Five

2622 Words
             Nasa canteen ako ngayon kasama sina Sapphire. Kanina pa nila ako pinipiga sa nangyari. Kung pano ako hindi natanggal pagkatapos ko sigawan si Sir Clay tapos ay binalik pa nito si Mr. Yu sa trabaho nito. Very unbelievable daw. I don't know what to say kasi kahit ako wala akong ideya.              "Hindi ko rin talaga alam. Handa na akong ligpitin ang mga gamit ko but he said may kontrata pa ako sa kanya and wala akong karapatan umalis." nagsasabi naman talaga ako ng totoo. Yun naman talaga ang nangyari. Kinwento ko sa kanila lahat except yung paghalik ni Sir Clay sa akin. Syempre, di ko pwede ikwento yun noh.              "I still can't believe it!!! Oh God! I don't know what you did to the almighty Clay Rafael Millari but keep doing it Pixel." ani Amy. Nag-agree naman ang iba.              Napailing naman ako. "I didn't do anything. Siguro napagod na rin siya sa kasamaan ng ugali niya." ngumuso ako.              "I think he likes you. What do you think guys?" si Sapphire. Tsk. Nakikisali pa talaga ang isang toh.              Sinamaan ko siya ng tingin. Baka ano pang masabi ng makakarinig eh.             Tinutukso-tukso na ako ng iba pa naming kasama. Napayuko na lang ako sa kahihiyan. I know hindi naman ako gusto ni Sir Clay. Like come on, he's Clay Rafael Mallari and I'm just Pixel Miranda. I'm nothing. Napagod lang talaga yun magsungit. O baka naisip na niyang mali siya.              "You're the first secretary who survived him, Pixel, and ikaw lang ata ang hindi niya kayang i-fire after what you did to him. Come on, kung isa sa amin yun, I'm sure napahiya na kami sa harap ng maraming tao tapos mawawalan pa kami ng trabaho. Don't give us that 'you have signed a contract with him' bullshit. Lahat naman ng sekretarya niya nag-sign din nun, Pix. It's really obvious! Clay Rafael Mallari likes you!" wika naman ni Maria. She's the youngest sa group. I think she's still 18? She's an intern.            Napahilamos ako ng mukha. I really want them to stop teasing me. Ayokong ma-issue. I'm here to work for my son. That's all. Hindi ako naghahanap ng love life. I have a son and that's enough for me.              "You guys need to stop." mahina kong wika. Nahihiya na talaga ako. Baka makarating pa tong rumors na toh kay Sir Clay at talagang tanggalin na ako sa trabaho ko. "I told you, I'm here for my son. I don't have time for relationships."              They all sighed. "We know that, pix. But he's interested with you. You can't deny that.... And him liking you is actually a good thing. Nadi-distract siya, Pix." tumawa sila.              After namin kumain ay nagpaalam na akong mauuna. Kahit 30 minutes pa ang natitira sa break time ko ay bumalik na ako sa opisina. Baka kasi magalit na naman pag na-late ako. Agawan pa naman lagi ng elevator every after lunch.              Pagpasok ko sa loob ay nagtama pa ang aming mga mata. Napailing ako saka matamlay na umupo sa swivel chair ko. Tinapos ko yung mga pinapagawa niya. Hindi ko nga alam kung secretary niya ako dito eh. Halos wala kasi akong ginagawa. Bibigyan lang siguro ako ng isang paper work then tapos na.              "Are you okey?" tanong niya bigla.              I just nodded.              "Kasama mo na naman ang mga kaibigan mo?"              I answered him with a nod again.              "You look bothered. Are you really okey?"              "Bakit ba tanong ka ng tanong??? Dapat tinatanong mo ako tungkol sa trabaho ko. Me being okey is not part of you concerns, Sir." hindi ko na mapigilan ang sarili ko. I don't know but hindi ko gusto yung nagtatanong siya ng mga personal na questions. I don't think it's appropriate.              Napayuko ako ng marealize ang nagawa. Nagulat ako sa mga salitang lumabas sa bibig ko. God, what are you thinking Pixel? Gusto mo na talagang mawalan ng trabaho noh?              "Sorry po."              Akala ko magagalit siya pero imbes ay tahimik lang siya ulit na ginawa ang trabaho niya. Bakit ganun? Bakit hindi siya galit? Dapat sinasabi na niyang tatanggalin niya ako!! Ugh! Bakit ba ako nag-aalala? Diba dapat masaya nga ako? Kasi mukhang malambot ang puso niya sa akin? But why though? Ugh ewan! Bahala na.              The next day, halos sabay kaming dumating ni Sir Clay sa opisina. Nakita ko pa ang pagtingin nito sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. I don't want anyone to think na there's really something between us. Hindi naman sa feeling ako pero after what my co-officemates said? Tingin ko kasi naghihinala silang lahat.... And I don't like that. I hate having special attention.              "Wala ka na naman sa mood." anito sa akin ng nasa loob na kami ng Elevator. May mga kasama kaming mga limang empleyado doon. Nasa tabi ko siya. He's not looking at me. Straight lang ang tingin niya. "Are you okey, Pixel?"              Nagulat ako. He called me by my name. Unang beses yun! Narinig ko ang pagtikhim ng mga empleyado na kasama namin. Wala akong nagawa kundi sumagot. "Okey lang po ako, Sir."              "You don't look okey."              "Pagod lang po siguro." I smiled.              "Then you should rest. Pwede namang late ka pumas-"              "I'm really okey sir. I know you're concern about US, your EMPLOYEES sir... But I'm fine. Salamat po sa concern." talagang may diin doon para marinig ng mga kasama namin.              Hindi na siya nagsalita ulit. Hanggang sa dumating kami sa floor namin. Nakasunod lang ako sa kanya papasok sa opisina niya. Nagulat pa ako ng padabog niyang binagsak ang briefcase niya sa mesa. Mukhang siya ang wala sa mood.              "Tubig nga." utos niya sa akin.              Agad ko naman itong sinunod. I handed him the water na kinuha ko sa kusina. Pagkatapos niyang inumin ay binalik ko iyun sa loob. Pagkatapos ay bumalik na ulit ako sa upuan ko.              "What's wrong with you????" sigaw nito. He's looking at me. May galit na naman sa mukha nito. What? What's wrong with me?              "Wala po sir." malumanay kong sagot.              "Why are you treating me like s**t???"              "I'm not treating you like s**t, sir. I'm treating you as my boss... Because you're my boss."              Tumahimik siya. "I don't like it."              "You don't like what, sir?"              "Yan. You're too formal."              "Ganito naman talaga ako una pa lang, sir." sagot ko.              Tinawag niya ako at pinalapit sa kanya na agad ko namang sinunod. Pinalapit niya ako sa tabi niya. Nagulat na lang ako ng hilahin niya ako kaya napaupo ako sa kandungan niya. Napasinghap ako. Hinawakan niyang mabuti ang beywang ko para pigilan akong tumayo't umalis.              "Ano po bang ginagawa niyo??" inis kong tanong.                 Imbes na sumagot ay diniin niya ang pwet ko sa kanya kaya nasasagi yun sa ano niya. Napaigtad ako. Gusto ko siyang sampalin. Sinubukan kong itulak siya para makaalis ako pero mas malakas siya sa akin.              "Oh babe. I want us to stay like this for awhile." aniya. Malamlam ang boses.              Napalunok ako. Alam kong nalulunod ako sa maganda niyang boses at sa malalalim niyang tingin. I can't help it. Nanghihina ang tuhod ko. Hinaluan pa ng sobrang kaba.              "Let me go... Please." pakiusap ko. Naluluha na ako. Natatakot ako na baka may pumasok at makita kami sa ganitong posisyon. This is not good. Inappropriate. "Sir... Please.              "I will.... Pero may kapalit"              "A-ano?"              "Don't call me, sir pag tayong dalawa lang. Call me Clay."              Wala na akong nagawa. Paulit-ulit akong tumango kaya naman pinakawalan na niya ako. Sumilay ang isang ngiti sa labi nito. Nagangatog ang mga tuhod na bumalik ako sa upuan ko. I tried not to look at him. Ayaw kong maiskandalo. Kung di lang ako desperada na kumita, aalis na talaga ako dito.              "Nanliligaw na ba siya sayo?" Eto na naman kami sa topic namin. Ayaw talaga nila akong lubayan about kay Sir Clay.              "No." walang gana kong sagot. I feel like quitting pero tuwing naiisip ko yun, naaalala ko si Ice. I really want to give him everything he deserves.              "Why?"              "Because he doesn't like me?" wika ko na parang ang obvious ng sagot.              They just rolled their eyes. Alam kong hindi sila naniniwala. I can't blame them. After what happened noong sinagot ko si Sir Clay tapos hindi man lang ako pinaalis, sino nga bang maniniwala? He's known as the most arrogant boss. I obviously hurt his ego at wala man lang siyang ginawa.              "Speaking of the devil." mahinang wika ni Amy. "What is he doing here?"              Napatingin ako sa taong papasok sa canteen. Nakuha niya agad ang atensyon ng lahat ng empleyadong andito ngayon at kumakain. Hindi ko alam pero ayaw kong magpakita sa kanya. Natataranta akong nagtago sa ilalim ng mesa. Nagtaka naman sina Sapphire sa ginawa ko. I told them to keep quiet. Ayokong makita niya ako. Hindi ko alam bakit. Basta! Ugh!              