Isang linggo na ako dito. Minsan talaga nagsusungit na lang siya ng walang dahilan tapos minsan naman ang bait-bait. Yun nga'ng nakakausap ko tuwing lunch, di makapaniwala na nagtagal ako ng isang linggo. Yun ata daw ang pinaka-nagtagal sa kanya. Di naman ako maka-relate kasi kahit gaano siya kasungit di naman dumadating sa point na nakakasakit siya ng feelings. Though nakita ko na siyang magalit sa iba.
"What???? I gave you 2 months Mr. Yu! Two months!!! Tapos bibigyan mo ako ng basura???"
Tulad na lang ngayon. Eto na naman siya sa paninigaw niya. Naawa tuloy ako sa matandang lalaking kaharap niya. Tsk. Walang galang. Pag nakita lang toh ng mga babaeng humahanga sa kanya? Malamang minus pogi points na siya. Sama ng ugali eh.
"Sorry sir.. Nagkasakit kasi ang anak ko so--"
"Wala akong pakialam Mr. Yu. Busines is business. If you can't perform your duties well, mas mabuti pang umalis ka na lang sa kompanya ko. Pangatlong beses na toh Mr. Yu."
"Sir. Give me another chan--"
"Do I have to say it to you, Mr. Yu? You're fired."
Nakita ko ang unti-unting pagpatak ng luha ng matanda. Kahit ako'y nagulat sa binitawang salita ni Sir Clay. Napakawalang hiyang Mallari. Hindi man lang binigyan ng pagkakataon ang matanda. Mukhang mahalaga pa naman yung explanation niya.
"Ms. Miranda. Palabasin mo toh!" utos niya sa akin. Agad akong tumayo at lumapit sa matanda na ngayon ay umiiyak na. Hinagod-hagod ko ang likod nito at pilit itong tinatahan.
"Tama na po. Wag na po kayo umiyak." pag-alo ko dito. Mas lalo atang lumakas ang hikbi nito ng nasa labas na kami. Ngayon lang ata ako nakakita ng lalaking kasing lakas niya umiyak. Siguro, importante sa kanya ang trabahong toh. Kasi naman, itong si Clay Mallari na yan, ang sama ng pag-uugali. Jusko. Mabubulok talaga siya sa impyerno.
"Wag po kayong mag-alala. Susubukan kong kausapin si Mr. Mallari na ibalik kayo."
"How would you do that? Mabuti pang wag na iha at baka madamay ka pa. When he decides on things, yun na talaga yun."
Natahimik ako. Tama naman siya. Sa isang linggo ko dito. Pag nagdesisyon si Sir Clay, yun na yun. Never siyang nagbago ng isip. Nakakainis noh? I know he's the boss but can he at least try to be considerate?
"Wag po kayong mag-alala. Tingin ko makakahanap pa kayo ng ibang trabaho."
Pagpapagaan ko sa loob ng matanda na mukhang mas lalo pa atang kinasama ng loob nito.
"I'm 59, iha. Mahirap na makahanap ng trabaho ang tulad ko. Swerte na nga lang at nagtagal ako dito. Dito na ako nagtrabaho for 30 years... Yung tatay pa niya ang may hawak ng kompanya. Inalay ko ang buong buhay ko dito and dahil sa isang mali'y nawala lahat." humikbi na naman ang matanda.
Napailing ako. Napaka-loyal naman pala nito. Hindi man lang ba yun pinahalagahan ni Sir Clay? Parte siya ng pagyabong ng kompanya. Binigyan niya naman sana ng pagkakataon si Mr. Yu na mag-explain. Kahit yun na lang, bago siya nagdesisyon na sipain ito paalis ng opisina.
"Hays... Hirap talaga magka-amo ng masamang damo." wika ko habang hinahagod ang likod ng matanda.
"Pardon? Anong sabi mo?"
Tila nawalan ng kulay ang mukha ko ng marinig ang pamioyar na boses na yun. Natutop ko ang sariling bibig. Narinig ko rin ang pagsinghap ng ibang empleyado na nakarinig din siguro sa sinabi ko. Mukhang hindi lang si Mr. Yu ang mawawalan ng trabaho ngayong araw na toh. Ba't ba kasi di ko mapigilan ang bibig ko?
