Kailangan ko munang umuwi para kumuha ng mga damit. Di ko pala nadala ang cellphone ko kahapon. Nawala na rin ito sa isip ko. Kailangan ko ng pera. Hindi nila ooperahan si Ice kung walang downpayment. Saan naman ako hahanap ng 40 thousand? Naalala ko ang offer ni Amber. I have no choice. Kinuha ko ang cellphone ko. Napakaraming misscalls at text. Hindi ko na tinignan kung saan yun galing. Una ko agad na tinawagan si Amber. "Hello? Amber, tatanggapin ko ang offer." hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. "Nawala ko kasi yung kontrata. P-pwede bang gumawa na lang kayo ulit?" "Of course, Pixel. So ano? Kita tayo mamaya?" "M-may favor lang ako, Amber." "Sure. Ano yun?" "Kailangan ko ng pera. Pwede bang b

