Nang magising ako ay papadilim na. nakita ko namang may nakaupo sa tabi ko. “Oh? Bakit ka nandito?” Napatingin siya sa akin at ngumiti. “Gising ka na pala. Ikaw kasi, e. Bakit mo naman ako iniwan sa kanya?” “Siyempre, kailangan niyong mag-usap. Kailangan ko kayong iwan dalawa.” “Hindi mo dapat ako iniwan kaagad. Alam mo bang takot na takot ako? Paano kung hindi na ulit kita makita?” Ngumiti ako sa kanya. “Nandito lang naman ako palagi.” “Timmy…umuwi na tayo.” Nangingilid ang mga luha na sabi niya. “Hindi siya papayag umalis nang hindi ako kasama.” Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang sabihin niya iyon. “Hindi rin ako papaya na manatili siya ng matagal dito, kasi, may trabaho siya. Ayokong iwanan niya ang trabaho niya dahil lang sa akin.” Tumulo ang luha niya matapos sabi

