Hindi ko masiyadong nakita si Cassandra simula noong araw na dumating si Rex dito. Madalas ay umaalis sila at nalalaman ko na lang dahil nagti-text siya sa akin, o kaya naman ay kapag wala ring tao sa kabilang room. “Tangina ka talaga, Rex.” Tanging salitang nasabi ko sa ikalawang araw na hindi ko na naman nakita si Cassandra. Nang matapos akong kumain ng tanghalian ay lumabas ulit ako para tumambay sa malapit na park. Ayoko ng pakiramdam na ganito, ‘yung pare-pareho lang naman kaming nasa Davao pero mag-isa lang ako dito. Nakakalungkot. Bukas ng umaga ay uuwi na sila sa Manila. Samantala ako, kailangan ko pang manatili dito ng mahigit isang buwan para sa pagtanggal ng cast sa binti ko. Hindi ko alam kung anon a ang mangyayari sa akin sa loob ng mga araw na ‘yon, na mag-isa ako dito. Al