"What did you say Ms. Miranda?" may panghahamon sa boses nito. Yung mata niya nama'y nanunuya. Alam niyo yun? Yung parang nang-iinis.
Pinigilan ko ang sarili kong wag magsalita dahil alam kong kailangan ko ang trabahong toh para sa anak ko. Saka nangako na ako kay Aling Isay na magbabayad ako ng upa next month. Kahit abutan man lang sana ako ng next month dito.
"Napipi ka na ba?" ang kaninang mapanuyang ekspresyon ay napalitan ng galit. Hinawakan nito ang kamay ko. Nilayo ako nito sa matandang ngayon ay natahimik na rin ng makita si Sir Clay.
I tried to stay calm but..--
"Sabi ko ang sama ng ugali mo!!! Akala mo kung sino kang magaling! Eh kung wala naman ang mga empleyado mo dito, di naman aangat tong kompanya mo! Masama ka! Sana sunugin ka sa impyerno! Oo, ikaw ang may-ari nitong kompanya at dapat lang na sundin namin ang inuutos mo pero sana naman matuto kang makinig. Kahit yung explanation lang ng mga empleyado mo. Ginagawa naman siguro nila lahat ng makakaya nila sa trabahong toh diba? Bago lang ako dito pero nakikita ko kung gaano silang tutok sa ginagawa nila. Hindi ko alam kung anong problema mo sa buhay pero napaka-unprofessional naman ata na sa amin mo nilalabas lahat yan." hindi ko na napigilan ang inis ko.
Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Sir Clay. Malamang ay hindi niya inaasahang may lalaban sa kanya. Akala niya kasi kung sino siya. Nakakainis na. Wala akong pakialam kung ako yun pagalitan niya pero nung nakita ko yung pambabastos niya sa matandang si Mr. Yu, di ko na mapigilan ang galit ko.
Ilang minuto siguro kaming nagkatitigan bago niya ako hinila papasok sa loob ng opisina niya. Napatayo ang ibang mga empleyado. Bakas ang takot at pag-aalala. I saw him locked the door. Kung dati ay kinakabahan ako sa presensya niya, ngayon ay hindi na. Tutal ay nasabi ko na naman ang gusto kong sabihin sa kanya.
Akala ko ay sisigaw sigawan niya ako o kaya sasabihang magbalot-balot na dahil wala na akong trabaho. But instead, kinulong niya ako sa mga kamay niya saka hinalikan ako ng marahas. I was shocked. Hindi ko inasahan ang marahan niyang pag-atake. Halos masaktan ako sa ginawa niya. Naramdaman ko pang sumabunot ang isang kamay niya sa buhok ko. I groaned. I tried to wscape but it's no use. Masyado siyang malakas. I almost lost my breathe kung hindi pa siya tumigil.
Naramdaman ko ang paghapdi ng labi ko matapos ang paghalik niya sa akin. I gasped for air. Pati siya ay naubusan ng hininga. Sasampalin ko na sana siya pero nahuli niya ang kamay ko.
"That's for insulting me inside my building Ms. Miranda." diin niya.
"So ganito ang ginagawa mo sa mga empleyado mong lumalaban sayo?" I said sarcastically.
Hindi siya nagsalita. He just looked at me straight in the eyes. Parang nanunuya na ewan.
Ako na mismo ang nag-iwas ng tingin. Bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita. "Liligpitin ko na ang mga gamit ko."
"And where do you think you're going?"
Tiningnan ko siya ng nagtataka. "Aalis na? I insulted my boss. Malamang tatanggalin mo rin naman ako mas mabuti ng mag-resign na ak-"
"Wala akong sinabi na aalis ka. Hindi ka aalis. Remember? May kontrata ka sa akin as my secretary. Unless may pambayad ka sa pag-breach ng contract then you're free to go."
Napakunot ang noo ko. What does he mean? Hindi niya ako tatanggalin??? But why??
"Tawagin mo si Mr. Yu. I want to talk to him." he said. "But first, ayusin mo muna yang sarili mo." nag-iwas siya ng tingin.
Tiningnan ko ang sarili sa glass door. Nakaramdam ako ng hiya ng makita ang nagkalat kong lipstick sa mukha at ang gulo-gulo kong buhok. God! He's a monster.
"Use my comfort room." aniya.
Di na ako umangal at dumiretso na sa CR. inayos ko ang sarili ko. Pinungko ko rin ang buhok ko. Kinuha ko ang lipstick na dala ko para hindi masyadong mahalata ang namamaga kong labi dahil sa ginawa niya. God!!! Nakakahiya. Ngayon lang pumasok sa isip ko ang lahat ng nangyari kanina. Why did he kiss me?
Matapos kong mag-ayos ay hindi ko siya nilingon. Lumabas ako ng opisina niya at hinanap si Mr. Yu. Naramdaman ko pa ang mga titig sa akin ng mga tao. Hindi ko alam kung iniisip nilang tanga ako sa pagsagot sa boss namin o naaawa sa aking sasapitin.
"Si Mr. Yu?" tanong ko sa isang babae.
"Nandun sa opisina niya." tinuro nito ang opisina ni Mr. Yu.
Agad ko itong pinuntahan. Naabutan ko itong nagbabalot na ng gamit niya. Kawawang matanda. Umiiyak pa rin ito.
"Mr. Yu?" tawag ko dito.
Gulat itong tumingin sa akin. "Ms. Miranda. What are you doing here? Malamang ay tinanggal ka na rin niya? It's my fault, I'm really really sorry." anito. Paulit-ulit pa itong nag-sorry sa akin. Nilapitan ko ang matanda at tinahan ito.
"Actually po, gusto kayong makausap ni Sir Clay."
Kumunot ang noo nito. Hindi alam kung maniniwala sa sinasabi ko.
I sighed. "He's waiting for you in his office." wika ko ulit. Ngumiti ako sa kanya bago ako unang naglakad pabalik sa opisina ni Sir Clay. Bakas ang gulat at pagtataka sa mukha nito ng iwan ko. Alam kong all eyes on me ang lahat ngayon. Kaya naman nakayuko akong naglakad.
Pagdating sa opisina ay agad akong umupo sa aking upuan. I pretended like nothing happened. Hindi niya ako tatanggalin sa trabaho ko. Fine. Kailangan ko toh. Wala lang yung nangyari kanina. Dala lang yun ng galit niya.
Kasunod kong pumasok ang kinakabahang si Mr. Yu. Lumapit ito kay Clay na ngayon ay may nilalarong rubik's cube. Tumigil naman ito ng makita si Mr. Yu.
"Sit down." utos nito sa matanda.
Tahimik akong nakinig sa usapan nila.
"I'll give you one week para ulitin ang proyektong toh. After one week at ganito pa rin ang ipapasa niyo sa akin, umalis na kayo kung ayaw niyong may masabi pa ako." seryosong wika ni Sir Clay.
Napanganga si Mr. Yu sa narinig. Malamang ay hindi makapaniwala. Kahit ako man ay hindi makapaniwala sa inaasal nito ngayon. May mga sinabi pa ito kay Mr. Yu na hindi naman gaano kaimportante. Pagkatapos nilang mag-usap ay nagpasalamat pa ang matanda bago umalis sa harap nito.
Nang dumaan sa harap ko ay nakita ko ang malaking ngiti ng matanda. Bumulong pa ito ng pasasalamat. Ngiti naman ang tugon ko.
"Masama pa rin ba ako sa paningin mo?" tanong ni Sir Clay out of nowhere. Busy pa rin ito sa nilalaro niya.
Napayuko ako. Hindi ko alam ang isasagot. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng hiya. He didn't fire me after all. I'm thankful and amazed sa inakto niya.
"So masama pa rin ako sa paningin mo." that was a statement.
Tiningnan ko siya. Malapit na niyang mabuo ang rubik's cube. "H-hindi naman mahalaga ang opinyon ko." sagot ko.
"Tatanungin ko ba kung hindi mahalaga?" binaba niya ang hawak hawak na rubik's cube saka lumingon sa akin.
Naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko. Kinakabahan ba ako? Tsaka... What does he mean with what he said?
"E-Ewan ko po." sagot ko na lang.
"Tsk. Dumb." bulong niyang rinig na rinig ko naman. Bumalik ulit siya sa ginagawa niya. Tinuon ko na lang rin ang pansin sa monitor na nasa harapan ko.
Tatanggapin ko na yung pang-iinsulto niya, tutal mas grabeh naman ang ginawa kong pang-iinsulto kanina. Magpasalamat siya nawala na ang init ng ulo ko. Charot.