bc

In The Year 2019

book_age18+
1.4K
FOLLOW
3.6K
READ
love-triangle
powerful
drama
comedy
sweet
bxg
campus
office/work place
cheating
actress
like
intro-logo
Blurb

Paano kung malaman mo na ang lalaking dapat ay pakakasalan mo ay ang ama ng batang dinadala ng kaibigan mo? Muli ka pa bang maniniwala sa true love o habang buhay mo nang isusumpa ang mga katagang, "Mahal kita, Dianna."?

In The Year 2019, a romance novel written by @keity_cutie

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 - UNANG PAGKIKITA
MABIGAT ang katawan ko nang makauwi ako sa bahay. Sinalubong agad ako ni Mama. “Pirmahan mo na iyan,” napakakulit niyang utos. Nagsalubong agad ang mga kilay ko nang tignan ko siya. “Bakit ba ang kulit ninyo, 'Ma? Hindi naman kayo ang direktor diyan, e! Pipirma ako ng kontrata kapag si Direk na ang nasa harapan ko at makita ko man lang ang pagmumukha ng magiging leading man ko sa kwentong iyan!” Padabog kong ibinagsak ang ballpen sa lamesa at inirapan si Mama. Tumayo ako at umakyat sa kwarto ko. Nakakainis na! Sobrang naiinis na ako!Maghapon akong pagod sa shoot tapos imbis na kumustahin niya ako, e, ito pa ang aabutan niya sa akin. Pinipilit na nga nila akong mag-artista, e, both sa Pilipinas at sa South Korea. Kahit na ayaw ko, sige pa rin sila. Makuha lang nila ang mga luho nila habang ako ay naghihirap. Ni hindi nga nila ako kayang suportahan sa pangarap ko na pag-do-doktor pero sila sinusuportahan ko sa pagbili ng mga luho nila na minsan ay wala namang kwenta. Nakakarindi na, sobra. Ilang taon akong naghirap. Actually, 13 years na nga, e. Sa loob ng 13 years na iyon, sila lang ang nasusunod. Sila nga lang din ang umuubos ng kinikita ko, e. Nagpatayo sila ng kumpanya ng hindi ko alam. Tapos ang perang ginamit nila ay ang perang pinaghirapan ko sa loob ng mahigit sampung taon na pagtatrabaho ko sa trabahong hindi ko naman gusto. Hindi naman ako dumudumi ng pera, e. Hindi naman siya ang direktor doon. Hindi rin siya ang manager para makausap at pumilit sa aking pirmahan ang kontratang iyon para sa susunod kong drama. Ni hindi ko pa nga nababasa ang script, e! Ano ba ang malay ko kung wa-walang hiyain pala ang katawan ko roon? Hindi naman ako tanga pero masyado siyang pakialamera. Saan naman kaya niya nakuha ang kontratang iyon? Si Mama talaga! Gusto ko na talagang lumayas sa bahay na ito. Hindi matahimik ang utak ko sa maputak at mukhang pera kong ina. Minsan naiisip ko na lang, nanay ko ba talaga siya? Sarili lang kasi niya ang iniisip niya, e. Sa gitna ng pagdadrama ko sa aking isipan ay biglang tumunog ang cellphone ko na ipinatong ko sa kama kanina. Kinuha ko iyon at tinignan. Tumatawag na naman si Direk. Ano ba ang problema ng matandang ito? Hindi ba ako pwedeng magpahinga kahit na sandali lamang? Ang sakit na ng katawan ko sa taping kanina, e. Pinaghintay ko siya ng ilang sandali at saka sinagot. Katulad ko ay pilipino rin siya. Ang pinagkaiba lang ay may lahi akong koreana. “Bakit?” mataray kong bungad mula sa kabilang linya kasunod pa ang pagsinghal ko. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon. “Magkita tayo. May ipakikilala kami sa’yo ni Director Kim,” mukhang masaya niya pang kwento. “Ayaw,” walang interes kong sagot. “At bakit?” mataray rin naman niyang tanong. Bakla kasi si Direk. “Dahil pagod ako, Direk. Tsaka na iyan!” Pinatay ko kaagad ang tawag at lumundag sa malambot kong kama. “Pagpahingahin niyo naman ako! Hindi naman ako robot, e!” reklamo ko hanggang sa nakaiglip ako. Ngunit wala pa akong limang minutong nakakatulog ay bigla na namang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong dinampot at sinagot. “Ano ba? Ayaw ko nga sinabi! Nakakaintindi ka ba ng tagalog, ha? Ayaw ko! Ayaw! Period!” At saka ko ito pinatay at ibinato sa tabi ko ang cellphone ko. Idinukdok ko sa unan ang mukha ko nang ma-realized kong hindi ko nga pala tinignan kung sino ang tumawag. Kabado at mabilis kong kinuha ang cellphone sa tabi ko. Pagkabukas ay tadtad ng text sa akin si Papa at halos murahin na ako sa galit. “Ano ka ba naman, Ji Song Yo!” Binatukan ko ang sariling ulo habang patuloy na binabasa ang sunod-sunod na text ni Papa. -Bastos ka talagang bata ka! Artista ka niyan, ah? -Uutusan lang naman kitang sabihin diyan sa mama mo na dagdagan ang ipasaing sa mga katulong dahil gutom na gutom ako. Bibili ako ng paborito mong ulam at sabay sabay tayong kakain. Pero imbis na matuwa ako ay iyan pa ang isasagot mo sa akin? -Kailan ka pa natutong umayaw sa paborito mong ulam, ha? Anak ka talaga ng nanay mo! Lumalaki na iyang ulo mo! Kagat ang mga labi kong ni-reply-an si Papa. -Sorry na, Papa. Stress kasi ako kanina at kinukulit ako ni Mama na pumirma ng kontrata. Hindi ko pa nga nababasa ang script, e. Hindi pa ako kinakausap ni Direk tungkol doon at mas lalong hindi ko pa kilala kung sino ang magiging leading man ko pagkatapos aatatin ako ni Mama. Panay pa ang pagtawag ni Direk. May ipapakilala raw siya sa akin. E, gayong pagod na pagod ako. Ang akala ko kasi si Direk ulit ang tumawag sa akin. Nagulat na lang ako sa text ninyo. Sorry, Papa. I love you! Si-nent ko ang text kong iyon. Ilang minuto pa ang nagdaan ngunit deadma na lamang ako kay papa. Siguradong galit na galit na naman sa akin iyon. I sighed. Si Papa ay nasanay na rin sa language na ginagamit namin ni Mama kaya madalas niya na ring gamitin ang lenggwahe namin lalo na kung kami kami lang naman ang magkakausap. Pero kahit papaano ay gustong-gusto ko pang kasama. Nahahawa lang kasi siya kay mama na mukha ng pera. Syempre, under si Papa, e. Malaki kasi ang takot niya kay mama dahil nananakit si Mama at masakit kung magsalita. Iyon ang ayaw ko kay mama. Ginagawa ko na nga ang lahat at halos hindi ko na isipin ang sarili ko dahil sa mga ginagawa niya sa aking pamimilit na pumirma ng mga kontrata o kung ano-ano pa mang bagay. Kaso talagang abusado si Mama, e. Maya maya ay may bigla na namang tumawag. Tinignan ko ito at si Direk na nga ang tumatawag. Napabuntong-hininga ako ng malalim at saka tumiyaya mula sa pagkakahiga. Sinagot ko ang tawag habang bagsak ang katawan kong nakatulala sa kisame. “Bakit na naman, Direk?” paninimula kong tanong. “Nasaan ka na bang bata ka, ha? Kanina pa ako nagte-text sa iyo. Tinext ko na ang address kung nasaan kami ngayon. Nakakahiya kay Direktor Kim at kay Tristan!” galit niyang sigaw mula sa kabilang linya dahil upang mapabalikwas mula sa pagkakahiga. “What? Nagte-text ka? Wala akong nare-receive!” angal ko habang ang mga kilay ko ay nagsasalubong. “Ano’ng wala? Nag-sent, Dianna. Tigilan mo ako.” Mukhang nag-a-alab na sa galit niyang sigaw sa akin mula sa kabilang linya. Kaagad kong pinatay ang tawag at binuksan ang messaging app ko. “Ay, sh*t! May address nga.” Napatapik ako sa aking noo at muling tinawagan si Direk. “Bakit ba kasi kailangan nandiyan ako? Pagod ako, Direk!” kunot ang noo kong bungad sa kaniya ng sagutin niya ang tawag ko. “Pasaway ka talagang bata ka! Nandito na ang magiging leading man mo para sa susunod na serye! Iyong ikinu-kwento namin sa iyo na maskuladong lalaki. Sikat na model ng South Korea ito! Jusmiyo talagang bata ka, oh, oh! Sumasakit ang bunbunan ko sa iyo!” “Hala?” Napakamot ako sa ulo at muling nagsalita. “Oh, sige na. Heto na! Gagayak na ako. On the way na, Direk. Bye!” “Ano? Gagayak ka pa la—:” Hindi ko na hinayaang ipagpatuloy niya ang sinasabi niya at kaagad ko ng ibinaba ang tawag. Siguradong sesermonan lang ako ng baklang iyon. Gumayak ako sandali at mabilis na bumyahe papunta sa address na kaniyang sinabi. Isa itong bar. Pero naiinis pa rin talaga ako. Wrong timing kasi sila. Alam ba nilang pagod ako? Ilang beses kasi kaming pumalpak kanina sa shoot. Kaya ilang beses din kaming umulit ng eksena. Bugbog na ang katawan ko tapos ihaharap nila ako sa model na iyon habang haggard ako. Mga pashnea talaga! Pagkarating ko sa labas ng bar ay nag-ayos muna ako sa loob ng kotse at muling nagpabango. Para fresh na fresh naman ako kapag nakita ako ng magiging leading man ko. Siguraduhin lang talaga nilang hindi mukhang tuko iyon. Isasaksak ko sa mga baga nila ang lalaking iyon. Madali akong pumasok sa loob ng bar habang suot ang shades ko. Para namang magmukhang sosyal ang lola niyong diyosa. Jusmiyo, ang sakit ng katawan ko. Hindi pa ako nakakalimang hakbang ay kaagad na nagsisigawan at pinagkumpulan ako ng mga tao. Shemay! Kung kailan ganitong wala akong bodyguard na kasama. Hindi man lang ba inarkila nila Direk ang bar na ito? I sighed. Sinubukan kong ilabas ang cellphone ko para tawagan si Direk at puntahan ako ngunit isang lalaki ang bigla na lamang bumunggo sa akin sa harap ng lahat. Isang malakas na sigawan naman ang kanilang kaagad na nilikha. Ano ang problema ng lalaking ito? “I’m sorry, Miss,” palusot niya habang nakayuko at may suot na isang cap. Tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi kumibo. Kababayan ko pala ang isang ito? Pero sigurado namang tinangka niya akong bungguin, e. Ano? Para mahaplos niya ang malambot kong katawan? Kapal ng mukha! Pero kailangan magmukha akong mabait sa harap ng fans kahit na nakakagigil ang lalaking ito. “No worries.” Ngumiti ako ng peke. “Are you hurt?” dagdag ko at kunwari ay nag-alala talaga. “Did you hear that? Ji Song Yo is so kind!” “Yes! She’s so nice and so beautiful!” dagdag pa ng isa at nagpatuloy sila sa pagkuha ng video at litrato sa akin. Halos napa-sway naman ako ng buhok ko. Ako yata ang Best Actress of the Year, 'no! “Nope.” At saka ito ngumisi at bigla na lamang akong nilayasan. Nagtanggal ako ng shades at sinundan ng tingin ang lalaking bastos na iyon. Ang kapal ng mukha! Ako pa talaga ang nginisian niya? “Hey! You, rude man! Don’t you know me? I’m Ji Song Yo, the South Korean superstar! I was the one you mocked even though you hit me!” wala sa sariling sigaw ko at dinuro pa ang lalaki. Nagulat naman ako at halos magyelo sa kinatatayuan ko nang nagsitahimikan ang lahat. Nako, patay na! Nakalimutan kong kaharap nga pala ako ng fans ngayon. Nakapagbitaw pa ako ng hindi magandang salita. Napapailing na lang ako habang nakayuko. Parang gusto ko na lang yatang magpakain sa tiles na ito. Humanda talaga sa akin ang lalaking iyon kapag muli ko siyang nakita. Papapangitin niya pa ang images ko sa harap ng publiko. “Excuse me! Excuse me!” singit ni Direk mula sa mga nagkukumpulang tao. Salamat naman at dumating ka na. Kung hindi lang ikaw ang direktor ko ay baka binatukan na kita, e. “I’m so sorry to all of you.” Tinakluban niya ako ng isang itim na coat at hinawakan ang braso ko. “Ji Song Yo is just tired now because of the taping. I apologize to all of you.” Nagsimula kaming maglakad habang sinusundan kami ng fans. Dumaan kami sa isang pinto kung saan ay puno ng bodyguards. Bakit ba nandito ang mga kutong lupa na ito? Dito sa pinto maraming body guards, sa tabi ko kanina ni isa wala. Jusmiyo! Pagpasok namin ay isinara na nila ang pinto upang hindi makapasok ang media. Akala ko ay hindi na ako makakaalis sa lugar na iyon, e. Yari ako nito. Maya-maya lang ay siguradong nasa balita na naman ako at pinag-pi-piyestahan sa social media dahil sa inasal ko. Siguradong abot hanggang langit din ang kunsumisyon at sermon ni Direk sa akin mamaya. Pero kung sino man ang lalaking iyon. Siguradong hindi masarap ang uulamin niya ngayong gabi dahil pangit ang ugali niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook