Iniwan lang ni Clay ang mga damit ko sa may lababo. Lumabas siya para harapin sina Amy. Huminga pa ako ng malalim bago lumabas ng cr. Nang makalabas ako ay nagtinginan ang dalawa sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila. May pinass ata silang report kay Clay. Hindi ko alam kung lalabas ako o uupo sa pwesto ko o kaya ay pumasok sa kwarto. Kaya in the end ay nakatayo lang ako dun sa labas ng cr habang nakatingin sa kanilang nag-uusap. Saka masakit pa kasi. Nahihirapan akong maglakad. Nakakhiya pag nakita nila. Tiningnan ako ni Amy. Yung tingin na mag-uusap-tayo-mamaya-look. Napayuko ako. Para akong teenager na nahuli ng nanay niya na nakikipaglandian sa boyfriend niya. Nakakhiya. Siguradong sasabihin nila kina Sapphire at Andrea ang nakita. Tutuksuh

