Chapter 16

1248 Words
"S-Sino kayo ha?!" Kinakabahang singhal ko sa mga ito ngunit humawi ang mga ito sa gitna at lumabas si Jin na nakangiti kaya nagtatanong akong napatingin sa kanya. "Don't be afraid, Athena. These fifty elite guards will be by your side and the kids 24/7 from now on." Dumating ang panibagong linggo, payapa at maayos naman ang araw na lumipas. Bagaman nandyan pa rin ang pag-iisip ko sa mga pwedeng mangyari sa amin ay panatag na rin ako. "Are you not done yet, Ms. Athena?" Tinignan ko ang lalaking nagsalita. Si Ken, ang isa sa mga elite bodyguards na inutusan ni Jin na bantayan ako. Masasabi kong normal lang ang katawan nito para maging bodyguard pero nandoon pa rin ang kakisigan ng katawan nito. Halos ganun rin naman ang 49 pang mga bodyguards. Naalala ko tuloy bigla ang nangyari noong nakaraan na bigla silang dumating sa mall. Talagang gusto ko na lang tumakbo noon at ang mga bata dahil sa kahihiyan. Paano ba naman pinagtitinginan kami ng mga tao na para bang kabilang kami sa mga tanyag at mayayamang tao dahil sa dami ng guards na nakasunod sa amin. Napailing na lang ako sa pangyayaring iyon at tumingin muli kay Ken na hindi ko man lang nakitang ngumiti sa mga nakaraang araw. "You can leave me here. Safe naman itong office ko at mataas ang security ng Luna Hotel," Pag-assure ko rito ngunitmariin lang itong umiling at bumalik sa kanyang pwesto na nagpabuntong hininga sa akin. If there's something that I am grateful to Jin, siguro iyong pagbibigay niya ng bodyguards sa amin because of his concern. I really appreciate it sobra pero sobrang hindi ako makagalaw ng maayos dahil nakabuntot palagi sa akin ang mga guards na ito. Yesterday, I went to salon for my monthly appointment. I was about to enter the salon when my guards went inside para paalisin ang mga tao doon sa loob. Binayaran nila Ken ang mga ito upang ma-clear ang loob ng salon na tapagang nag pa-shock sa akin. Kamuntik-muntikan pa ngang paalisin rin ang mga staff doon at hayaan lang ako mag-isa ro'n kung hindi ko lang sila sinita at tinanong kung sino ang mag-aayos sa akin. Talagang mapapa-face palm ka na lang dahil sa sobrang pagbabantay nila. Tumayo ako at naglakad patungo kay Ken na nakatayo lang ng tuwid. "Hey, Ken." Tawag ko rito upang kuhanin ang atensyon. Lumingon ito sa akin at pinakatitigan ako ng diretso. Nag-pameywang ako sa harap nito at bahagya itong tinaasan ng kilay. "Tell me, talaga bang 24/7 niyo ako babantayan at sasamahan?" Pagtanong ko na agad niyang tinanguan. "Really? Hindi ba sobra naman iyong pagbabantay niyo sa amin? Isa pa, hindi naman siguro susubukan ng taong iyon na takutin ako eh," Pagdadahilan ko. "Our job is to make you and your children safe and not harmed," Sagot nito sa akin na parang hindi narinig ang sinabi ko kanina. "Mr. Jin remind us firmly to watch your every move." Napaikot ang aking mata dahil sa inis. Nakakainis dahil talagang sinusunod niya ang utos ng kanyang boss ng husto. "Boss mo rin ako kaya siguro naman I can let you stop watching me all day, right?" Sarkastiko kong wika. "Still my answer is, no." "What if taasan dagdagan ko pa sweldo niyo?" "Mr. Jin are paying us two hundred thousand already so my answer will remain no," "Ah! Pakilala kita sa mga girlies ko na sobrang gaganda, want mo?" "No, thank you." Napapadyak na lang ako sa sobrang inis ko kay Ken. Hindi nagbago ang ekspresyon nito. Tanging kaseryosohan lang ang nakukuha kong reaksyon dito kaya wala akong magawa. Tumunog an aking cellphone tanda na may tumatawag kaya agad akong lumapit sa aking