Halos gusto ko na lang magpalubog sa lupa nang mabilis akong halikan ni Jin at sabihin ang mga katagang iyon sa akin. Ramdam ko ngayon ang kakaibang init sa pisnge ko sa hindi malaman na dahilan kaya wala sa sariling napahawak ako dito.
Lumipas na ang ilang araw simula noong umalis ito dahil sa kanyang business trip pero hindi ko pa rin maintindihan ang kinikilos ni Jin hanggang ngayon. Naging mas malambing ang salita nito sa akin at naging clingy rin ito nang sobra to the point na bigla-bigla na lang ako nitong yayakapin o hahalikan. Napakagat na lang ako sa aking ibabang labi at umiwas ng tingin.
Kung bakit naman kasi nagiging weirdo na naman itong lalaking 'to eh, tsk!
Hindi ko na alam, ibang-iba ang nararamdaman ko ngayon kapag ganito si Jin sa akin. Hindi katulad noon sa mga naging ex-boyfriend ko na kung hindi saglit na relasyon lang, sobrang obsessed naman sa akin. Pero hindi ko naman sinasabi na I’m in a genuine relationship with Jin, gusto ko lang talaga siyang ikumpara sa mga ex ko, that’s it.
Naiinis na sambit ko sa aking isip at napailing na lang.
"Mommy, gushtuhan mo ba?" Bulol na tanong ni Red sa akin na ngayon ay nakalabas na pala ng sasakyan kasama si Apple.
Hindi ko alam kung bakit parang may meaning ito kaya nataranta tuloy akong nagsalita.
"A-Anong nagustuhan? Ano yun Red ha? B-Bakit mo naman tinanong ‘iyan?” Naiilang na tanong ko sa bata. Ngumuso ito at lumapit sa akin ng sobra.
"Ito oh! Nagushtuhan mo ba kiss ni Mr. Jin?” Inosente nitong tanong sa akin. Ngumuso ito at ginalaw-galaw ang kanyang labi kaya natawa akong pagak at nilayo si Red kay Jin na ngayon ay nakangisi na sa akin.
“I-Ikaw, Red ah! Joker na bata ka na ngayon, h-ha-ha-ha!” Pekeng tawa ko upang maitago ang nararamdaman kong hiya. “Tara na nga pasok na tayo sa bahay at laro ulit tayo!” Wala sa sarili kong sambit kay Red at Apple ngunit nagsalita si Apple na ikinatahimik ko dahil sa sobrang kalutangan ko.
“Nagustuhan mo po siguro yung kiss. Pupunta tayong mall, mommy remember?” Talagang kapag si Apple nagsasalita, alam mong mapapahiya ka dahil para bang nababasa ka ni Apple sa kilos mo.
“O-Oo naman alam ko yun! Pasok lang tayo ulit sa bahay at kukuha ng tubig!” Walang kwentang pagdadahilan ko. Umiling ito na tila dismayado sa aking inasta at hinila na lang ako papasok sa sasakyan.
“Do you want to join us, Mr. Jin?” Pagyaya nito na nakasilip pa sa bintana ng sasakyan nang makasakay na kami nila Red. Minsan napapanganga at natutula na lang ako sa batang ito dahil akala mo ay dalaga na kung umasta at magsalita pero minsan naman ay makikitaan mo pa rin ng pagkabata ito dahil sa mga kinikilos niya.
“Okay, no problem kid.” Sagot naman ni Jin na walang pag-aalinlangan.
Nakarating kami sa isang pinaka malaking mall dito sa lugar. Manghang-mangha ang mga bata habang inililibot nila ang kanilang tingin sa mga kakaibang bagay na nakikita nila. Napangiti ako. Sa mga bata mo talaga makikita ang pure and innocent soul.
Pagkuwa’y nawala na lang bigla ang ngiti ko nang may maalala ako kaya agad akong lumapit kay Jin na nakatingin sa babang floor at pinagmamasdan ang mga cute mascots na nagpi-perform. Nilapitan ko ito at kinalabit na siyang agad rin nitong pagharap sa akin na tila ba naistorbo ko ito sa kanyang ginagawa.
“What is it?” Kunot nitong tanong sa akin. Bumuntong hininga muna ako at hinanda ang sarili sa sasabihin ko.
“I have something to tell you,” Kunot noo lang ang naging ekspresyon nito sa sinabi ko.
Natapos ang pag-uusap namin na malalim ang iniisip ito habang madilim ang ekspresyon. Maya-maya lang ay inilabas nito ang kanyang cellphone at may tinawagan. Ako naman ay alerto lang na nagmamasid sa paligid at tinitignan ang bawat dapuan ng aking mata.
Dahil wala naman kahina-hinala ay naisipan na namin maglakad at pumasok sa mga store na gustong pasukin ng dalawang makulit na bata. Habang abala ako sa pagbabantay kina Apple at ang pagsunod-sunod ko sa kanila ay saglit kong nilingon si Jin. Nakita ko ito na seryoso ang pagtingin sa paligid namin at ang maya’t maya nitong tingin sa kanyang cellphone.
Bahagya akong napangiti ngunit hindi ko ito pinakita sa kanya. Itinuon ko na lang ulit ang aking pansin sa mga bata.
“Pwede po ba bili tayo car toys pero mas smol lang kay Mr. Jin na toy car?” Ginulo ko ang buhok ni Red sa pakikiusap nito sa akin. Ngumiti ako rito at tumango.
“Gusto mo bilhin natin lahat ng toys diyan, baby Red eh! Want mo ba iyon?” Malambing kong tanong ngunit umiling ito.
“Bakit lahat po? Paano ibang bata katulad ko na gushto rin ng toys? Kawawa naman shila kung hindi shila makabili,” malungkot na wika nito. Para tuloy akong napahiya dahil mas mabait at mas maaalahanin pa ito kaysa sa akin na matanda na.
Nakatingin lang ako kay Red na tila proud na proud. Masasabi ko pang na ang swerte ko pala dahil naging anak ko ang dalawang batang ito. Sobrang bibo, matalino at malaman kung mag-isip. Hinalikan ko ito sa noo at gigil na pinisil ang matambok nitong pisnge.
“Tama ka, Red. We should buy your toy cars na sasapat lang sa iyo para yung ibang bata rin ay meron.” Proud na wika ko rito.
“Oh kaya mommy gushto mo buy tayo niyan dami dami tapos regalo mo sa bahay namin ni Apple dati?”
“Oh! Pwede yun, baby! Bigay tayo sa mga bata sa orphanage ng toys ha?” Lintanya ko na masayang tinanguan niya at ni Apple. Pumasok kami sa isang toys store at namili ng mga guston laruan ni Red at Apple. Pagkatapos no’n ay nag-order rin ako ng mga laruan na naisipan ni Red na ipamigay sa mga kasamahan niya sa orphanage noon.
Bitbit ang mga gamit na pinamili para kay Red habang papalabas ay may sumalubong sa amin na kumpol na mga nakaputing uniporme na siyang nagpaatras sa akin at sa mga bata.
Kinakabahang tumingin ako sa mga ito.
“S-Sino kayo ha?!” Kinakabahang singhal ko sa mga ito ngunit humawi ang mga ito sa gitna at lumabas si Jin na nakangiti kaya nagtatanong akong napatingin sa kanya.
“Don’t be afraid, Athena. These fifty elite guards will be by your side and the kids 24/7 from now on.”