Lumipas na naman ang isang linggo at sa loob ng buong linggo na nagdaan ay halos isubsob na ni Jin ang kanyang sarili sa paghahanap sa taong nagpasabog ng puntod ng kanyang magulang. Ngunit ang akala namin na wala ng pag-asa pang magkaroon ng progress ang imbestigasyon ay biglang may tumawag na isang hindi kilalang numero ngayon kay Jin na nagbigay sa kanya ng pag-asa. “Pasensya na kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob tumawag. Natakot lang po talaga ako na baka mahanap ako ng taong iyon,” Salita ng lalaki sa kabilang linya na mahihimigan sa boses nito ang pagkautal dahil sa kaba. Nagpabalik-balik si Jin dahil sa kaba kaya halos mahawaan rin ako nito ng matinding kaba. Lumapit ako rito at pinakalma upang makausap niya ng maayos ang witness. Huminga ito ng malalim at nagsalita.

