Di maganda yung mood ko maghapon, wala, halos di ko pansinin lahat ng kumakausap saken. Epekto to ng away nameng dalawa ni Teejay. Ilang araw din kaming ganun, walang halos pansinan. Magmemessage lang ng good morning at goodnight. "Ano ba Anjo, tatlong araw ka ng ganyan di pa rin ba kayo bati?" Lapit saken ni Jake. Medyo nahihiya nako kasi nasisigawan ko na sila rito kapag kinukulit nila ako. "Sige, sorry. Yayayain ka lang sana nameng mag dinner ni Jane" sabi niya pa. "Sorry wala talaga ako sa mood" sabi ko. "Naiintindihan ko, sige Anjo" paalam ni Jake. Nag iisip pa rin ako sa away namen, first time kasi namen na mag away ng ganun kalala. Habang nagmumuni muni, nagulat ako ng makita ko si Alexander sa gilid ng kama ko, "Hey!" Bati niya. "Hi" sabi ko. "You seem sad, what happened

