fvck, ang tangkad din pala niya.
"Kuya ako ni Teejay, Kuya Treb" pakilala niya. Inabot niya yung kamay niya para makipagkamay.
"Ahhh hello po" sabi ko na lang. Nakipagkamay din ako. Nakangiti lang siya saken pero ako gustong gusto ko na lumabas
"Sorry po, di ko po alam na may tao"
"Don't worry, it's okay"
"Sige po" paalam ko sakanya at palabas na ako ng pinto.
"Anjo, wait" tawag saken ni Kuya Treb.
"Po?"
"See you around" sabi niya saken sabay ngiti. Umoo lang ako sakanya at umalis na ako ng tuluyan. Fvck, nasa lahi talaga nila Teejay yung malaking katawan at gwapo. Grabe.
Dali dali akong umakyat uli sa kwarto at pagpasok ko, nakaupo si Teejay sa kama.
"Ohh Goodmorning Anjowings" bati niya saken.
"Goodmorning, umihi lang ako sa baba" sabi ko.
"Ahhh, papaayos ko yung tubig sa kwarto ko para di ka na bumababa hehe"
"Hehe sige sige"
Tumayo siya at lumapit saken sabay niyakap niya ako.
"Ohh bakit???" Sabi ko.
"Wala lang, gusto lang kita yakapin" sabi niya sabay hinimas himas niya yung braso ko para mainitan.
"Tara na Anjo, baba na tayo. Maaga sila gumigising dito eh" sabi ni Teejay.
"Nahihiya ako" sabi ko.
"Don't worry di kita papabayaan hehe. Bihis na tayo tapos baba na okay?" Sabi niya.
Feeling ko naman magiging okay ang lahat dahil katabi ko si Teejay.
"Sige" sabi ko.