Katabi ko na namang natulog si Clay. Alas kwatro na ng umaga. Kailangan ko ng umalis at male-late na ako sa flight ko. Dahan dahan akong tumayo at kinuha ang maleta ko sa ilalkm ng kama. For the last time bago umalis ay tinignan ko muna ang napakagwapong mukha ni Clay. I kiss him. "I love you." bulong ko bago tuluyang umalis ng apartment. Hindi ko nasabi kay Clay ang pag-alis ko ngayon. Hindi ko kaya. Malamang magagalit siya ng sobra-sobra. Okey na rin siguro yun. Mabilis akong nakapara ng taxi. Nag-text sa akin si Amber at nasa airport na daw siya. Excited na excited na ito. Hindi na daw siya makapaghintay na makatungtong ulit sa Paris. Pagdating sa airport ay nakaabang sa akin si Apollo. Kinuha nito ang bagahe ko. Nagbatian pa kaming dalawa bago k

