LUMIPAS ang halos tatlong buwan simula nang magsimula silang magbigay tulong sa iba't ibang bahay ampunan sa Maynila. Marami silang nakuhang mga bata sa lansangan para bigyan ng mas katanggap-tanggap na buhay at ngayong araw ay ang nakatakdang pagbisita ng magkasintahan sa mga ampunan na kanilang hinandugan ng tulong para sa mga batang nangangailangan. Sa gitna ng biyahe, mahabang ngiti ang nakaukit sa mukha ng dalaga habang binabaybay nila ang kalsada. Nakatingin siya sa katabi niyang bintana ng kotse habang si Tristan ay abala sa pagmamaneho at pakikinig ng kanta sa radio na ilang ulit niya nang sinasabayan. Napakalakas na t***k ng puso ang paulit-ulit nagpapakaba at nagpapangiti sa dalaga. Matapos ang halos tatlong buwan, makikita na niya kung ano na ang mga itsura at lagay ng mga bat

