NAGISING si Roxy kinabukasan na nagulat na lang dahil nasa loob na siya ng kaniyang bedroom sa mansyon. Nakahiga na siya sa malambot na kama at nakakumot pa. Nang maalala ang pangyayari kagabi ay gulat na siyang napabalikwas ng bangon at napatingin sa paligid. Pero hindi nga siya nililinlang lang ng kaniyang paningin, dahil totoong nasa loob na nga siya ng kaniyang bedroom. Nang mapatingin siya sa kaniyang katawan ay may suot na siyang yellow halter dress. Ibang dress na ang suot niya dahil nga napunit na kagabi ang dress niya. Nang mapaangat siya ng tingin sa wall clock ay napakurap na lang siya nang makitang 10:54 AM na pala. Ibig sabihin ay tinanghali na rin siya ng gising! Umawang na ang labi niya sa pagtataka kung paano siya nakauwi at sino ang nagbihis sa kaniya. Ang pagkakatanda

