Dahil sa nangyaring sagutan namin ni Clay kahapon, hindi na kami nag-usap pa muli. Si Sapphire ang kasama kong nagpunta ng hospital para sunduin si Ice. Hindi ko alam kung galit ba ako o nasasakal na sa pagiging possessive ni Clay. Hindi ko na rin siya maintindihan minsan. Halos lahat na lang ng lumalapit sa akin ay pinagseselosan niya kahit wala namang dapat ikaselos. "Sayang naman Pix! Ang ganda ng offer eh. Kung si Ice lang naman, pwede namang kina mommy muna siya. Mas mapangangalagaan nila si Ice doon." ani Sapphire. Naikwento ko kay Sapphire ang pagtatagpo namin ni Amber kahapon sa pinch. I told her about the offer. Nagdadalawang-isip pa rin kasi ako. "Ang komplikado kasi eh. Si Ice ang dahilan kung bakit ako huminto

