Kakatapos lang ng meeting nina Sapphire. Kasabay nilang lumabas ang iilang nasa loob kanina. Hindi ko pa nakikitang lumabas si Clay. Siguro'y may kinakausap pa. "Go team?? Go go go! Tanginang pakulo mo rin Pix. Hahahahhaha kapagod mag pigil ng tawa." si Andrea. Sasabunutan ko na talaga siya buti na lang at nahawakan ako ni Sapphire. Kainis na eh. Nawawalan na ako ng pasensya sa dalawang toh. I am not really in the mood to joke around. Clay's mad at me. My son's in critical condition. Hindi ko alam kung anong uunahin. "Saph, alis na lang ako." paalam ko sa pinakamatino kong kaibigan sa kanilang apat. Tinaasan ako ng kilay ng tatlo. "Saan ka pupunta Pix?? Ikaw ha? Naging boyfriend mo lang yung may-ari absent ka na ng abse

