CHAPTER 7

2306 Words
The Equestrian Club was packed, with almost every student crammed into the stands and along the fences to watch the final round of the school’s mounted archery competition. Each department had sent one rider, may mga lalaki, at mayroon ding mga babae. Nagkaroon na ng sigawan ang mga estudyante nang magsimula na ang competition. Horses thundered forward, hooves kicking up dust, while arrows zipped through the air toward the targets. Nakaupo naman si Roxy sa may grandstand kasama ang kaniyang mga kaibigan at pare-pareho silang may mga hawak na binoculars para mapanood nang mas malinaw ang laro. “Go! Go! Go! Darya Ferare!” sigaw ng ni Jaya. “Hays. Hindi ako makapaniwala na sinisigaw natin ang pangalan ng b***h na 'yan,” simangot namang reklamo ni Lea. “Hayaan niyo na,” sagot na ni Roxy. “We’re supporting her anyway—she’s representing our department.” “Sabagay, iyon naman talaga ang dahilan. Dala-dala niya ang politician science, kaya dapat lang manalo siya para sa atin,” sang-ayon naman ni Irra at muli nang sumigaw ng sabay kasama ni Danny. “Fighting! Darya Ferare! Huwag kang papayag na talunin nila tayo! Go! Go! Go! Fighting! Fighting! Fighting!” Sumigaw din ang mga nakaupo sa kabila na mga business administration student at mga criminology. Nagpalakasan na sila ng sigaw para suportahan ang pambato ng kanilang department. Hindi nagtagal ang competition ay naipanalo nga ng sinisigaw nilang pangalan. Nanalo na naman ang pinakasikat sa kanilang campus pagdating sa sports competition. Darya Ferare wins again. Ang nag-iisang babae na nanalo na nang ilang ulit sa lahat ng competition last year. At ngayon ay panalo na naman ulit. Kaya disappointed na naman ang mga kalaban mula sa iba't ibang department. Isang malakas na sigawan at palakpakan ang kumawala sa mga political science student at nagsitayuan na ang lahat mula sa pagkakaupo sa grandstand. Tumayo na rin si Roxy kasama ang kaniyang mga kaibigan at excited na silang bumaba para salubungin na ang kanilang nanalo na pambato. “Congratulations, Darya!” nakangiti nilang bati magkakaibigan pagkalapit. “Thanks,” tipid na sagot lang nito sa kanila at nilampasan na sila nang wala man lang kangiti-ngiti. Napasimangot na lang silang magkakaibigan. “Hays. Napakayabang talaga.” Umalis na lang sila ng arena at pumunta na ng canteen para magmeryenda, dahil malapit na rin mag-alas singko ng hapon. Kaniya-kaniyang order na sila ng pagkain pagdating sa canteen, at nang kasalukuyan nang kumakain sa iisang table ay muli silang nagkwentuhan. “Grabe, halos lahat ng mga competition ay department natin ang panalo.” “Oo nga, kasi isipin mo, last year panalo sa halos lahat. Then this year, panalo na naman tayo. Panalo sa baseball, thanks to our Roxy with her team.” Napangisi na lang si Roxy sa papuri sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan na pinalakpakan pa siya. “Panalo sa swimming, shooting, horseback archery, taekwondo, car racing—thanks to Darya Ferare,” dugtong naman ni Dani. “Kahit mayabang ang b***h na 'yon ay talagang may maibubuga.” “Pero nagtataka ako, bakit kaya ang galing niya sa lahat?” nahihiwagaan na sambit ni Lea na agad naman sinang-ayunan ni Jaya. “Oo nga, last year siya ang champion sa lahat ng mga solo competition.” “Magaling siya kaso ang yabang niya,” pagsimangot ni Irra. “Isipin mo, may gustong magpa-picture sa kaniya dahil humanga sa kaniya, pero tinanggihan niya? Kasi pribado raw siyang tao at bawal ang picture? Like—seriously? Pic lang bawal? Tingnan mo magpahanggang ngayon—nasa second year na tayo pero wala pa rin siyang kaibigan kahit isa, maliban na lang doon sa isang lalaki from engineering na mukhang boyfriend niya yata. Pareho silang walang kaibigan at mayabang. Kaya siguro nila nagustuhan ang isa't isa dahil pareho silang may mga sariling mundo.” Hindi na pinansin pa ni Roxy ang kwentuhan ng kaniyang mga kaibigan dahil sa pag-vibrate na ng phone niya. From Unknown: I want to kiss you again, baby. Waiting until the weekend feels like torture. Please meet me tonight. Nainis siya bigla sa nabasa. Damn. Talagang hindi pa rin tumitigil sa kakatext sa kaniya ang lalaking 'yon. Parang gusto na lang niyang i-block ang number nito para hindi na makapag-text pa, pero hindi puwede. Kailangan muna niya itong makilala at makaganti siya sa ginawa nito. To Unknown: Sino ka ba talaga, ha? Please tell me the truth! Agad naman itong nag-reply. From Unknown: The truth is . . . I'm one of your brothers. And I’m madly, obsessively in love with you. I love you, my Roxy! Muah on your lips—a direct french kiss, baby! Napapikit na lang siya sa inis dahil sa muling nabasa. Damn it. Talagang ginagago siya! To Unknown: Ang kapal ng mukha mo para idamay ang mga kuya ko! Maisumbong lang kita sa kanila, paniguradong magiging abo ka! Animal! From Unknown: Then bakit hindi ka magsumbong? Why? Dahil ba natatakot kang malaman ni Thaddeus na you cheated on him . . . with me? Parang mas lalo siyang nanggigil sa sagot nito at muling tumipa ng reply. To Unknown: Shut up, bastard! From Unknown: Tell him, baby. Susuportahan pa kita. Mas magiging masaya ako kapag sinabi mo. Napabuga na lang siya ng hangin at inis na lang tumayo. “Uuwi ka na agad, Rox?” tanong ng kaniyang mga kaibigan dahil sa pagtayo niya. “Yes, mauna na ako. See na lang sa Monday!” Hindi na niya hinintay pang makasagot ang mga ito at lumabas na ng canteen sukbit ang kaniyang bag. Pagkasakay sa kaniyang sports car ay mabilis na niya itong pinatakbo palabas ng campus at mas lalo pang binilisan pagdating sa highway. Patingin-tingin pa siya sa sideview mirror para makita kung may nakasunod, at meron nga dalawang nakasakay tig-iisang motorcycle, pero babae, at kilala na niya ang mga ito na laging nagbabantay sa kaniya. “Sino ka ba talagang hayop ka?!” gigil niyang sambit na humigpit na lang ang hawak sa manibela at mas binilisan pa ang pagmamaneho. Hanggang sa tuluyan siyang nakarating sa mansyon at dumiretso sa kaniyang bedroom. Pagkapasok ay hinagis lang niya ang bag niya sa ibabaw ng study table at tumalon na siya papunta sa malambot na kama. Nakaidlip siya saglit nang nakataob. Naalimpungatan lang siya nang tumunog ang intercom at nag-anunsyo ang mayordoma na nakahanda na ang dinner sa dining room, kaya kailangan na niyang bumaba. Pero imbes na bumaba agad, pumasok muna siya ng bathroom at naligo. Inabot yata ng halos isang oras bago siya natapos at nagbihis lang ng simpleng pambahay na ternong pink satin pajama. Pagbaba niya ng dining room ay naroon na ang kaniyang dalawang kuya na tila mula kanina pa naghihintay sa kaniya. “Magandang gabi, kuya,” tamad niya lang bati sa mga ito at naupo na sa bakanteng upuan. Napabuntonghininga at iling na lang ang kaniyang dalawang kuya pero hindi na nagreklamo pa. Nagsimula na silang kumain. “How's school?” tanong na ni Draven habang kumain na. “Palaro na namin, kuya,” sagot naman niya habang patuloy lang ang kain. “And guess what? Panalo ang team ko sa baseball game.” Sabay na sumilay ang proud na ngiti ni Thrynn at Draven nang marinig ng mga ito ang sinabi niya. “Wow, Sunshine. Congratulations!” “Congrats, my love. We're so proud of you.” Napangiti na lang siya. “Thank you, kuya.” She chuckled. “Pero alam niyo ba, Kuya, may classmate kami na sobrang galing sa lahat ng bagay. Magaling siya sa barilan, pangangabayo, paglangoy, car racing, taekwondo. Lahat na lang kaya niyang gawin at sobrang galing niya. She’s the champion in every sports competition at the university, beating everyone from every department. And the crazy part? We’re the same age. How is that even possible?” “Magaling ka rin naman sa taekwondo ah,” sagot ni Thrynn. “Bakit hindi ka sumali? I'm sure mananalo ka, kahit sa Jiu-jitsu pa.” “No, Kuya. Iba ang galing ng babaeng 'yon. At ang weird niya, ayaw nang may nakikipagkaibigan sa kaniya. Sikat siya sa buong campus, pero hindi man lang siya malapitan. Gusto ko sanang magpa-picture, kaso napahiya lang ako last year. Napakayabang at sungit niya.” “Then sungitan mo rin,” Thrynn chuckled. “Kung ayaw niya sa 'yo, then sino siya para magustuhan mo? At least, talo mo siya pagdating sa baseball.” Napangisi na lang siya. Sabagay, tama nga naman. Hindi pala magaling ang babaeng 'yon sa baseball at golf. Ibig sabihin ay talo pa rin niya, dahil magaling siya pagdating sa dalawang sports na 'yon, lalo na sa baseball. Matapos mag-dinner ay muli na siyang bumalik sa kaniyang bedroom at naupo sa harap ng study table para mag-review dahil malapit na rin ang kanilang exam. Ngunit kasalukuyan na siyang seryoso sad pagbabasa nang marinig niya ang pag-vibrate ng kaniyang phone sa kama. Hindi na lang niya pinansin. Pero nag-vibrate na naman muli. Kaya naman napabuga na lang siya ng hangin at tumayo na. Lumapit siya sa kama at inis na dinampot ang phone. Dalawang text message ang dumating at with multimedia image pa ang isa. From Unknown: Hindi mo lang alam. But Thaddeus cheated on you. See that picture? That's his new woman. From Unknown: Poor Roxy. Hindi pala mahal ng boyfriend niya. Nanlaki na lang ang mga mata niya nang makita ang litrato. Si Thaddeus na nakaupo sa bar stool, parang nasa loob ng isang nightclub at may nakaupo na babae sa kandungan nito, nakahawak pa ang kamay ng babae sa dibdib nito na parang nagla-lap dance. Parang nanginig bigla ang kamay niyang may hawak sa phone at agad na hinanap sa contact list ang number ng kaniyang boyfriend na si Thaddeus. Nang mahanap ay agad niya itong tinawagan, pero gano'n na lang ang pagsimangot niya nang hindi naman ito makontak. At nang tawagan niya gamit ang messenger ay hindi naman sumasagot. Nabalisa na siya at muling napatitig sa litrato. Hindi niya mapigilan ang mainis at mabilis na tumipa ng reply. To Unknown: Liar! Edited lang 'to! Sinisiraan mo lang siya sa akin! You bastard! Agad naman itong naka-reply. From Unknown: Nah, baby. I swear, hindi edited 'yan. May video pa ako rito, sure akong magugulat ka kapag napanood mo 'to. Because he f****d another woman. Napalunok siya bigla sa nabasa at tuluyan nang nanginig ang kamay. No, hindi maaari. Thaddeus is a loyal boyfriend. It’s impossible for him to cheat on her. He loves her so much—she knows that. To Unknown: Send me the video! From Unknown: Sorry, I can't. Unless makipagkita ka sa akin ngayong gabi. Ipapanood ko sa 'yo ang video with explanation pa. Napabuga na lang siya ng hangin at muling tumipa na puno na ng inis at gigil. To Unknown: Fine! Let's meet tonight. Ngayon na mismo. Same nightclub. From Unknown: I'll wait for you, baby. Drive safe, my love. Muah! Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at mabilis nang pumasok sa kaniyang dressing room. Hindi na siya pumili pa ng dress, basta kung ano lang ang una niyang nahawakan ay 'yon na ang kinuha niya at sinuot. Isang black bodycon dress ang nasuot niya at red stiletto heels. Hindi na siya nag-abala pang mag-makeup. Matapos magbihis ay binuksan niya lang ang drawer at kinuha ang stun gun, nilagay niya sa loob ng kaniyang sling bag bago dinampot na ang car key at phone. Nagmamadali na siyang umalis ng kaniyang bedroom at pumasok ng elevator. Pero pagbaba niya sa ground floor ay hindi niya inaasahan na gising pa si Draven at may kausap ito sa phone. Nang makita siya nito ay agad na nangunot ang noo at tinigil ang pakikipag-usap sa phone. “Gabi na, saan ka pa pupunta?” tanong na nito sa kaniya. “M-May kikitain lang akong kaibigan, kuya. Importante lang. Babalik din ako agad,” sagot niya at diretso nang lumabas ng pinto. “Mag-iingat ka. Huwag mong tatakasan ang mga bodyguard mo!” pahabol pa ni Draven. “Of course, kuya. Never ko naman 'yon ginawa!” pahabol din niyang sagot at agad sumakay sa kaniyang kotse pagdating sa garage. Mabilis na niya itong pinaandar palabas ng gate at pinatakbo nang mabilis pagkalabas. Agad naman may sumunod sa kaniya na dalawang naka-motorcycle. Pagdating niya sa nightclub ay hininto niya lang ang kaniyang kotse sa parking lot at hindi muna lumabas. Isang text message muna ang pinadala niya. To Unknown: Narito na ako sa parking lot. Saan ka na? Naghintay na siya ng halos limang minuto pero walang reply. Kaya muli siyang tumipa. To Unknown: Bastard! Huwag mo akong pinagloloko! Magpakita ka sa akin! Nagitla na lang siya nang biglang may kumatok sa bintana ng kaniyang kotse. Inis na lang niyang pinindot ang window switch. “Ano ba 'yon?” inis niyang tanong sa taong kumatok pero hindi man lang tiningnan dahil muli pa siyang tumipa ng text sa phone. Ngunit imbes na sumagot ang kumatok ay bigla na lang nitong pinasok ang isang kamay sa bintana. Napaubo na lang siya nang may kung anong in-spray nito papunta sa kaniyang mukha. “What the hell?!” napapaubo niyang reklamo at pinaypay pa ang kaniyang kamay para maalis ang amoy. “Who the hell are you?!” galit na niyang tanong nang pasigaw habang nauubo at binuksan na ang pinto ng kotse. Ngunit saktong paglabas niya ay bigla na lang may kamay na humuli sa baywang niya at panyo na tumakip sa ilong at bibig niya. “Hmmp!” Nagpumiglas na siya, pero hindi na siya makakilos pa. Narinig na lang niya ang mahinang pagtawa sa puno ng kaniyang tainga at ang pagdampi ng mainit na hininga. “I've got you, baby. Thanks for coming, my sweet little sister. Tuluyan nang nandilim ang paningin niya at bumagsak na sa mga bisig nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD