Ilang araw ang lumipas simula nang sabihin ko iyon kay Nanay Mathel. Ilang araw na rin ang lumipas simula noong tawagan ako ni lola at ipaalam sa akin ang tungkol sa arrange marriage namin ni Jin. Ang totoo niyan ay wala pa akong sagot simula noon dahil pinag-isipan ko muna talaga ang magiging sagot at plano ko.
Ngayon ay naghahanda ako ng masusuot ko papunta sa Herrera Residence upang bisitahin sila lola. Ito na rin ang araw na magbibigay ako ng desisyon sa kanila.
I wore a simple shirt and topped it with a navy blue long jumper dress upang bumagay ito sa suot ko. I also wore my three inch white sandals na lalong nagpaganda sa suot ko. Pagkatapos ay saglit lang ako nag-ayos ng aking mukha at nag-apply ng pulang lipsitck sa bibig at lumabas na ng mansyon. Nagpaalam rin ako kay Lola Anna at sinabing bibisita lang ako saglit sa aking Lola na si Lola Lily.
Tumango lang ito at binilinan ako nitong mag-ingat at ikamusta na lang ako kay Lola. Hinatid ako ni kuya Dennis, ang aking personal driver sa Herrera Residence nang walang aberya. He's one of the best driver na hinire ni lola, grabe!
"Kuya, puntahan mo muna sila kuya Toper doon at ang iba pa. Kumain na rin kayo, magpapaluto ako para sa lahat,"
Natuwa ito nang marinig ang sinabi ko kaya nagpasalamat ito sa akin at dali-daling pumunta sa quarters ng mga staff,
Habang naglalakad sa loob ng mansyon ng mga Herrera ay naalala ko ang panahon na nandito pa ako nakatira. Malawak at tahimik ang lugar na tila ba walang gaanong nakatira dito.
Wala naman talaga. Si lola, daddy at ang dalawa kong pinsan na babae lang ang nandito. Ang tatlo ko pang pinsan naman na lalaki ay may mga sariling mundo at hindi mapakali sa iisang lugar kaya halos libutin na ang buong mundo.
That's how lonely the mansion is. Walang bata na nagtatakbuhan, walang mga kamag-anak na maingay at nag-aaway, basta tulugan lang mga mayayamang tao.
Kaya siguro nahiligan ko ang mga bata dahil I know that having them around is full of fun. Isa pa, I've watched a lot of dramas na may mga batang kasama and I find them really adorable.
"Oh, my dear cousin, Athena! I missed you!" Nabigla ako sa maarteng boses ng aking pinsan na si Catelina. Nagbeso ito na siyang ginawa ko rin at inikutan ng mata dahil sa kaplastikan nito.
"Is that true? Then I don't miss you too, Cat!" Sambit ko sa kanya at ngumiti. Ngumisi ito sa akin at umangkla. Naglakad kami papasok ng mansyon.
"How did you know I'm just joking? Nagiging smart ka na ha!" Pagtawa nito sabay hampas sa akin sa braso. "Anyway, have you decided about your contract marriage with that hot man named Jin?"
Pagtanong nito ngunit hindi ko ito sinagot. Saglit akong tumingin sa kanya at palihim na napangiti. How is she going to react kaya kapag nalaman niyang I'll be having two kids?
Thinking about my cousin's reaction excites me already.
Nakita ko agad ang isa ko pang pinsan na si Beverly na nakaupo sa mahabang sofa na tila may kausap ito sa paraan ng kanyang pagngiti. Si Dad naman ay nasa kabilang sofa kasama si Lola Lilly habang nag-uusap.
It looks like they are having a serious conversation.
"Hello people!" Pag-agaw ko ng kanilang atensyon na tumalab naman. Agad na napatayo si lola at dumiretso sa akin. Yayakapin ko na sana ito ng hampasin niya ako sa braso na nagpangiwi sa akin.
"Lola, ang sakit no'n! Bakit ka naman nanghahampas?" Nakangiwing saad ko. Bigla naman ako nitong niyakap kaya napayakap na rin ako.
"You brat! Talagang ngayon ka lang bumisita kung kailan may problema ka?!" Napailing na lang ako natawa.
"You know I'm running five hotels, lola. Hindi kaya ng oras kong bumisita nang maraming tambak na trabaho,"
Natapos ang kamustahan namin kaya sabay-sabay kaming pumunta sa dining table upang kumain. Nagpaluto na pala si lola para sa lahat kaya hindi ko na poproblemahin sila kuya Dennis doon.
Halos maglaway ako nang makita ang iba't-ibang Filipino dish na gusto ko. May Adobong manok, sinigang na bangus, kare-kare, Beef Tapa, Sisig at ang paborito kong Kalderetang baka. They served us with a drink also na nagpabagay sa pagkain namin.
Agad akong kumuha ng kaunting kanin at nagsandok ng kaldereta at sisig pagkatapos ay kinain ito. Halos mapawi ang gutom ko dahil sa sarap ng mga pagkain sa harap ko.
"Let's finish our lunch first then we will talk about your plan," Sambit ni Daddy kaya napatango ako. Halos hindi ko matigilan ang kaldereta dahil napakasarap nito. Akala mo ay hindi palaging kumakain nang ganito sa bahay.
Natapos ang tanghalian namin na busog. Uminom ako ng Chamomile herbal tea na paboritong inumin ko lalo na pagkatapos kumain.
Lahat kami ay nagtipon sa guest room at naupo. SI Daddy naman ay umaykat saglit at bumaba rin matapos makuha ang isang white envelope.
"If you want to look at Timothy's proposal, go for it." Sambit ni Lola ngunit inilingan ko ito at nilayo sa akin ang envelope.
"There's no reason for me to read that. I already made a decision," Matapos kong magsalita ay naging seryoso ang mukha ko. Isa-isa ko silang tinignan.
"You know, I think I already know what you're going to say," Wika ni Beverly na sinang-ayunan rin nila lola.
"Wala naman rason para magpakasal ka kay Timothy, right? And we know that you will choose Jin," Sambit naman ni lola.
Tumango ako.
"Tama kayo. I'd rather choose Jin Juevas over that psycho. Pero sa tingin niyo ba ay titigilan na ako nito once na maikasal ako kay Jin?" I asked.
Tumayo si Daddy at bahagyang naglakad-lakad.
"Trust me when I say, he has a lot of connections sa mga pulis at sa mga professional and trained guards. He has the best bodyguards in the Philippines kaya maski ang iba ay walang makalapit kay Juevas."
"The thing is, wala tayong tao na kasing lakas ng mga iyon. We have a bodyguard, yes but they are not strong and smart enough para bantayan ka,"
Napahinga ako ng malalim dahil sa narinig.
"Girl, you are not that pretty enough like me para maging obsess sayo yung Timothy so bakit ka niya hinahabol?" Malditang wika ni Catelina kaya sinuway ito ni lola.
"She is a loveable woman kasi, apo kong maldita. Hindi siya katulad mo na linggo-linggo may lalaking kasama! Yung iba pa ro'n mukhang nag-aadik jusko ka talagang bata ka!"
Hindi ko mapigilan matawa sa sinabi ni Lola kay Catelina. Napasimangot ito at hindi na umimik.
"So, that's the only agenda of our family meeting?" Sambit ni Beverly na tinanguan ni Daddy ngunit agad na umiling si Lola at nagsalita.
"Remember, Athena. Kailangan ko ng apo at ng hindi naman ako palaging hina highblood sa mga feeling bata mong mga pinsan!"
"Ang totoo niyan lola, I have a good news sa'yo." Sambit ko kaya na-curious ito.
"I'm going to adopt Red and Apple, my soon to be children."
Napatili na lang si Catelina nang marinig ang nakakagulat na anunsyo ko at halos magkagulo ang tao sa mansyon.