Pagdating ng hospital ay ang bigong mukha ng doctor ang una kong nabungaran. Kaharap nito ngayon si Liza. Agad akong tumakbo para itanong ang nangyari. "We did everything we could. I'm really sorry Ms. Miranda." ang tanging sinabi nito sa akin. I don't know what to react. Sorry?? Bakit? Ano bang nangyari sa anak ko? Ang dami dami kong tanong pero walang lumalabas na salita sa bibig ko. Ang tanging lumalabas ay malalakas na hikbi na yumayanig sa aking mundo. A simple sorry can't take back anything. Now I understand. Sinalo ako ni Liza ng muntik na akong matumba sa kinatatayuan. Mula sa operating room ay may nilabas na stretcher. Parang ang hirap huminga habang nakatingin ako sa isang maliit na katawan na tinatabunan ng put