Ang kaninang maingay na canteen ngayon ay biglang tumahimik. Malamang ay nakapasok na siya. Halos pinipigilan ko ang hininga ko na para bang pati paghinga ko, maririnig niya.              "You guys are Pixel's friends right?"              Hindi na ako makahinga ng marinig ko ang boses niya. How did he know na sila ang lagi kong kasama dito?              "H-ha? Y-yes sir." ramdam ko ang kaba ng mga bruha. Ang lakas ng loob na pag-usapan si Sir Clay tapos mauutal naman pala pag nasa harap na nila. Tsk.              "Bakit wala siya dito? Where is she?"              Napalunok ako. Rinig na rinig ko na talaga ang lakas ng t***k ng puso ko. Subukan niyo lang talagang ituro ako. Papatayin ko kayo. Subukan niyo lang. Subuk--              "Anong ginagawa mo diyan???"              Napasinghap ako ng makita ko siyang nakasilip sa akin. Agad akong nag-isip ng palusot. Palinga-linga ako sa sahig na parang may hinahanap. "Amy, nasaan nga nahulog yung piso ko? D-di ko mahanap eh." palusot ko. Benta naman diba? Alam kong nagmumukha akong tanga.              "Lumabas ka nga diyan." utos niya. May inis sa boses nito.              Nangangatal akong lumabas mula sa ilalim ng mesa. Naabutan ko ang takot na takot na mukha ng mga kaibigan ko habang nakatingin kay Sir Clay. Sinamaan ko sila ng tingin. I'm sure may nagturo sa akin. I'm sure of it. Lagot sila sa akin mamaya.              "Are you hiding from me?" tanong nito ng magkaharap na kami. Putcha. Tahimik lang na kumakain yung iba. Alam kong nakikinig sila sa amin. Kaya mas lalo akong kinakabahan. Bakit nga ba ako kinakabahan?              "Ha? Ako? Me? As in me? Magtatago sayo?" tumawa ako ng pilit. "Bakit naman? You're my boss. Magkasama nga tayo sa opisina eh. Hinahanap ko lang yung pisong gumulong. Pambili na rin yung ng ice water.... Diba, Amy?" tinignan ko si amy with umiling-ka-papatayin-kita-look.              "Ah O-Oo nga. Masinop kasi yan sa pera. Piso na lang hinahanap pa." sakay naman nito.              "Do I look dumb para maniwala sayo? Why are you hiding from me?" hinawakan niya ang isang kamay ko.              Napayuko ako. "Di nga ako nagtatago sayo. Di ko nga alam na pumasok ka eh. Saka ano po bang ginagawa niyo dito, Sir? May kailangan po ba kayo sa akin? May emergency meeting po ba? Kung yung mga papers na pinapatrabaho niyo po ang hinahanap niyo, nilagay ko na po yun sa mesa niyo." I tried to sound professional.              "Let's talk." aniyang tila di narinig ang mga sinabi ko.              "Hindi pa po ako tapos kumain sir. Saka hindi pa naman po tapos ang break time ko."              "Okey then. Mag-uusap tayo dito." hinila niya ako at pinaupo sa tabi ni Sapphire. Umikot naman siya at umupo doon sa kaharap na upuan. Talagang umalis yung isa naming kasama kumain para makaupo siya. Tinignan ko ang mga kasama ko at may panunuya ang mga ngiti nila. Napayuko na lang ako. Nahirapan na nga akong mag-deny sa mga sinasabi nila tapos... Tapos... Haysss.              "So why are you hiding from me?"              "Hindi nga po!!! Bakit ba kasi ang kulit nyo! Hindi ko alam kung ilang beses kayo niluwal ng nanay niyo. Di maka-gets. Bakit naman kasi ako magtatago sa inyo." nainis na ako. Paulit-ulit kasi. Badtrip na nga ako kasi nakatingin lahat ng tao sa direksyon namin.              Hinawakan niya ang kamay ko at agad ko namang kinuha ang kamay ko sa kanya.              "Bakit ba lagi ka na lang badtrip sa akin?"              "Hindi ako badtrip sa inyo. Hindi ko alam yang sinasabi niyo." nag-iwas ako ng tingin.              "Bakit ayaw mo akong pansinin?"              "Pinapansin ko po kayo. Pag may inuutos kayo, ginagawa ko naman, diba? Teka nga, boss kita... Ba't mo ba ako kinakausap dito? Di mo ba ako tatanungin kung tapos na yung pinapagawa niyo?" nagkamot ako ng ulo.              "Okey. So kamusta na ang pinapagawa ko?" malumanay niyang tanong. Para kaming tanga dito.              "Okey naman po, boss. Malapit na matapos."              Nakita ko ang pagsilay ng ngiti ng mga taong nakikinig doon. Hindi ko alam kung maiinis o matutuwa. Pinapahiya na ako nito masyado eh. Pag di siya tumigil, babayagan ko talaga siya.              "Wooh! Tapos na ang 30 minutes. Back to work." saka tumayo na ako. Hindi ko na hinintay sa sasabihin ng mga kaibigan ko. Ni hindi na rin ako nagpaalam. I know everyone's looking at me. Ewan ko na lang kung may mukha pa ba akong ihaharap bukas. This is embarassing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD