Nang marinig ko ang balita na iyon mula kay Jerome ay agad kong naalala si Jin kung bakit naging gano’n na lang ang kanyang reaksyon. I also got worried about the fact na ang katawan ng magulang niya doon ay nadamay dahil malakas raw ang naging impact dahil nadamay ang ilang kalapit na puntod. Nakarating kami sa mansyon na maayos na ikinahinga ko nang maluwag dahil walang napahamak sa mga anak ko ngunit nandoon pa rin ang pag-aalala ko kay Jin. Sana ay okay lang ito. “Gusto niyo po ba munang kumain, Ma’am?” Pagtanong ni Jerome sa akin nang makaupo ako sa guest area. Umiling ako dahil nawalan ako ng gana. “Please asked the maids here to take care of my kids muna, kailangan nilang makakain at makatulog na.” Sambit ko rito na agad niyang sinunod. Lumipad ang aking isip nang maalala ang n

