Inilagay namin ang mga dala naming gamit sa kubo. Pagkatapos noon ay tumakbo siya palabas dala ang camera ko. Hoy, sandali lang!” tawag ko sa kanya dahil ‘di pa naman nakaayos ang mga dala namin ay iniwanan na niya ako. “Dito lang ako!!!” sigaw niya habang tumatakbo at ikinakaway ang isang kamay. Napaka-pasaway talaga. Tsk, tsk, tsk. Nang matapos ko na siyang ayusin ay lumabas na rin ako ng kubo at hinanap siya. Nakita ko naman kaagad siya sa medyo kalayuan na kumukuha ng pictures. Tumakbo ako papalapit sa kanya. Lumingon naman siya sa akin pero tinawanan niya lang ako. Hindi kaya natatakot umitim ang babaeng ‘to? Ang hapdi kaya sa balat ng araw, masiyadong matirik. Ako nga sinusukuan ko ang araw, e. Pero siya, wala siyang pakialam. “Timmy!” pagtawag ko nang medyo malapit na ako sa ka

