Tatlong linggo na si Ice sa hospital. Makakauwi na daw siya bukas. Sa wakas. Kakausapin ko sana si Clay kung pwede ako mag-absent bukas para makasama ko buong araw si Ice. Maiintindihan naman siguro nito. Tinanong ko ang isang empleyado bago ako pumasok sa opisina kung dumating na ba si Clay. Ang sabi nito ay kanina pa daw pero wala naman ito sa loob. Binalikan ko ulit siya para itanong kung umalis ito sandali o baka may meeting ito. "Wala po Ms. Miranda. Hindi pa po siya lumabas kanina pa. Nakausap ko pa nga siya kanina dahil may pinasabi si Mrs. Mallari sa kanya." anito. Tumango ako. Wala siya sa loob. Tinignan ko sa cr at sa kusina pero wala. Baka nasa secret room niya? Kumatok ako sa secret room niya dahil nga baka an

