Kinabukasan, nagising akong nakayakap siya sa akin, habang ang braso ko ay ginawa naman niyang unan. Ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa braso niyang nakapatong sa katawan ko. Natawa naman ako doon. Nang gumalaw ako ay nagising siya. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makitang sobrang lapit niya sa akin. “AY PUTA!” malakas na sigaw niya oras na makita niya ako, tsaka nagmadaling umalis sa kama. “Sabi ko naman sa ‘yo, e, kaya nga nilalagay ko ‘yung unan sa gitna natin, e. Alam mo naman kasing hindi ako sanay nang walang yakap na unan, e. Tsk! Sorry, Timmy. ‘Di ko sinasadya. Sorry.” I chuckled. Kung alam mo lang, Timmy. “Ba’t ka ba nagso-sorry? ‘Wag ka ngang magsorry, wala ka namang kasalanan.” Inirapan niya naman ako. “Tss.” Pumunta siya ng CR dala ang pouch niya na may lamang mga

