Exams, Projects, Activities. Super daming pinapagawa samen. Halos hindi na nagtatagpo oras namen ni Teejay pero naiintindihan naman namen yung sitwasyon. Simula na ng second sem sa Manila, samantalang nasa kalagitnaan na ng sem dito. "Anjo, pahinga pahinga rin!" Sabi ni Jake saken. Kanina pa kasi ako nakaharap sa notebook ko at mga libro sa kama. "Hehe, maya maya" sabi ko. "Tara dinner muna tayo!" Sabi niya. "Dinner?!" "Duh, anong oras naba sa tingin mo? Alas tres? Alas otso na kaya!" Sabi niya. Tinignan ko yung oras, tama nga siya. Akala ko mga alaskwatro at alasingko pa lang. "Ano? Tara, pahinga na muna diyan" sabi niya. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya pumayag ako na sumama. Naalala ko nung isang araw, 11 months na kami ni Teejay. Nakakatuwang isipin na kahit malayo kami s

