NAGISING siya na kadiliman ang bumungad sa pagmulat ng kaniyang mga mata. Marahan siyang bumangon ng konti at kumapa sa tabi ng kama para sana buhayin ang lampshade na nasa nightstand, pero wala siyang makapa. Nagtaka pa siya at muli pang kumapa sa dilim, hanggang sa unti-unti na siyang napahinto nang maalala ang huling pangyayari. Nanlaki na lang bigla ang mga mata niya sa gulat at tuluyan nang bumalikwas ng bumangon. “Kuya!” malakas na niyang pagtawag na agad na nataranta. “Kuya!” “Yes, baby,” sagot sa kaniya ng baritonong boses ng lalaki. “I'm right here, princess.” Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses nito, pero dahil sobrang dilim ay hindi niya man lang maaninag ni anino nito. “S-Sino ka? Saan mo ako dinala?” Sumiklab na ang kaba niya at takot. “Sino ka?! Sumagot ka!” “Yo