table at kinuha ang aking phone. Nakasimangot kong sinagot ang tawag ni Jin at nagsalita. "Anong kailangan mo?" Masama ang loob kong sabi. "H-Hindi ka pa ba uuwi?" May nginig nitong tanong sa kabilang linya. Bahagya naman akong nag-alala sa boses nito. "Magliligpit na lang ako ng gamit ko. What's with your voice?" Tanong ko na nag-aalala. "C-Come home faster please. . ." Pakiusap nito na tila ba takot na takot kaya dumaloy ang kaba sa aking dibdib. Bukod kasi sa pag-aalala sa kanya ay naisip ko rin ang mga bata. Iniwan ko kasi sila sa kanya para bantayan na kahit ayaw niya ay napilitan siya dahil may gagwin ako sa hotel. Tutal naman ay wala itong pasok ay siya ang pinaasikaso ko kina Apple. "Ano bang nangyayari? Ano ba iyon sabihin mo?" Kinakabahang tanong ko. Maya-maya lang ay narinig ko ang pagsinghot nito at paghikbi. "U-Umiiyak ka ba, Jin? Uuwi na ako 'wag mo ibababa ang tawag!" Natataranta kong saad sa kabilang linya dahil sa kaba dahil sa inaasta ni Jin. Nagmadali akong ligpitin ang mga gamit ko. Lahat ng mga personal kong gamit ay siniksik ko na lang basta-basta sa loob ng bag dahil naba-blanko na ako. Kinuha ko na ang bag ko at nagmadaling lumabas. Naaninagan ko pa si Ken na may kausap sa kabilang linya habang kunot ang kanyang noo. Hindi ko na ito pinansin at naglakad na palabas na sinundan niya rin naman. Dahil si Ken ang nagbantay sa akin ngayon ay siya rin ang nag-drive ng sasakyan papuntang bahay. Mabilis ang naging byahe namin dahil ramdam nito ang pagkabalisa ko. Nakarating ako sa bahay ng walang ibang iniisip kung hindi si Jin at ang mga bata. Iniisip ko kung ano ba ang nangyari kay Jin dahil todo ang iyak nito na para bang may nangyaring masama. Pinagpapawisan ako ng malagkit habang naglalakad papasok sa loob. Ramdam ko ang katahimikan sa buong palapag na nakadagdag sa akin ng takot at kaba. "F-Faye? Nasaan kayo?" Tanong ko sa tahimik na palapag ngunit walang sumagot. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Jin ngunit hindi ito sumasagot. Ilang beses ko itong sinubukan ngunit wala talagang sumasagot na nagpadagdag lalo ng kaba sa aking dibdib. Did something happened a while ago? May kinalaman ba ang taong nagpadala sa akin ng box nung nakaraan? Mga katagang nasambit ko sa aking isipan dahil sa pag-aalala. Tumingin ako sa labas kung nandoon pa si Ken ngunit mukhang nagparada na ito ng sasakyan kaya hindi ko ito makita. Wala akong nagawa kundi ang umakyat sa taas upang silipin kung nandoon ba sila. Una kong binuksan ang kwarto ko at binuksan ang ilaw ngunit wala akong nadatnan na tao kaya lumabas ako agad. Sinilip ko rin ang office ko upang masiguro lang kung may pumasok roon ngunit kung paano ko iniwan iyon ay ganun pa rin ang nakita ko. Nakakaramdam na ako ng matinding takot at kaunting-kaunti na lang ay maluluha na ako. Dahil wala naman akong ibang makita pa na kwarto ay pinasok ko na ang kwarto ni Jin at laking gulat ko nang makita ang mga ito doon. Nakatulala at may bakas pa ng luha ang nadatnan kong si Jin sa kama na nakahiga. Yakap-yakap ang nakadagang si Apple at Red sa braso ni Jin habang mahimbing ang tulog ng mga ito. Naguluhan ako sa nakita. “J-Jin?” Pangalan lang ni Jin ang nasambit ko sa dami ng aking katanungan. Humarap ito sa akin na namumutla. “T-These little kids are really. . .monsters. They played non-stop, they ride on me on the back as if I am a—dang! As if I am a horse! They want to kill me, they really do!” Halos gumuho ang mundo ko sa narinig. Is he serious? Did I hear him right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD