Kinaumagahan ay halos magkumahog ako sa paggising dahil alas-nuebe ng umaga na ako nagising. Kamuntik-muntikan pa akong malaglag sa hagdan kakamadali nang maalala kong wala pang pagkain ang mga bata.
Napapitsik na lang ako.
"Kung bakit ba naman 12 am na ako natulog eh, kainis!"
Naiinis na sambit ko sa sarili. Nang makababa ay naabutan ko si Red na naglalaro ng kanyang remote control car na binili nila Lola noong nakaraan. Gusto ko naman matawa nang makita ko si Apple na may hawak na malaking palette at inaayusan niya ang kanyang sarili.
It's my cousin's fault. Sila ang bumili ng mga gamit rin ni Apple dahil sa sobrang tuwa nila rito. Nilapitan ko ang mga ito at niyakap ng malambing. Narinig ko naman ang tawa nila na animo'y nakikiliti kaya hindi ko maiwasang matawa sa reaksyon nila.
"Bakit hindi niyo ako ginising ha? Hindi ko pa kayo napapakain eh. Gutom na ba kayo?" Nag-aalalang wika ko.
"Yes, mommy! Kain na kami Apple kanina! Sarap sarap nga no'ng pagkain namin!" Maaiglang wika ni Red na siyang ikinataka ko.
"Ha? Sino nagluto ng pagkain niyo?" Takang tanong ko. Nagluto ba ang mga maid? Pero napaka-imposible dahil niisa sa kanila hindi marunong magluto.
"It was the pretty man last night, mommy. He cooked delicious food for us," Sagot ni Apple. Tinignan ko ito. Minsan nahihiwagaan pa rin ako sa pagiging mature ni Apple at pagiging baby niya bigla. Katulad ngayon, nakakatawa na nakakapagtaka na habang nagsasalita siya ng seryoso ay nag-a-apply siya ng blush on sa kanyang pisnge.
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Chef Grey sa likod ko kaya nalingon ko ito.
"Kanina ka pa gising?" Pagtanong nito na inilingan ko. "Oh, don't worry about the kids. I made them food already," Saad nito sa malambing na tono at nahagyang ngumiti.
Ginantihan ko rin ito ng ngiti at nagsalita. "Salamat. Kailan ka dumating?" Pagtanong ko.
"One hour ago lang. Inagahan ko kasi naalala kong walang magluluto pala dito sa inyo," Naiilang na wika nito. Tinanguan ko lang muli ito at hindi na nagsalita.
Biglang may pumasok sa isip ko na katanungan kaya agad ko itong tinanong. "Okay lang ba sayo na maging chef ka talaga namin for one month?" May kuryosidad kong tanong.
"Oo naman. Besides, I worked for Mr. Jin kaya kung nasaan niya, nandoon rin dapat ako dahil minsan hindi nito nagugustuhan ang pagkain sa iba," Lintanya nito kaya napatango na lang ako.
"Paano ba 'yan magluluto ka na sa katulad kong picky eater rin at sa mga bata," Natatawang wika ko at napailing.
Tumawa ito sa sinabi ko. "Okay lang 'yon. Isa pa, I had a realization last night that makes me think na tama lang na pinili kong magluto para sayo—I mean, para sa inyo," Malaman nitong sabi na nginitian ko na lang.
Dumating ang hapon. Kasalukuyang nanonood ngayon ang mga bata ng mga kids anime kaya hinayaan ko lang ang mga ito. Ako naman ay nangingiti lang rito sa veranda dahil natatanaw ko dito ang unang art na ginawa nila Apple.
"Wow! Ang ganda rin pala ng kinalabasan ng color ng Royce!" Natutuwa kong wika habang tinatanaw ang makulay na sasakyan ni Jin. Nagmistula kasi itong kulay rainbow.
"Ma'am Athena, may package po kayo." Sulpot ni Faye sa tabi ko. Ito ang isa rin sa matagal ng katulong ko sa bahay. Nagtataka man sa misteryosong package ay tinanggap ko pa rin ito at inilapag.
Hinintay lang ako ni Faye sa tabi upang samahan. Binuksan ko ang package gamit ang dalang cutter ni Faye. Sa loob nito ay may isa pang box ngunit isa na itong green na box.
Mukhang alam ng sender ang paborito kong kulay ha? Kibit balikat kong binuksan ito at halos mahagis ko ang box nang makita ko ang mga litrato ko noon at ang mga litrato ng gamit ko noon.
Ang lakas ng t***k ng puso ko sa nakita. Hindi lang iyon ang nakakatakot dahil may mga kalat-kalat itong pulang likido na parang dugo.
Tinignan ko si Faye na nahihintakutan ring nakatingin sa laman ng box. Nanginginig na tumayo ako at hinawakan ito ng mahigpit.
"S-Sino a-ang nagpadala nito? Sinong nagpadala nito, Faye?!" Nahihintakutang sigaw ko rito.
Nanginginig ang kalamnan ko. Pinaghalo-halong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon dahil sa nakita. Kung isa lamang itong prank ay talagang kakasuhan ko ang taong iyon.
Takot na umiling ito sa akin. Narinig ko ang ingay at yabag ng aking mga anak kaya dali-dali kong inayos ang nakakalat na mga litrato habang nanginginig. Pinicturan ko rin ito upang matignan ko mamaya.
"Pakitapon ito sa labas. Siguraduhin mong hindi makikita ng mga bata ito, m-maliwanag?" Mariin kong utos rito na agad niyang sinunod. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili.
"Shigaw ka ba mommy kanina?" Agad na tanong ni Red nang makalapit sa akin. Ngumiti ako rito upang hindi nito makita ang kakaibang kinikilos ko at kinarga ito.
Nagkatitigan kami ni Chef Grey at agad rin akong umiwas ng tingin nang makita ko ang pagsisiyasat nito sa mukha ko. Tumaas pa ang kilay nito sa akin at kumunot ang noo ngunit hindi ito nagsalita na siyang pinagpapasalamat ko.
"Mommy, narinig kitang sumigaw kanina." Inosenteng wika ni Apple sa akin ngunit inilingan ko ito.
"Hindi ah! Si Ate Faye niyo 'yong sumigaw kanina kaya!" Pagdepensa ko sa sarili. Tinignan lang ako nito at hindi na nagsalita.
Lumapit ako rito at hinila ang isa nitong kamay papunta sa verenda. Buhat ko pa rin si Red habang pinaglalaruan ang damit ko.
"Tignan niyo yung big toy car niyo oh!" Pagturo ko sa kanila. Tuwang-tuwa naman si Red nang makita nito ang sasakyan na pinaglaruan niya kaya napangiti ako.
"Galing naman ni Red mag-kulay!" Pagpuri ko rito. Inipit niya ang kanyang braso at mayabang na tumango-tango kaya hinalikan ko ito sa pisnge dahil sa panggigigil.
Tawa naman ito ng tawa. Naramdaman ko naman ang maliit na kamay ni Apple na pilit humahawak sa aking braso. Bubuhatin ko na sana nang mabigatan ako.
"Sorry, baby. Hindi ko kayo kayang buhatin dalawa ni Red. Wait mo na lang matapos si Red tapos ikaw naman kargahin ko ha?" Pag-alo ko rito. Tahimik naman itong tumango. Hindi kasi nito makita ang tinitignan namin ni Red gawa ng mataas itong harang na ito para sa kanila.
"Do you want me to carry you, Apple?" Rinig kong wika ni Chef Grey. Nakita ko naman ang pagtango ni Apple kaya bahagya akong napangiti. "Okay, then." Maikli nitong wika. Naramdaman ko ang presensya ng lalaki sa tabi ko ngunit hindi ko na ito pinansin.
Tahimik lang na tinitignan ng dalawang bata ang kanilang makulay na sasakyan. Naalala ko tuloy ang mukha ni Jin nang makita niya ang kanyang sasakyan. Tila nanlulumo ito sa sinapit ng pinakamamahal niyang Royce. Napangiti ako sa naalala.
"I know that something happened a while ago but I will not gonna ask you about that," Pambasag nitong wila sa katahimikan. Nagpasalamat na lang ako at hindi na nagsalita.
"Call me Grey from now on, Athena. Don't call me Chef," Bahagya ko itong nalingon sa sinabi nito. Pinakatitigan lang ako nito kaya agad rin akong umiwas.
"Hindi ba't Chef naman talaga ang dapat tawag namin sayo?" Tanong ko habang diretso ang tingin sa labas.
"It's just too formal for me," Tumango na lang ako. Natapos ang araw na may naiwan sa aking pangamba sa nangyari kanina. Buong araw ay halos inisip ko iyon na umabot sa puntong madaling araw na naman ako nakatulog.
Ngayong araw ay winaksi ko muna ang nangyari kagabi dahil gusto kong mag-enjoy kasama ang mga bata dahil ngayong araw ay lalabas kami at pupunta ng mall. Si Grey naman ay umalis ng maaga dahil may pinapatakbo rin itong restaurant at kailangan siya doon ng biglaan.
Nasa loob na kami ng sasakyan nang makarinig ako ng pitpit sa labas kaya sinilip ko ito. Nagulat ako nang makita ang sasakyan ni Jin na ginamit niya noong umalis siya. Maya-maya lang ay nakita ko itong lumabas at naglakad patungo sa kinaroroonan namin.
"Mr. Jin! Mr. Jin! Dito na siya!" Excited na sigaw ni Red.
Lumabas ako ng sasakyan upang salubungin ito. Nagtaka naman ako nang makita ang madilim nitong ekspresyon habang papalapit sa akin.
"Anong problema mo?" Kunot noong tanong ko kay Jin ngunit nanlaki ang mata ko nang bigla ako nitong hilain at mabilis na halikan sa labi.
Agad nitong tinukod ang kanyang noo sa aking noo at mahinang nagsalita.
"I don't know what's happening to me but for pete's sake! I badly missed you and our little monsters,"