Nagising ako nang masakit ang ulo dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Pero ang pinaka-pinagtataka ko ay bakit nandito na ako sa kwarto ko? Hindi ba’t nasa Ihaws ako kagabi? Ang alam ko ay doon na ako nakatulog. Paano ako nakauwi dito? Binuksan ko ang cellphone ko at nakitang wala man lang kahit isang mensahe akong natanggap galing kay Cassandra kahit na nag-usap kami sa cellphone, kahit na sinabi ko na sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko ay wala pa rin siyang pakialam sa akin? Bakit gano’n? Wala na ba talaga siyang pakialam sa akin? Paano naman ‘yung pinagsamahan namin? Ni hindi man lang niya ako pinuntahan kagabi… Argh…siyempre, Ford. Sinaktan mo ‘yung tao. Ano pa bang aasahan mong magiging reaksiyon niya matapos nang ginawa mo? Hindi naman ganoon kadali ang buhay para patawarin ka niya

