"Pixel Miranda." Si Amber. Ghad! Nasa harapan ko siya ngayon. Andito kami sa isang coffee shop sa loob ng Pinch building. Pinagtitinginan siya ng mga tao. Malamang! Si Amber toh!! "Tama nga si Wil. Mas lalo kang gumanda." I felt my cheeks burning. Ngayon lang ako kinikilig sa isang babae. Hindi naman sa tomboy ako ah? Straight pa ako sa puno ng buko noh. It's just that, siya ang idol ko dati pa lang. Siya ang inspiration ko noong nagmo-model ako. "So how are you, Pixel?" ngumiti siya. Binaba niya ang hawak-hawak na kape. Kasama niya ang asawa niyang si Apollo. Nasa labas lang ito at kausap si Anthony. Oo, andito si Anthony. Tinanong ko kung bakit siya andito. Sabi niya, may trabaho daw siya with Apollo. Apollo's an engineer too... O architect ba yun

