CHAPTER 3 - IKAW?

1689 Words
UMUPO ako sa silya at humarap sa lamesa. Sinimulan kong basahin ang ilan sa masasakit na komentong nakita ko sa nakakalat na news na bumungad sa akin sa social media. “I thought she was kind.” “Her true nature came out. Her beautiful face and body are the reason why people like her.” “So pathetic.” “Plastic na nga, pa-victim pa,” saad ng isang pilipinong nag-comment. Halos maidukdok ko na ang mukha ko sa lamesa habang binabasa ang mga ito. Puro shared post galing sa kumakalat na video na nangduro ako ng isang lalaki. Nakakaloka ang mga taong ito. Bakit ba napakagaling nilang mag-diskrima ng mga tao? Makagawa rin sana sila ng kapalpakan sa mga buhay nila pagkatapos ay pagtatawan ko rin sila at i-ba-bash ng sobra. “Kapag talaga nakita kong muli ang lalaking iyon, nako talaga naman! Nanggigigil ako sa kaniya. Dahil sa kaniya kaya ako bina-bash ng mga tao ngayon, e. Sisirain niya pa ang image ko. Ay, hindi! Mali ako. Sinisira na talaga niya. Bwisit siya!" Makalipas lamang ang halos isang buwan ay muli akong ipinatawag ni Direk. Pupunta raw sa office niya ngayon si Director Kim at iyong Tristan na ipinagmamalaki nila sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang mapa-irap sa sama ng loob. Babarahin ko talaga mamaya ang mga taong iyon pagkita ko. 7 PM ang call time. 5:30 pa lang ngayon pero maliligo na ako at mag-aayos ng hindi ako ma-late katulad ng nakaraan at baka i-ghost na naman ako ng mga iyon. Hindi ba nila alam na ako ang Superstar ng South Korea? Ang kakapal ng mga pagmumukha nilang umalis ng dahil lang sa na-late ako? Kaya ang gagawin ko ngayon, kapag 7:10 PM na at wala pa rin sila, ako naman ang mag-a-atubiling umalis. Bahala sila sa mga buhay nila. Habang naliligo ako ay napapatulala ako. Gwapo ba talaga iyong Tristan na iyon? Hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi ko talaga magugustuhan ang pagmumukha niya. Siguro ay dahil sa ginawa niya sa aking pang-iiwan noong nakaraan. Kaya humanda siya sa akin mamaya dahil tatarayan at babarahin ko siya ng bonggang-bongga. Madali kong tinapos ang pagligo ko. “Dianna, nasaan ka na?” tanong ni Direk mula sa kabilang linya. Kausap ko siya ngayon sa cellphone ko. “On the way na. Buti this time may bodyguard kang ipinadala? Nadala ka na ba noong nakaraan, ha?” nakangisi kong tanong at saka pinatay ang tawag. Nakakapag-init ng ulo, e. Nandito kami sa sasakyan ngayon at buma-biyahe na papuntang office ni Direk. Sinilip kong muli sa salamin ang mukha ko. Napaka-ganda ko talaga pero tinarantado lang ng lokong iyon. “Here we are, Ma’am,” malumanay na wika ng driver ko. Tumango naman ako at muling nagpabango pagkatapos ay nag-alcohol. Tumindig ako at binuksan ang pinto ng kotse upang bumaba. Hindi ko na kasi hinayaan pang pag-buksan ako ng driver ko ng pinto. Kaya ko naman kaya bakit ko pa iaasa sa iba, ‘di ba? Ganoon kabait ang Super Star, ‘no! Ilang sandali pa at nakarating na kami sa office niya kasama ang bodyguard na ipinadala sa akin. At syempre, mas maaga ako ng 10 minutes kaysa sa call time namin na 7:30 PM. Kaagad akong sinalubong ni Direk nang matatamis niyang ngiti na para sa akin ay nakakaasar na ngiti lang. Mukhang pera rin kasi ang