Chapter 55

1713 Words

“Cassandra…” Ilang beses ko ba dapat maramdaman ‘to? “Cassandra?” Ilang beses ko ba dapat maramdaman ang maiwan ng babae nang walang paalam? “Cassandra…” Iniikot ko ang buong bahay pero wala na talaga siya. Umalis na kaya siya? Umuwi na kaya siya? Napabuntong-hininga ako. Bakit ba tinatanong ko pa ‘yon, at bakit ba hinahanap ko pa siya, eh wala na nga ‘yung mga gamit niya sa kwarto? Lumabas ako ng bahay nila Lola at tiningnan ang mga nagtatanim doon. Wala namang sign ni Cassandra doon. Wala siya doon. Nilapitan ko ang mga magsasaka at tinanong kung nakita nila si Cassandra. “Ay, hindi, e. Bakit, hijo? Hindi ba nagpaalam sa ‘yo?” “Hindi po, e.” Sunod kong hinanap ay si Lola. Nanggaling siya sa palengke at may mga dalang gulay. “Lola!” “Oh, apo?” “Nakita niyo po bas i Cassandra?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD