CHAPTER SIX

2613 Words

SA tingin at obserbasyon ni Light kina Winona at Ivo ay close na close na agad ang dalawa kahit kakakilala pa lang ng mga ito. Samantalang sila ni Winona ay matagal nang magkakilala pero kahit minsan ay hindi pa naman ito sumasakay sa likod niya. Nakakaasar! Hindi naman sa nagseselos siya pero naiinis talaga siya. Iyon ang nararamdaman niya. Bago siya tuluyang makalabas ng bahay nina Winona ay narinig niya na sa mall pala pupunta sina Winona at Ivo. So, iyon pala ang tinutukoy ni lola na lakad ni Winona. Napahinto saglit si Light para mag-isip. Ano naman kaya ang gagawin ng dalawang iyon sa mall? Magde-date? Baka naman nililigawan na agad ng Ivo na iyon si Winona… Hindi imposible dahil aaminin niya, cute at maganda rin naman si Winona kahit isip-bata at tatanga-tanga. Kung oo, parang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD