Lumipas na naman ang isang linggo at sa buong linggo na iyon ay tanging mga anak ko lang ang kasama ko sa mansyon ni Jin. “He can’t come home again, Ms. Athena. Si Mr. Jin po ay patuloy pong inaasikaso ang puntod ng kanyang magulang at patuloy pa rin po nilang hinahanap ang salarin,” Iyan ang mga katagang iniwan sa akin ni Jerome kahapon. I tried calling Jin and Ken pero they are not answering their phone kaya kahit nag-aalala ay hinayaan ko na lang ang mga ito dahil alam kong sobrang busy nila. Buong isang linggo ay ang tanging kasama ko lang rito ay ang mga guards at si Jerome at katulad noong mga nakaraan ay hindi na naman kami nakalabas na maski ang mga bata ay hindi makapasok. Kinontak na nga ako ng teacher nila na hindi na maaaring makapasok pa ulit ang mga bata dahil sa dami ng

