“LIGHT, sorry na talaga, ha. H-hindi ko na kasi talaga napigilan ang wiwi ko. Sorry na talaga…” Hinugot ni Light ang panyo sa kanyang bulsa upang punasan ang tumatagaktak na pawis sa kanyang mukha. Huminto muna siya sa pagma-mop ng ihi ni Winona sa sahig at tinignan ito. Kitang-kita niya ang pagkapahiya sa mukha nito. Silang dalawa na lang ang nasa classroom dahil pinalabas muna niya ang lahat ng classmates nila dahil sa lilinisin nga niya ang ginawang “kalat” ni Winona. Naiinis na sinagot niya ang babae. “Wala nang magagawa ang sorry mo. Tignan mo ang ginawa mo. Nadagdagan na naman ang katangahan-list mo dito sa school. May bago na naman silang pagtatawanan sa iyo! Kailan ka ba talaga matututo, ha?!” At muli niyang ipinagpatuloy ang pagma-mop. “S-sorry na talaga. Ako na lang maglilinis

