Nang ginabi na kami doon ay gumawa ako ng maliit na bonfire para sa aming dalawa, para may kaunting ilaw kami at para hindi rin kami masiyadong malamigan. Simula nang sabihin niya ang mga salitang iyon ay wala na ulit nagsalita sa aming dalawa. We became busy with our own little activities. Siya, kumukuha ng litrato, habang ako ay nag-iisip ng malalim. “Ang sarap sa pandinig ng hampas ng alon, ‘no?” she said while brushing her hands on her arms. “Lalo na kapag ganitong tahimik. Haay, ang sarap tumira sa ganitong lugar.” I smiled and nodded as a response. “Are you cold?” “No, not really.” Tumayo ako para ikuha sana siya ng pangtakip sa likod niya pero pinigilan niya ako. “I’m not cold, Ford. I’m fine, okay?” Napatango na lang ako. “Para kasing giniginaw ka, e.” “No. Tama na itong bonfi

