Chapter 2

1164 Words
"Lola! Ano na naman po ba ito?! Hindi po magandang biro 'yan!" Naiinis na sigaw ko sa kabilang linya. Katulad nga ng sinabi ko, ang lola kong ito ay kakaiba mag-isip. Sa lahat ng apo niya, ako pa talaga ang gusto niyang maikasal na eh nandyan naman sila Catelina at Beverly na mga pinsan kong babae na mas matanda sa akin ng dalawang taon. ["Hindi ako nagbibiro, Athena. I want you to marry that man,"] Wika nito na may bahid ng kaseryosohan. I know Jin Rafael Juevas. Sino bang hindi nakakakilala sa lalaking iyon? Nasa parehas kami ng linya ng trabaho that's why sikat ang pangalan na iyon sa lahat ng hotel owners dahil bukod sa isang bilyonaryo ito, kilala rin ito dahil sa yabang at madumi nitong ugali. And that rumor alone is enough reason not to associate with him. "Why do you want me to get married already? At doon pa sa lalaking iyon?" Seryosong tanong ko sa aking lola. Gusto ko talagang malaman kung ano ang dahilan niya at biglaan ang gusto niyang mangyari. Biglan sumagi sa isip ko ang pag-uusap namin ni Lola Anna kaya napatakip ako sa aking bibig. S-Sinabi niya ba ito kay Lola na hilig ko ang bata?! No way! "W-Wait lola! May sinabi ba sa iyo si lola Anna kanina?" Sambit ko at bahagyang pinakalma ang sarili. ["What are you talking about? May kailangan ba dapat siyang sabihin sa akin tungkol sayo?"] She asked kaya agad akong napailing kahit alam ko naman na hindi ako nito nakikita. "W-Wala po, h-haha!" Kinakabahan na tawa ko. ["Anyway, I'm going to talk to her later but for now, let me answer your question. Hindi ka na bata, Athena. Kailangan mo ng mag-asawa at bigyan ako ng apo!"] "Lola naman! Apo agad?! At tsaka, anong ginagawa ng mga maaarte kong pinsan dyan? Sila na lang kaya!" Pagmamaktol ko. ["Wala ng pag-asa ang mga iyon, tignan mo magte-trenta ngunit puro sayaw dito at sayaw doon na lang ang alam!"] "Gusto ko rin magparty party lang, lola!" Narinig ko ang pagpitsik nito kaya natahimik ako saglit. ["Ang dami mong dahilan! Sige, you leave me no choice. Ayaw ko sanang ipaalam sayo ito eh pero. . ."] Napahinto ito. ["Magpapakasal at magpapaanak ka sa ex mong psycho o magpapakasal ka kay Jin at hahayaan kitang mag-ampon ng mga bata?"] Napanganga ako dahil sa narinig. As if on cue ay bumalik sa akin ang mga alaala ko noon sa ex boyfriend ko na si Timothy Paloma. He owns an entertainment copy where he handles actors, singers and dancers. Timothy is a real psychopath! Halos gusto ko na lang talagang kalimutan ang pagiging pervert nito at ang pag-iipon niya ng mga gamit ko noon na ginagamit ko sa katawan at inilalagay niya ito sa isang kwarto na parang museum. Halos masuka ako at ma-trauma sa lalaking iyon nang makita ko iyon sa kanyang secret room. Naalala ko pa, sinampahan namin ng kaso iyon tapos nung itapon at sunugin ang mga gamit ko na kinuha niya, halos makapatay siya ng pulis dahil sa pagwawala. Nakulong siya but eventually, nakalaya rin dahil mayaman ito. Ayoko na lang talagang alalahanin iyon pero ang sabi raw ay nagbago na ito. "L-Lola, that is not a good joke. You know I got traumatized with him," Saad ko sa mababang tono at napakagat na lang ng labi. "I'm sorry apo. Oh sige, sasabihin ko sayo ang totoong dahilan. That psycho man send a marriage contract to you last week and