Habang naka-wheel chair ako ay araw-araw pa rin akong inililibot ni Cassandra sa labas. Pareho naman kaming dalawa na walang idea sa mga daan dito sa Davao kaya hindi na kami lumalayo. Mahirap na at baka maligaw pa kami pareho. “Ganda rin dito, ‘no?” sabi niya habang nakaupo sa isang bench ng park, habang ako ay nasa wheel chair pa rin. “Sayang din ‘yong Cebu, ‘di mo ako sinama, e. Wala ka, selfish ka!” I laughed. “Go there with Rex, then. Maganda don. I can suggest places to visit.” Nag-iwas ako ng tingin matapos kong sabihin. “Lagi mong isinisingit sa usapan si Rex, ‘no? May gusto ka ba doon?” tanong niya. Natawa naman ako dahil doon. “Siyempre boyfriend mo ‘yon. Baka nami-miss mo na, e. Almost two weeks na kayong ‘di nagkikita.” “Pero hindi mo naman kailangang isingit siya sa usapa

