Ilang linggo na ang nagdaan simula noong araw na iniwan ako ni Cassandra dito. I always checked her social media accounts pero lahat deactivated. Wala man lang akong mahanap na paraan para makasagap ng balita sa kanya. Nagtatanong ako sa mga magulang ko kung nagparamdam na ba sa kanila si Cassandra, pero hindi rin daw. I have one option to do, and that’s to go home in Manila. But I can’t. Hindi ko pa yata kayang harapin siya. Minsan nakakainis kasi ang duwag duwag ko pagdating sa kanya, pero noong si Lexie ang nang-iiwan sa akin, nagmamakaawa pa ako para balikan niya lang. Pero pagdating kay Cassandra…ang duwag duwag ko. Sobrang duwag ko. Sana nadala ko kay Cassandra ‘yong tapang na mayroon ako sa tuwing nagmamakaawa akong balikan ni Lexie dahil nahuli niya akong nagloko. Sana nakuha ko