we can't stop him dahil para bang may malaking tao na sumusuporta sa kanya." Natahimik ako dahil sa narinig. "I had a meeting with your father and your cousins just to make a decision about what we should do about it. In the end, naging plano namin ang ipakasal ka kay Jin since there's something he has na magpoprotekta sa iyo," Natapos ang usapan namin ni lola sa kabilang linya na may naiwan sa aking isipin. Wala akong ibang nasabi kung hindi hintayin ang magiging sagot ko. Buong araw ay nagmukmok lang ako sa kwarto at hindi lumabas. Kapag hihingi lang ako ng makakain o may kailangan ako ay tumatawag lang ako kay Faye para iakyat sa kwarto ko. Sa buong araw ay halos isa lang ang iniisip ko at yun ay paano ko maiiwasan si Timothy nang hindi nagpapakasal kay Jin Rafael Juevas. Ngunit tila wala na talagang pag-asa na makahanap pa ng ibang lalaki na may manpower. Ang hirap ibaba ng pride lalo na at mas maere at mas mataas ang pride ng lalaking iyon. Saglit kong tinawagan ang namamahala sa Orphanage upang kumustahin ang mga bata. I badly miss them already. "Mabuti naman po sila dito, Ma'am Danielle. Hinahanap ka na nga ng mga bata at miss ka na raw nila kalaro," Napangiti ako sa narinig. They are really adorable! "Pakisabi rin po miss ko na sila! Medyo tight pa po ang schedule ko sa dami kong ginagawa kaya hindi ko pa po alam kung kailan ako makakabisita," "Ganun ba? Ang dami mo talagang trabaho, hija. Baka mapagod ka niyan ha? Huwag abusuhin ang katawan." Napailing ako at natuwa sa pag-aalala nito. May katandaan na rin ito kaya ganito ito magpaalala sa akin. "Oo nga pala bago ko makalimutan. Hindi na sumipot ang mga magiging magulang dapat nila Red at Apple. Hindi ko alam, nakakalungkot talaga ang mga batang 'to," Nang marinig ko iyon ay nakaramdam ako ng lungkot sa mga bata. They are my favorite kids, actually. Si Red ay isang cute na batang lalaki na nasa edad na 6 years old at si Apple naman ay babae na nasa parehong edad kay Red. Sobrang kinagigiliwan ko talaga ang dalawang iyon. Para bang may mga advance na utak ang mga ito kung mag-isip at kumilos pero nandoon pa rin ang kakulitan nila. "Wala na po bang nasa waiting list ang gustong maging anak ang dalawa?" Pagtanong ko rito ngunit narinig ko lang ang buntong hininga nito. "Wala na. Ang mga inaampon nilang bata ngayon ay mas matatanda na dahil nasa tamang isip na raw ang mga ito." Wika nito na may himig ng kalungkutan. "Kung kaya ko lang mag-provide sa araw-araw sa mga batang ito, ako na mismo ang tatayo nilang magulang," Tila nadurog ako sa narinig kaya hindi ko maiwasang makagat ang labi ko at mapaisip. Kung ampunin ko lang kaya si Red at Apple? Saglit akong natahimik sa naisip ko. Nakaramdam ako ng kaba at excitement sa isiping iyon ngunit natatakot pa rin dahil magiging ina na ako. Bahala na! Ito naman ang gusto ni lola at para na rin tigilan na ako ni Timothy. "Nay Mathel, may naisip po akong paraan para magkaroon na po sila ng magulang." Nagulat ito at nahimigan ko ang saya nito sa kabilang linya. "Mukhang may maganda kang plano, hija?" Pagtanong nito. "Ano bang plano mo?" Saglit akong huminga ng malalim upang pakalmahin ang pagbilis ng t***k ng puso ko. "I'm going to adopt them and be their mother,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD