Tuwang-tuwa si Mom at Dad noong ibinalita ko sa kanilang may trabaho na ako. At mas lalong natuwa si Mom noong sinabi kong nasa iisang kumpanya lang kami ni Cassandra. Sa ngayon ay hindi ko pa alam kung sa iisang department lang kami ni Cassandra, dahil hindi ko naman alam kung anong department ba siya. Pero nasa Accounting and Finance ako since ang sabi ng mga HR ay doon mayroong mga bakanteng posisyon. Sabi ko naman ay kahit saang department ay ayos lang, basta matanggap lang ako. They gave me enough time para maayos ang requirements ko na kailangan, ang SSS, Pag-ibig, ang medical records ko, at ang iba pang mga papeles. Ilang araw ko lang naayos ang lahat ng iyon, at nagmadali na akong ipasa iyon sa kanila para makapagsimula na ako ng one month kong training. Nang maipasa ko na ang la

