Part 30

2792 Words
Nag suot ako ng damit normal kong sinusuot. Yung malaki kong Tshirt na white at nagshort lang ako. Si Teejay naman, simpleng white T Shirt lang at shorts. "Hindi ka nilalamig?" Tanong ko sakanya. "Mainit sa baba sigurado, nakabukas yung heater" sabi niya. "Ahhhh, so di na akk magjajacket" tanong ko. "Wag na, okay na yan hehe" "Di ba ako mukhang korny?" Tanong ko. "Hala, anong korny, ang cute cute mo nga sa suot mo ehh hehe" di man lang pinaramdam saken ni Teejay na ang baduy baduy ko. Palagi siyang supportive. Di ko maiwasang hindi mapangiti sakanya. "Ohh nakangiti ka na naman. Tara na Anjowings mylove, sigurado akong hinihintay na tayo sa baba" sabi niya pa. "Hehe sige" Sabay kaming lumabas at bumaba. Totoo nga, medyo mainit sa baba hindi katulad sa may kwarto ni Teejay na sobrang lamig. Dumiretso kami sa may sala kung saan nandun nga silang lahat at nag aalmusal na. Alas otso na ng umaga at gusing na silang lahat. Napahawak ako kay Teejay sa braso. "Wag ka kabahan ano ka ba hehe." "Hehe sorry" bigla akong bumitaw sakanya. Saka naman niya ako inakbayan papunta sakanila. Dahil sa akbay ni Teejay, nawala ng kaunti kaba ko. Nakita ko nga silang lahat sa lamesa. Apat sila dun at nagkekwentuhan. Huminga ako ng malalim at lumapit kami sakanila. "Gising na rin sa wakas!" Sabi nung isang babae. Maganda at medyo morena siya. Mukhang hanggang balikat ko lang siya at dahil mas matangkad si Teejay baka hanggang dibdib niyablang to. Matangos ilong niya, mapula rin yung labi at mapungay din mga mata. Kamukha siya ng Kuya Treb niya. "Hi Ate Karen" tinanggal ni Teejay pagkakaakbay saken at niyakap niya to. "Sorry antok na ako kagabi di ko na kinaya ehhh." Sabi ni ate. "Okay lang po" "And you must be Anjo!" Sabi niya saken. Nagulat naman ako ng niyakap niya rin ako. Ang bango bango niya rin. "Hehe. Hello po" bati ko sakanya. "Ang galang mo naman hehe tara kumain na tayo" sabi niya saken. Umupo na kami at sumama sa pagaalmusal. Nakaupo dulo siguro yung papa ni Teejay, matangkad to at Medyo mestiso, siguro sa kanya nagmana si Teejay ng kulay. Kamukhang kamukha siya ni Kuya Treb. Sa gilid naman niya siguro yung mama ni Teejay. Maganda siya at mukhang mabait. Kamukha naman siya ni Ate Karen. May isa namang lalaki rin na nakaupo kaso di ko alam kung sino. "Hi po sainyo" bati ko sakanila. Ngumiti lang silang lahat saken. Medyo kinakabahan naman ako buti nalang nagsalita yung mama ni Teejay. "Julio, ipakilala mo naman samen" sabi ng mama niya. Natatawa ako. Julio pala tawag kay Teejay dito. "Ahh ofcourse, ma, pa, Ate Karen, Kuya Drei, si Anjo po" pakilala niya saken. At ngayon di lang ngiti yung binigay nila, tumayo pa yung mama ni Teejay at niyakap ako. Wow, ang sarap sa pakiramdam ng may mama. Ang sarap ng yakap niya. Ramdam na ramdam ko. "Nice to meet you finally" sabi pa ng mama niya saken. "Hehe kayo rin po" sabi ko nalang. Umupo na uli siya at inabot naman ng papa niya yung kamay niya at nakipagkamay ako. "Papa ako ni Julio" sabi niya. Mukhang masungit pero nakangiti naman siya saken. Dun ko nalaman boyfriend pala ni Ate Karen si Kuya Drei, okay naman. Pogi rin at nakasalamin, mukhang may trabaho na. Nagsisimula na silang kumain kaya sumunod na kami ni Teejay. May nakahain na itlog, bacon at hotdog. May rice at tinapay din. Maya maya may narinig kaming palapit