Mahigit apat na oras akong bumabyahe dahil sobrang traffic talaga kapag bus ang sinakyan mo. Lagi pang pahinto-hinto ang sasakyan dahil sa mga pasaherong sumasakay at bumababa, at ang pag-stop over. Tuwang-tuwa si Mom at Dad nang makitang nakauwi na ako. Buti na lang pala at Linggo ngayon, walang trabaho si Dad. Kundi, hindi ko siya maaabutan dito. “Mabuti naman at umuwi ka na, anak,” sabi ni Mom habang nakatingin sa akin noong kumakain ako ng lunch. “Sana okay ka na, anak.” Ngumiti ako kay Mom. “Okay na ako, Mom. Kailangan ko na lang ayusin ‘yung gusot sa amin ni Cassandra. Dumalaw na ba siya sa inyo?” Sumimangot si Mom. “Hindi nga nagpaparamdam ang batang iyon simula noong sinabi ko kung nasaan ka. Nagtatampo na ako.” “Baka kasi may inaayos din siya sa sarili niya, dahil huling bali

