UMUPO si Dianna sa isang sofa at uminom ng wine.
“Nasaan na ang halos isang buwan niyo ng ipinagmamalaking muscular South Korean male model na nag-top 1 sa buong Korea noong last niyang contest na sinalihan, ha?” tanong niya na nakataas ang isa niyang kilay sa kanila.
Ayaw niya mag-aksaya ng oras kaya inaapura niya sila. Gusto niya na kasi talagang magpahinga dahil nananakit ang katawan niya. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya.
“Umalis na,” tipid na sagot ng direktor nito at kumamot sa kaniyang sintido.
“What? Ano’ng oras?” Ibinaba ni Dianna sa lamisita ang wine na hawak niya. “Hindi ba ang sabi ko Direk ay on the way na ako? Bakit pa sila umalis? Ano iyon? Nag-aksaya lang ako ng effort at gas papunta rito?”
“Iyan pa ang inaalala mo? Umalis sila dahil napakatagal mo. May practice pa raw si Tristan. Alam mo naman na napaka-busy ng taong iyon,” napasigaw na sabi niya.
“What? Ano ang pakialam ko sa pagiging busy niya? Ako nga rin ay sobrang busy, e. Sige nga, Direk. Sabihin mo sa akin ngayon kung bakit napakasakit ng katawan ko at pakiramdam ko ay lalagnatin ako. Ilang beses mo ba kaming pinag-initan kanina, ha? Sabi mo puro kami kapalpakan pero badtrip ka lang pala dahil nag-away kayo ng jowa mo! Ilang beses mo rin ba kaming pinag-re-take ng halos ay perpektong acting na namin kanina? Alam mo bang sobrang lamig kanina sa terrace ng 3rd floor na pinag-acting-an namin, ha? Alam mong may snow ngayon, Direk! Pero ano ang ginawa namin? Dahil direktor ka ay sumunod kami ng walang karekla-reklamo. Kahit iyong ka-kissing scene ko kanina nangangatog na sa lamig, e. Pero hindi kami nagsalita, ‘di ba? Tapos kanina umaangal ako sa iyong ayaw kong magpunta rito dahil pagod ako pero pinilit mo pa rin ako. Sandali lang akong nagbihis at nag-ayos, Direk. Hindi pa nga ako kumakain, e. Kalahating mansanas at isang maliit na mangkok lang ng kanin na may kaunting sabaw ang kinain ko sa maghapon. Alam mo iyon! Alam mong hindi ako pwedeng kumain ng marami dahil masisira ang diet ko dahil ang gusto mo ay maging sobrang hot at sexy ako sa palabas na ginagawa natin. Umangal ba ako, ha? Na-late lang ako ng kaunti, Direk. Sana ipinaintindi mo rin doon na busy rin ako pero inuna ko pa rin siya. Binastos pa nga ako kanina ng isang lalaki, e. Nakapagbitaw ako ng hindi magandang salita dahil masama ang pakiramdam ko at nangangatog na ang tuhod ko sa gutom tapos ngingisian pa ako ng lalaking iyon. Oh, sige! Carlo, buksan mo ang T.V.” Bumuntong hininga siya at sumandal sa sofa.
Kaagad naman sumunod si Carlo na kapwa pilipino rin at isa sa tauhan ng kaniyang direktor. Pagkabukas ng T.V ay isang balita ang kaagad ang bumungad sa kanila.
“The actress, Ji Song Yo is currently being bashed because of her behavior in this video. Let’s watch it.”
“Hey! You, rude man! Don’t you know me? I’m Ji Song Yo, the South Korean superstar! I was the one you mocked even though you hit me!”
“In front of her fans, she pointed and shouted at the guy, saying that he did not mean to bump into her because of the number of people around him. According to her, the man mocked her but according to witnesses, nothing obscene had happened. They said someone pushed the man so they bumped into each other and then he left. You? What can you say about this news? I am Sabrina Kim who is reporting tonight for Philippine News.”
“Oh, ‘di ba? Ako pa ang masama ngayon. Dahil lang sa nawala ako sa sarili ko. Nakakapikon, e. Harap-harapan niya akong nginisian habang nakayuko siya at itinatago sa cap niya ang pagmumukha niya. Nakita ng mga tao roon kung paano niya ako binunggo pero ang sabi ko sa isip ko kailangang maging nice ako sa kanila. Humingi ng tawad iyong lalaki at ang sabi ko no worries pa nga. Tinanong ko pa siya kung nasaktan ba siya. Tapos ang sagot niya ay wala raw masakit pero nginisian naman ako at saka nilayasan. Biruin mo? Si Ji Song Yo na reyna ng South Korea, nginisian at nilayasan na lang ng basta-basta? Kayo? Kayong pagod at depressed sa pamilya ninyo, hindi ba kayo makakapag-react kung ginaganoon lamang kayo, ha? Masamang masama na ang pakiramdam ko noong mga oras na iyon pero imbis na palawakin nila ang isip nila, ang ginawa pa nila ay ang siguradong pangungutya sa akin ngayon sa social media. Alam ko ng sesermonan mo ako Direk, e. Kaya inunahan na kita. Ngayon magsalita ka at ipagtanggol mo iyang Tristan mong sikat na South Korean male model at wala ka ng Dianna na magiging artista. Kilala mo si Direktor Lee, ‘di ba? Iyong mortal mong kaaway sa media? Gusto ko lang ipaalam sa iyo na halos dalawang buwan niya na akong kinukulit na pagbidahan ang seryeng inaayos niya. Gusto mo iyon, Direk?” Pinag-krus ni Dianna ang mga tuhod niya, gayundin ang mga braso niya at tinaasan niya siya ng kilay.
Hindi mo mababasta-basta si Ji Song Yo. Bukod sa sikat at maganda, pinag-aagawan din kasi siya ng mga Director. Kaya maraming kaagaw si Director Ju kay Ji Song Yo.
“S-Syempre, ayaw ko. C-Carlo, ihatid mo na pauwi si Dianna sa kanila. Kailangan niya ng magpahinga. Dianna, damihan mo ng kaunti ang kakainin mo at uminom ka kaagad ng gamot. Magpahinga ka.” Tumayo ito sa harap niya at inayos ang coat niya. “Kakausapin kong muli si Director Kim at Tristan. Mauna na ako.”
Umalis siya kaya abot tainga ang ngisi ni Dianna.
“Isa pa, Director Ju. Mawawalan ka na ng Dianna,” sambit ni Dianna sa loob ng utak niya.
...
“Oh, Tristan? Ikaw ba itong nasa news?” wika ni Daryll na nakakunot ang noo. Isang pilipino rin na kasamahan ni Tristan at nag-iisa rin na barkada niya sa South Korea. Pareho silang pilipino. Parehas din silang modelo.
Pangarap ni Tristan na noong bata pa lang siya ay ang pagpapaganda at pagpapa-sexy ng katawan hanggang sa nakahiligan na niya ang pagsali sa mga contest. Isang araw may tumulong sa kaniya upang makapunta sa bansang South Korea at heto na siya ngayon. Isa na siya sa pinakamayamang South Korean male model dito sa Pilipinas at sa South Korea. Maging sa ibang bansa ay sikat siya dahil sa dami na ng contest na sinalihan niya at ngayon, kinukuha naman siya bilang isang artista. May kaunti rin naman siyang talento pagdating sa pag-arte. Ang tema ng script ay isang male model na nakatagpo ang gusgusing babae. Sa una ay kinaayawan niya ito ngunit makalipas lamang ang ilang buwan ay unti-unti siyang napapamahal dito. Hanggang sa maging magkarelasyon sila at sasabak sa isang napakabigat ng problema kung saan ay susubukin ang kanilang pagmamahalan.
Kaagad na pumunta sa tabi ni Daryll si Tristan at nagsalita. “Ha? Nasaan?” Pinagpag niya ang kamay niya na hinugasan at saka nagpunas ng bimpo. Pagkaraan ay tinignan niya ang T.V. na itinuturo ng kaibigan.
Isang balita ang bigla na lamang lumabas. Muli ay napangisi si Tristan. Lalo na siguro siya sisikat at mas pagkakaguluhan ng mga ito.
“Aminin mo. Ikaw ito, 'no?” natatawang tanong ni Daryll at hinampas pa ng bahagya ang braso ng kaibigan.
“Hindi ko alam kung bakit pati maliit na bagay ay ginagawa nilang big deal. Nakita ko kanina ang mukha ng babaeng iyon. Siya siguro ang napakatagal naming hinihintay kanina sa bar. Pero kahit nandoon na siya ay nginisian ko na lang. Ayaw kong mag-aksaya ng oras sa mga ganoong klase ng tao na pa-importante. Porket ba artista ba ay dapat lagi ng espesyal itrato? Sus, Daryll. Hindi uubra sa akin ang ganiyang babae. Kapag on time, dapat on time. Hindi iyong halos trenta minuto kaming naghihintay sa pagdating niya,” nakangisi na sabi ni Tristan.
“So, iniwan mo? Ang sama mo talaga, Tristan! Hindi ka na naawa kay Ji Song Yo. Baka naman na-traffic lang o hindi kaya ay pagod sa trabaho kaya na-late ng dating?” nangongonsensyang tanong ni Daryll.
“Kahit na ano pa ang palusot niya, once napuno niya ako at hindi siya dumating ng on time, hindi niya ako matatagpuan. Hayaan mo lang siyang mag-inarte riyan. Kitang-kita ko kaninang napaka-plastic niyang babae. Masabi lang ng media at ng fans niya na mabait siya kaya nga ako napangisi, e. Tapos bigla na lang siyang sumigaw at nangduro. Oh, e, ‘di nakita ang totoong ugali niya. Ang resulta, dini-discriminate siya ng ibang tao ngayon. Nakakatawa, ‘di ba? Kapag in born na ang pagiging plastic, hanggang sa mamatay plastic pa rin. Kaya ikaw, Bro…” Tinapik ni Tristan ang balikat ng kaibigan. “bawas-bawasan mo na ang pagiging plastic mo lalo na sa mga babae. Walang tinatagong ugali ang hindi lumalabas.” Nginisian niya siya at bumalik sa pag-e-ehersisyo niya. May practice at pictorial pa kasi siya mamaya.
Mukhang hindi na niya tatanggapin pa ang in-o-offer nila sa kaniya na iyon. Hindi niya gusto ang mga ganoong klase ng babae. Masyadong pa-importante lalo na at abala siyang tao.