samen, si Kuya Treb yun. Nakasando lang siya at boxer. "Sorry may ginawa lang ako sa taas hehe" tumabi sa kaliwa ko si Kuya Treb habang nasa kanan ko si Teejay at kaharap namen yung mama niya, Ate Karen at Kuya Drei. "Ohhh Anjo, kumusta byahe?" Tanong saken ni Ate Karen. "Ahh okay naman po, nakakapagod lang" "Eh sabi ko naman kay Julio susunduin nalang namen kayo diyan eh, ayaw pa niya" sabi ni Ate. "Haha kasi gusto maka porma, para daw may moment silang dalawa sa bus haha" pang aasar ni Kuya Treb. "Kuya naman" sabi ni Teejay. "Haha, so kailan pa naging kayo?" Tanong ng mama niya. Bigla naman ako nabilaukan sa tanong niya kaya inabutan ako ni Teejay ng juice. "Ahhh hindi pa kami ma," sabi ni Teejay. "Ahhh I see," mukhang di naman na nangulit mama niya. "It's okay, nakwento ni Julio na first time mo rito sa Baguio" sabi ni Ate Karen. "Po?" Tanong ko. "Ate, Teejay kasi pangalan ko sa manila" paliwanag ni Teejay. "Ehh nasa Baguio ka ngayon kaya Julio ka. Gusto mo Tyler? O gusto mo complete Tyler Julio? Ano gusto mo haha" pang asar ni Ate. "Haha dapat iyakin, kasi simula ng nakuha namen yan iyak yan ng iyak hahha" sabi naman ni Kuya Treb. Bigla naman silang nagtawanang lahat. "Ahhh ehh opo, first time ko po. Di ko lang po sure if nakapunta na ako ng bata pero ang alam ko hindi pa po" sabi ko. "Ahhh I see." Sabi ni Ate. "Ohh Anjo, ang payat payat mo, pinapakain ka ba ni Julio?" Sabi ni Kuya Treb. Tumawa lang ako sakanya. "Nako, papatabain ka namen dito!" Sabi pa ni Kuya at nilagyan niya ako ng maraming pagkain sa plato ko. "Okay ka lang ba?" Bulong ni Teejay saken. "Oo naman" bulong ko rin sakanya. "Uyyy nagbubulungan na sila" si Ate Karen naman yun. Alam ko na kung saan namana ni Teejay yung malakas mang asar. "Anjo, kwento ni Julio samen scholar ka daw?" Tanong ng mama niya. "Ahh ehh opo." Di ko na dinagdagan baka kasi mayabangan saken. "Ohh tha's good! What are your plans after graduation?" Tanong niya. "Ahh di ko pa po naiisip eh, dami pa po kasing school works kaya di ko muna iniisip" "You wanna be a flight attendant???" Tanong niya. At dahil sa tanong niya, bigla akong kinilabutan. Ayun kasi ang pangarap ko kaya natuwa ako sa tanong niya. "Opo" diretso kong tanong. "Okay good, send me your resume huh? I'll refer you sa friend ko" sabi niya. Napansin ko namang nakatingin si Teejay saken sabay ngiti. "Alam ko ng sasabihin yan ni mama sayo eh" bulong ni Teejay saken. "Dapat sinabi mo para naman napaghandaan ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko oh!!" Sabi ko "Edi nawala na yung element of surprise!" Sabi niya. "Ewan ko sayo" bulong ko. "Ehem. Ehem. Nasa harapan lang kami oh??? Ang sweet niyong dalawa, talaga bang hindi pa kayo? Haha" biro ng ate niya. Tumawa lang kaming dalawa ni Teejay. ++++ Unang araw ko sa bahay nila Teejay, naka survive ako. Sobrang bait nilang lahat, parang tanggap na tanggap nila si Teejay kaagad. "Uyy Julio" tawag ko kay Teejay. Nasa kama kaming dalawa at bagong gising, nakasuot siya ng jacket at pajama. Ako rin ganun suot ko. Maganda ang araw at mukhang malamig na naman. "Hala nakiki Julio ka na rin ha? Haha" sabi niya. Iba talaga ngumiti si Teejay, nakakainlove sa sobrang kagwapuhan! "Hehe naalala ko lang about sa sikreto mo" tanong ko sakanya. "Oh? Ano yun?" Tanong niya. "Ayun nga itatanong ko, ano ba yung sikreto mo??" "Di mo pa ba napapansin?" "Ano ba yun?" Pangungulit ko pa. Tumingin lang siya saken sabay umupo sa higaan. "Uyy wag ka madaya, sabi mo sasabihin mo" sabi ko sakanya at bumangon din ako. "Nakakainis naman to haha di mo man lang ba napansin? Moreno sila ako mestiso? Tapos lahat sila may resemblance maliban saken?..." nakatingin siya saken na parang gusto niyang malaman ko na yung sinasabi niya, pero di ko alam kung ano tinutukoy niya "Di ka man lang ba nagtataka kung bakit ganun?" Tanong niya. "Hmmm, baka naman kasi galing Manila ka tapos sila dito. Sa Baguio diba madaling umitim kasi di mo naman nararamdaman ung init kaya okay lang maarawan, sa Manila ramdam na ramdam kaya magpapayong ka talaga" sabi ko. Tumawa si Teejay bigla na para bang may nasabi akong nakakatawa. "Bakit ka tumatawa ng ganyan?" Medyo inis kong tanong. "Haha wala lang ang cute mo kasi tapos ang cute pa ng theory mo haha" pang aasar niya. "Hala ano kaya yun, totoo naman ahh" sabi ko Tapos tumawa na naman siya. Maaasar sana ako sakanya kaso ang gwapo niya ehhh. Namumula na siya kakatawa. "Ehhh ano ba? It's either yun o ampon ka. Ayun lang naman ehh" sabi ko. Bigla naman huminto pagtawa niya nung sinabi ko yun. At napaisip din ako. Tamaaaaaa!!! Magkamukha lang si Ate Karen at Kuya Treb niya pero silang tatlo hindi, lalo na sa parents niya, hindi rin sila magkamukha. "Ayyy so ampon ka?" Tanong ko. Tumingin siya saken sabay taas ng kilay niya para umoo. Di ko naman alam kung anong sasabihin ko. Medyo tumahimik kami ng sandali at nakipagramdaman. "Oo, ayun lang sikreto ko, ampon ako nila mama at papa" bigla niyang sinabi. "Ehh bakit di mo sinabi na agad? Wala lang naman saken yun" "Si Kurt lang may alam nun at si Cara, ayoko lang malaman ng iba. Issue ko naman yun, parang ayaw ko lang nalalaman ng mga tao yung tungkol sa ganung part ng buhay ko" sabi niya pa. Ang hirap kapag nagseseryoso na si Teejay. Nakakadala kasi siya ng emosyon. "Ohh alam mo na ngayon sikreto ko ha?" Sabi niya pa. "Di ko alam kung bakit ayaw mo sabihin saken yan, kasi technically parehas tayo ng sitwasyon eh. Di ko rin naman kadugo mga kasama ko sa bahay ngayon diba?" Di naman nagsalita si Teejay basta nakayuko lang siya. "Galit ka?" Tanong niya. "Hala hindi ah" "Ayun, ampon ako Anjowings my love. Sana matanggap mo pa rin ako" sabi niya. "Haha jusko ayan lang eh oo naman hehe" Ngumiti na si Teejay at alam ko nagbago na yung mood niya na masaya siya at mukhang okay. "Tara na nga Anjo, bumaba na tayo para makapag almusal nasa baba na yun sila mama sigurado" sabi ni Teejay. Tumayo kaming dalawa at nagbihis. Ayos na yung cr ni Teejay kaya dun na kami nag shower. Buti na lang talaga may mainit na tubig dito sakanila kaya di problema yun. Pagkabihis namen ng normal nameng damit, napatingin ako sa salamin. Kung titignan ko yung porma ko sa porma nila, ang baduy talaga ng porma ko. Parang naintimidate ako bigla, bakit kasi di ako marunong mag ayos? Ngayon, nagsisisi na ako. "Teejay, pahiram naman ng damit" sabi ko bigla. "Oh bakit???" "Wala lang nakakahiya kasi porma ko eh" sabi ko. "Kakain lang naman tayo eh" sabi niya. "Eh ang poporma niyo kasing lahat eh hehe nahiya ako bigla" Lumapit siya saken at hinawakan sa balikat. Magkaharap kaming dalawa. Ang gwapo talaga niya pag malapitan. Ang hilig pa niyang kagatin yung mga labi niya. "Anjowings, magkausap kami nila mama at papa kagabi, okay na okay sila sayo. Di mo kailangan magbago dahil lang naiintimidate ka. Nagustuhan kita dahil sa ganyang suot mo at ayokong maging iba ka dahil lang naiintimidate ka. Kung makikita mo lang yung sarili mo sa kung paano kita tignan, sobrang perfect mo Anjo" Ramdam na ramdam ko kada salitang binibitawan ni Teejay. Sobra akong kinilig. Di ko namalayan nakangiti na pala ako at ganun din siya. "Okay ka na ba? You look perfect. Tara na at bumaba" pahabol pa niya. Ang bango bango niya na umakbay saken at bumaba na kami. +++ Simula nung pumunta kami ni Teejay dito di pa kami lumalabas na dalawa. Ayaw pa daw niya kasi. Gusto niya after Christmas na. Nagbihis na ako kaagad pagtapos kong maligo. Para paglabas ko ng CR, Di na ako lamigin. Nakita ko si Teejay na nakaupo sa kama at hawak hawak cellphone niya. Wala siyang damit pero nakapajama siya. Lumalaki na katawan ni Teejay. Ang hot hot niya lalo na ngayon na nakahubad siya. May abs siya at malaki ung dibdib, lalaking lalaki. Mestisuhin pa kaya talagang ang yummy tignan. "Ahhh eto na pala Anjowings ko eh, halika, may papakita ako sayo" sabi niya pa. Lumapit ako sakanya at umupo sa kama. Pinakita niya saken yung picture nameng dalawa na nakapost sa IG. "Wow!! 2000 likes?!" Sabi ko kaagad. "Haha nagulat din ako eh, tapos yung mga comment puro okay haha may ilang mga babae na naiinis saten pero pabayaan mo na sila haha" Oo nga, ang daming comments. Kilala si Teejay sa school kasi nagmomodel siya kaya talagang paguusapan kami "Haha humanda ka na pag pasok siguradong pag uusapan tayo" biro niya pa. Bago ko pa matapos sasabihin ko, biglang pumasok si Kuya Treb sa kwarto namen. Naka suot siya ng sando na maluwag at boxer shorts. Ang hot ni Kuya Treb kasi build na build katawan niya, moreno pa at higit sa lahat gwapo. "Julio tawag ka ni mama" sabi ni Kuya Treb. "Ohh bakit daw??" Sabi ni Teejay. "Di ko rin alam eh haha, kakatapos niyo lang ba mag s*x?" Biglang tanong ni Kuya. Nahiya ako sa tanong niya pero si Teejay tumawa ng malakas. "Haha hindi ka pa rin nakaka score Julio? Ano ba yan hina mo naman haha" asar pa ni Kuya. "Haha kuya naman eh," tumayo na si Teejay at nag inat inat. Kahit gaano ka hot si Kuya Treb, mas hot pa rin si Teejay para saken. Di ko naman maiwasang mapatingin kay Teejay. "Anjowings my love, dito ka muna ha? Tawag lang ako ni mama" sabi niya. "Sige sige" "Anjowings my love?!!! Hahahaha ang korny mo talaga" asar ni Kuya Treb sakanya. Naglakad na siya palabas ng pinto kasama si Kuya Treb pero hindi lumabas si Kuya, nanatili siya sa kwarto at nakipagkwentuhan saken. Kaming dalawa na lang yung tao. "Hi, di pa tayo nakakapagusap na tayong dalawa lang no?" Tanong ni Kuya. Nakaupo lang ako sa kama habang nakaupo naman siya sa upuan, kaharap ko. "Ahh sa cr po hehe" sabi ko naman. "Haha buti nga nakilala kita nung mga oras na yun eh, kasi kung hindi baka kung anong ginawa ko sayo haha nakakalibog ka pa naman" biglang sabi ni Kuya Treb. Bigla akong nag init at nahiya sa sinabi niya, masyado siyang straight to the point. Di ako nakapagsalita. "Haha sorry kung masyadong garapal hehe, so kumusta kayo ng kapatid ko?" Tanong niya. "Ahhh, okay po hehe" medyo na awkwardan na ako sakanya. "Ohh, kwento saken ni Julio di pa kayo nagsesex ah??" Sabi niya. Fvck, another awkward question di ko alam kung paano sasagutin, basta ngumiti na lang ako. "Haha don't get me wrong, I love s*x. Nakikipagsex din ako kahit kanino but I'm always safe kaya wala akong sakit" Di ko alam isasagot sa mga pinagsasasabi niya. "That's why okay lang saken na ganyan si Julio kasi ako rin ganyan eh hahaha." Ang weird ng kuya niya, masyadong makwento ng kung ano ano. "Looking at you, I know bottom ka, good thing top si Julio" Di ako nagsasalita, siya lang talaga. "Haha sorry if naaawkwardan ka na, hehe. Arghhh swerte lang ng kapatid ko sayo" sabi niya. Di ko alam pero feeling ko gusto akong galawin netong ni Kuya Treb. Nakayuko lang ako at tumitingin tingin sa kwarto pero ayokong tumingin sakanya. "Tell me Anjo, ayaw mo ba saken? I mean, pure top ako. I fvck smoother than you think, pero kapag nagmakaawa ka, I'll fvck you hard. Hardest than you will ever think" sinubukan ko siyang tignan at masyadong malagkit yung tingin niya saken. "Sorry ayaw ko po" sabi ko na lang. "Seriously Anjo? Come on, It'll be our little secret. Don't worry, I'll go easy on you. Sobrang sarap mo lang talaga" sabi niya. Tumayo ako at humarap sakanya. Naiinis na kasi ako sa sinasabi niya. "Kuya Treb, di po ako ganyang klaseng tao. Kaya po sana tigilan niyo pagsasabi saken ng ganyan" sabi ko sakanya. Hindi naman ako galit pero naiinis lang, kahit naman gwapo siya at malaki katawan, di na ako babalik sa dati kong gawain. "Ohh nice! Thank you" tumayo rin siya at hinawakan niya ako sa balikat. Ako na lumayo sakanya at tumayo sa gilid. "Sorry kung nasabi ko sayo yun, I just love my brother so much. Kahit di kami magkadugo, gusto ko na masaya siya. Sobrang bait kasi niyang bata. And alam ko ang same s*x relationship, karamihan sa mga yan s*x lang ang hanap. Ayokong mangyari kay Julio yun" Nagbago naman yung mood ni Kuya, from malibog na nakakabwisit, to kind kuya. "Yung sinabi ko totoo lahat yun hehe. Ayoko lang mangyari sa kapatid ko yung nangyari saken kaya salamat at hindi ka katulad ng iba na kaladkarin" sabi pa ni Kuya. Bigla namang pumasok si Teejay sa kwarto at nakangiti. "Bakit nakatayo kayong dalawa??" Tanong ni Teejay. Ngumiti naman si Kuya Treb at tinapik si Teejay sa balikat. "Sobrang swerte mo diyan kay Anjo, wag mo na pakawalan" sabi ni Kuya sabay labas ng kwarto ni Teejay. "Hmmm anong meron kay Kuya?" Tanong niya. "Wala naman, may kinwento lang hehe" "Ahh ganun ba? Uyy may sasabihin pala ako" "Ano yun?" "Darating parents ni Cara sa Pasko" sabi ni Teejay. "Huh? Bakit?" "Close kasi sila nila mama at papa kaya ganun." "Ehhh andun ba si Cara???" "Hindi ko alam eh. Pero kung andiyan edi okay lang" sabi niya. "Kilala ba ng parents mo si Cara??" "Oo" sabi niya. Bigla naman ako nag alala kasi ayoko talaga dun sa babaeng yun. Ayoko ng away ngayong pasko. "Wag ka mag alala okay, hindi kita papabayaan dito. Alam naman na nila mama yan, ayaw nga nila kay Cara eh kaya don't worry okay?" Mahilig si Teejay na humarap saken kapag di ako kumportable. Alam niya siguro na umookay ako kapag ginagawa niya yun. "Okay" sabi ko na lang. "Tulog na tayo, noche buena na bukas eh, maraming lulutuin kaya dapat gising na tayong dalawa okay? Hehe" paalala niya pa "Sige sige" sagot ko. Humiga na kaming dalawa at hinalikan niya ako sa noo sabay ngiti saken. "Goodnight" "Goodnight"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD