“The water he drunk might be the reason why Jestron was killed,” Halos lumabas ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito dahil sa kaba. Bigla kong naalala kung paano magkamot ng lalamunan si Jestron kanina na tila ba kating-kati ito at hindi makahinga. “Kayo ho ba ang huling nakausap ng biktima?” Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ng isang pulis na ngayon ay kasalukuyan kaming tinatanong nito. Tumango ako pati na rin si Jin. “We are actually in an important meeting kaya namin siya kinakausap. We didn’t know na may mangyayari pala sa kanya na ganyan,” Iling na sambit ni Jin. Tumango naman ang pulis at nagsulat sa kanyang maliit na notebook. Napataas ang kilay ko sa nakita dahil napaisip ako na uso pa pala ang ganon. “Maaari bang malaman kung ano ang inyong pinag-uusapan?” Tan