isang ito, e. Kaya nga ganu’n na lang ang pagka-gusto niya na magtambal kami ng modelong iyon kahit na ayaw ko. “Oh, mamaya, ha? Umayos ka sa harap ni Director Kim at Tristan. Mga bigating tao iyon lalo na si Tristan na bilyonaryo na ngayon.” Napairap ako sa baklang tono ni Direk. “Gusto ko lang din ipaalala sa inyo na bilyonaryo rin ako at ‘di hamak na mas malaki ang agwat ng kayamanan ko kaysa sa kayamanan niya. Gets?” Ipinag-krus ko ang aking mga braso habang nakaupo sa sofa. Nakakairita siya pakinggan. “Nasaan na ba kasi iyong si Director Kim at bilyonaryong Tristan mo, ha? May meeting pa ako mamaya with stakeholders,” padabong kong tanong sa kaniya at saka umirap. Sila Mama at Papa kasi ay inuubliga na naman akong makipagkita doon sa mga kasyosyo nila. Hay, nako! Napaka-busy kong tao. Nakakainis. Kailan ba ako magkakaroon ng free time? Kahit isang buong buwan na bakasyon man lang sa loob ng isang taon ipagkaloob naman na sana nila sa akin. Pagod na pagod na ako sa araw-araw na taping at pakikipagkita sa mga ka-negosyo ng nanay at tatay ko. Tapos kahit ngayong weekends ay kailangan kong makipagkita sa ungas na iyon. Imbis na nagpapahinga ako sa bahay ng sandaling oras at kumakain ng fries habang pinanonood ang the love of my life ko na si Lee Min Ho ay sinisira naman niya ang araw ko. “Oh, malapit na raw sila sa building natin. Na-traffic daw sila. Medyo na-late dahil galing na naman daw ng pictorial si Tristan.” Napairap ako sa kanyang sinabi habang tutok ang atensiyon niya sa cellphone pagkatapos ay muli siyang nagsalita. “Carlo, salubungin mo sila sa labas ng building. Baka maligaw sila sa pagpasok dito.” Kaagad naman na sumunod si Carlo kaya napabuntong hininga na lang ako. Ganoon ba talaga ka-espesyal ang lalaking iyon? “At ikaw naman Song Yo, mag-ayos at magpaganda ka para mas lalo ka mag-mukhang diyosa sa harap ni Tristan.” Kunot ang noo ko siyang tinignan. “Naririnig mo ba Direk ang mga sinasabi mo, ha? Hindi ko na kailangan pang gawin iyon dahil matagal na akong Diyosa at wala akong pakialam kung sa mga mata ng Tristan na iyon ay mukha akong punong mamamatay na. Hayaan mo siya. Hindi ko kailangan ang opinyon niya.” Halos tumirik ang mga mata kong inirapan siya. Masiyado niyang ibinibida ang lalaking iyon. Alam niya naman na gigil na gigil na ako roon. “Ang tigas ng ulo. Paano kayo magkakaroon ng chemistry niyan at magpapakilig sa telebabad kung ang taas-taas ng pride mo?” “E, hindi ko nga rin alam sa inyo kung bakit ipinagpipilitan niyo ang gusto ninyo, e. Alam mo na ayaw ko sa lalaking iyon dahil gi-nost ako. Baka hindi niya lang minsan gawin iyon, ha? At baka nga sa palabas mo ay magmukha lang kaming mga manok na magsasabong!” Ngumisi ako at padabog akong sumandal sa sofa. “Ewan ko sa’yo, Dianna. Iyang katigasan mo ng ulo sa loob ng 13 years na nakasama kita, hindi na talaga nabawasan kahit na kaunti lamang. Kaya nga madalas sa mga naging leading man mo umaatras. Paano tinatakot mo. Lalo na iyang mga mata mo na namimilog sa tuwing pagalit ka kung magsalita. Mukha kang bampira.” Inirapan ako nito at saka naglakad papunta sa tabi ng pinto. Doon siya naghintay. “Ang lakas talaga ng loob,” mahinang bulong ko. “Hindi man lang ba siya natatakot na tuluyan akong kuhanin ni Direktor Lee?” “Oh? Hello, Director Kim.” Nakipagkamay siya sa unang pumasok sa pinto ako naman ay napairap na lamang. Tumayo ako at pumunta ng C.R. Bago man lang ako makipagmalditahan sa lalaking iyon ay iihi muna ako para mas lalong lumakas ang loob ko mamaya. “Ma’am Dianna, saan po kayo pupunta?” kunot ang mga noong tanong sa akin ni Carlo. “Tatae. Bakit? Sasama ka?” mataray kong tanong sa kaniya na medyo ikinatawa niya at yumuko. Kilala niya ako bilang si mapangbarang ako kaya iyon! Normal na para sa kaniya ang mga ganoong salitaan ko. Natatawa nga ako sa tuwing napapatawa ko siya kapag nagmamdita ako. At lease, kilala niya ang totoong ako. Barkada kami niyan, e. Sandali akong umihi at nagsabon ng kamay. Nag-alcohol din ako at nagpisik ng pabango. Medyo kinapalan ko ng bahagya ang lipstick ko at nag-picture. “Selfie muna bago mangbara at magmaldita,” nakangisi kong bulong sa aking sarili at bahagyang tumawa. Maya-maya pa ay lumabas na ako ng comfort room upang makipagkita sa kanila. Medyo kinabahan ako. Pumipintig ang puso ko ng medyo malakas. Hayaan mo na nga lang. Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa masilip ko silang tatlo na masayang nag-ku-kwentuhan sa sofa. Nakita ko na kaagad si Director Kim. In fairness, hindi nagbabago ang kakisigan ng mukha. May naka-puting polo naman na lalaking mukhang mabango ang nakatalikod sa akin. Hindi ko na lamang iyon pinansin at kumuha ng kalahating baso ng wine sa lamesa at pa-sosyal na naglakad palapit sa kanila. Naglalakad ako mula sa likuran ng lalaki kaya hindi ko pa nakikita ang kaniyang mukha. Kinakabahan man ngunit nanggigil na ako sa kaniya. Gusto ko siyang sabuyan ng wine na hawak ko at sipain pagkatapos ay sabunutan dahil sa ginawa niya sa akin last month. Pero syempre, pa-good girl muna ako sa ngayon. “Oh, nandiyan na pala si Ji Song Yo,” masayang wika ni Direk nang makita ako. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at hinawakan ang baywang ko upang alalayan papunta sa uupuan ko. Hindi ako hinaharap ng lalaking ito at mukhang walang pakialam sa akin kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasisilayan ang kaniyang mukha. “Hi, Ji Song Yo, lalo kang gumaganda,” masayang bati ni Director Kim sa akin na isa ring pilipino. Matalik silang magkaibigan ng direktor ko. Nakipagkamay ako sa kaniya at nginitian siya. “Siya nga pala ang alaga ko, si Tristan.” Itinuro niya ang lalaking hindi marunong mamansin. Hindi yata niya alam na Superstar ang nasa likod niya. “Tristan, harapin mo siya. Siya si Ji Song Yo. Ang nag-iisang Queen of Media at Superstar nitong buong South Korea,” pagmamalaking sabi ni Director Kim sa kaniya. Ganiyan ang tama. Para naman makilala ako ng mabuti ng alaga mong hilaw. Ngumisi itong lalaki at saka tumayo. Ang kapal talaga. Pagkatapos niya akong i-ghost, ngingisian niya ako ngayon habang nakatalikod siya sa akin? Ano bang drugs ang nahithit nito at talagang nanggigigil ang kaluluwa ko sa kaniya? Dahan-dahan itong humarap sa akin na ikinamulagat ng mga mata ko. Napa-atras pa ako ng wala sa oras nang makita ko ang kabuuan ng mukha niya. “Ikaw?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD