Chapter 51

1040 Words

Kinabukasan, madaling-araw pa lang ay ginising ko na si Cassandra. Sa papag ko na siya pinatulog, at ako ay sa sahig na lang, para naman mas maging kumportable siya. May plano akong puntahan naming dalawa, dahil alam kong gusto niyang libutin ito. “Timmy, gising na.” “Anong oras na ba?” tanong niya gamit ang inaantok na boses. “4:00 AM.” “Ang aga aga pa, e! Kainis naman ‘to oh.” Sabi niya, tsaka nagtalukbong ng kumot. “Aalis tayo, bumangon ka na d’yan.” “Saan ba tayo pupunta?” “Lilibot.” Mabilis siyang bumangon, at kitang-kita mo sa mga mata niyang hirap na hirap dumilat na inaatok pa talaga siya. Iniwan ko siya sa loob ng kwarto at ako ay lumabas na para maggayak ng pagkain na kakainin namin bago umalis. Ipagluluto ko na rin sila Lolo at Lola, kasi maya-maya lang ay gising na sila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD