Pagkarating namin sa room ay medyo madilim na. Tamang-tama para sa dinner ang iluluto niya. Sana lang ay maging successful at masarap. Pero sabagay, kahit naman na hindi masarap ay lagi ko namang kinakain ang mga iniluluto niya para sa akin. Kahit sunog na itlog at hotdog, kahit matigas nang bacon, kinakain ko pa rin. Kahit na hindi masarap o sobrang tabang ng mga putaheng sinusubukan niyang iluto, kinakain ko pa rin at hindi nagtitira ng kahit na isang patak ng sabaw o kahit na ano pa. Nakaupo ako sa kama ko habang nanonood ng TV, habang siya naman ay nagluluto sa kusina. Nakasuot pa siya ng apron. Natutuwa talaga akong nakikita siya sa kusina. Hindi ko maintindihan kung bakit. Lagi akong napapangiti ng lihim sa tuwing nakikita ko siyang nagpi-prepare ng pagkain para sa akin. Ibinalik ko

