NAGNGANGALIT ang magkasalubong kong kilay.
"Siya ang makakatambal ko?" Itinuro ko ang lalaking nasa harapan ko.
Ito iyong lalaking bastos na walang modo! Siya ang dahilan kung bakit bina-bash ako ng mga tao. Hayop na ito! Ang kapal ng pagmumukha para magpakita pa sa akin pagkatapos niyang papangitin ang napakaganda at napakabangong image ko.
"Oo. Siya si Tristan Doe Hyun. Ang sikat na sikat na modelo ng bansang ito. Magaling din siya um-acting kaya alam kong kaya niya ang teleseryeng gagawin natin," nakangiting paliwanag ng mabait kong direktor.
"Wala akong pakialam kahit na mas sikat pa siya kaysa sa idol kong koreano o kung sino pa mang sikat diyan sa buong mundo. Hindi ako papayag na ang lalaking iyan ang magiging leading man ko! Direk, I can't accept the contract kung hindi ninyo papalitan ang magiging ka-love team ko. Period!" mataray kong sigaw at in-sway ko ang buhok ko.
Mula sa pheripheral vision ko ay sinilip ko ang mukha niya nang makita kong nginisian niya ako. Tinignan ko siya nang hindi maipinta ang mukha ko sa inis.
"Ang lakas talaga ng loob mo, 'no? Hanggang ngayon ay nginingisian mo pa rin ako!" Dinuro ko siya.
"A-Ah, S-Song Yo, a-ano ba ang nangyayari sa iyo? Ikaw pa itong chossy? Ang gwapo ng leading man mo. Sobrang muscular pa!" palanding sabi ni Direk kaya't nilingon ko siya nang may masamang tingin.
"Okay. Go ahead! Ikaw ang gumanap sa role na ibinibigay mo sa akin. Kung hindi mo papalitan ang lalaking iyan, ako ang magku-quit!" Padabog akong umalis sa harapan nila.
Kinuha ko ang bag kong nakapatong sa lamesa at ibinaba rin doon ang wine na hindi ko man lang natikman. Masamang-masama ang loob kong umalis ng office niya.
Nang makarating ako sa bahay, dumiretsyo ako sa kwarto ko. Nagkulong ako roon ng magdamag.
Sa dinami-dami ng South Korean Male Model sa mundo, iyong ungas na iyon pa talaga ang napili nila. Napakarami namang mas sikat pa sa kaniya. Nangti-trip ba ako ng tadhana? Grabe!
"Ay! Nanggagalaiti talaga ako!" Bumalikwas ako nang pagkakahiga sa kama at saka umupo. Naikuyom ko ang aking dalawang kamao sa inis.
Kung may lahi lang talaga ako ng mga wrestlers, pinagsusuntok ko talaga ang pagmumukha ng lalaking bastos na iyon! Walang respeto. Makita ko pa lang ang mukha niya, nanggagalaiti na ako.
Kung kayang siya naman ang sirain ko? Para quits! Para maramdaman niya ang sama ng loob na nararamdaman ko dahil sa ginawa niya sa akin.
"Teka nga!" Kinuha ko sa taas ng closet ko ang cellphone ko at saka nag-online.
Gumawa ako ng dummy account at magpo-post ng mga salita na makasisira sa Tristan na iyon.
- Bakit kaya ganoon si Tristan Doe Hyun? Ang pangit na, ang sama pa ng ugali. Biruin niyo iyon? Nasira si Ji Song Yo nang dahil sa modelong iyan na antipatiko. Hindi siguro tinuruan ng mga magulang ang lalaking iyon kung paano rumespeto. Kaya kung ako sa inyo? Si Ji Song Yo na Diyosa ng kagandahan ang ibigin ninyo! Makatutulong pa kayo sa pag-unlad ng ekonomiya.
"Click!" Pinindot ko ang word na post para ikalat na iyon.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at pinag-se-shared iyon sa ibang groups na kinabibilangan ng kumag na iyon.
"Tignan lang natin kung hindi ka masiraan ng bait," nakangisi kong wika at saka nagpatuloy sa pagkakalat ng post kong iyon.
Humanda ka! Ako naman ang hahalakhak ng bongga.
Marunong ding gumanti ang isang Superstar, 'no!
Nang matapos kong ikalat ang post na iyon, naligo akong muli at nagpalit ng damit na pangbahay. Nagluto ako ng fries at nilagyan iyon ng maraming cheese powder. Umakyat akong muli sa kwarto ko at pinaandar ko ang T.V ko na ubod ng laki. Dinala ko iyon sa paborito kong palabas at saka nanood habang umiinom ng malamig na malamig na softdrinks at mainit-init pang fries.
Heaven! Ang sarap ng buhay!
"Kailan ko kaya magiging leading man idol ko? Sana sa susunod kong pagbibidahang teleserye, siya naman ang maka-kissing scene ko!"
Pinagtatambol ko ang unan ko sa sobrang saya at kilig. Parang pati ang buto't lamang loob ko ay kinikilig. Baliw na baliw talaga ako sa idol kong iyon. Sobrang perfect ng face, e!
Binilang ako ng ilang oras sa panonood bago ako dalawin ng antok ngunit nawala iyon nang biglang tadtarin ang notification ko ng panay sa pagtunog.
Inihinto ko sandali ang video gamit ang hawak kong remote at dinampot ang cellphone kong napaka-ingay na nakapatong sa gilid ko.
Pagbukas ko, bumungad sa akin ang sunod-sunod na notification sa ginawa kong dummy account. Isa-isa kong tinignan ang mga comment na iyon.
-Sino ka ba at bakit mo sinisiraan ang asawa ko?
"May asawa na si Tristan?" Kumunot ang noo ko.
-Malalaos din si Ji Song Yo na pakitang tao! Masyado kang panira ng araw!
Aba talaga naman?
"Hoy! Hindi kailanman malalaos si Ji Song Yo! Walang Dianna ang nagpapatalo!" Dinuro-duro ko ang cellphone ko sa inis.
"Kakalbuhin ko yata ang nag-comment na ito sa post ko, e!"
Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng komento hanggang sa patuloy uminit ang ulo ko hanggang sa halos ay mag-apoy na ako sa galit.
-Ang pangit um-acting ng Ji Song Yo mo! Puro kaartehan! Pabida lang naman siya sa mga ginagampanan niya. Hindi niya bagay ang maging bida. Tulad nitong post mo, dapat lang talaga na ang maging role niya sa susunod, kontrabida!
Naikuyom ko ang aking kamao.
-Oo. Maganda nga si Ji Song Yo. Pero naging kabaligtaran naman iyon ng ugali niya. Sa harap ng media, dinuro niya iyong lalaki. Hindi naman sinasadya ng lalaking iyon na masagi siya dahil pinaliligiran siya ng media. Over acting lang talaga ang Ji Song Yo niyo!
Patuloy na nagsalubong ang mga kilay ko at hindi ko na ipinagpatuloy pang basahin ang mga comments nila sa post kong bigla na lang nag-viral. Dummy account lang ang gamit ko pero nagawa pang mag-viral no'n.
Imbis na matuwa ako sa mga iko-comment nila, uminit pa ang ulo ko lalo! Ano ba kasing mayroon sa lalaking iyon at gustong-gusto nila? Porket ba matangos ang ilong at mukhang labanos sa puti na may maskuladong katawan, e, ka-ibig-ibig na?
Hindi ba nila alam na nakakaasar ang lalaking iyon? Hindi maganda ang ugali ng isang iyon! Mga walang mata! Mga bulag sa katotohanan! Nakakainis!
Kinabukasan, pagkarating ko sa office ni Direk, magkasalubong ang mga kilay niyang bumungad sa akin. Napakalalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at umirap nang napakadiin. Sarap kutusan ng direktor na ito! Sasalubungin ako ng ganito.
Nagdadabog akong umupo sa couch. Pagkababa ko ng bag ko ay pinagdikwatro ko ang mga hita ko.
"Bakit ganiyan mo ako salubungin, Direk? Ano na namang ikinapuputok ng butchi ninyo? Nag-away na naman ba kayo ng jowa mo?" taas kilay kong tanong nang hindi nagtatanggal ng shades. Nananatiling nakasuot ang itim kong salamin na mas lalong nagpapalakas sa dating ko.
"Umamin ka na, Dianna. Ikaw ba ang may kagagawan ng viral post kahapon tungkol kay Tristan?" Hindi niya ako tinignan nang tanungin niya ako. Basta na lang siya nagbagsak ng puwet sa couch.
Paano naman niya nalaman na ako 'yon? Dummy account naman ang ginawa ko, ah?
"Sumagot ka, Dianna," nakailing niyang wika.
Bumuntong hininga ako ng malalim.
"Bakit ko naman gagawin iyon, Direk? Hindi ko pa nga nakikita ang post na iyon, e. Ano ba ang nakalagay?" Tinanggal ko ang salamin ko at saka siya tinarayan. Kulang na lang ay paabutin ko sa buhok ko ang kilay ko sa taas nito.
"Huwag ka nang magmaang-maangan, Dianna. Alam kong ikaw iyon." Tinignan niya ako ng diretsyo sa mata.
Lalong umiinit ang ulo ko. Ang aga niya nagsisimula ng gulo.
"Alam mo na pala, e, bakit hindi ka pa tumigil? Huwag mo akong tanungin kung alam mo na. May sasabihin ka pa ba? Mas gugustuhin ko na lang yatang umuwi kaysa mag-aksaya ng oras sa pakikipag-away sa 'yo," masama ang loob na sabi ko.
"Bakit mo ba ginagawa iyon, Ji Song Yo? Alam mo bang makasisira iyon sa imahe niya?"
"At alam niyo rin ba na ang lalaking iyon ang sumisira sa image ko? Iyon 'yong lalaking nginisian ako at nilayasan sa harap ng media. Binunggo na nga niya ako, e. Sobrang sama ng pakiramdam ko noon, Direk! Nang pilitin mo ako, pumunta ako para makipagkita sa kaniya! Alam na pala niyang nandoon na ako, umalis pa rin siya. Nagkasalubong na kami. Bakit hindi niya pa ako sinabayan pabalik diyan? Direk, pagod na pagod ako that time! Busy rin ako katulad niya pero mas inuna ko siya. Kaya sana naman bumalik siya. Hindi iyong binastos niya ako at siya pa ang lakas loob na ngumisi. Kaya pala mainit ang dugo ko sa kaniya noon dahil siya pala ang pupuntahan ko tapos nilayasan ako kung kailan nandoon na ako. Sige nga! Ano ba ang pinagmamalaki sa akin ng Tristan na iyon? Wala akong pakialam kahit na gwapo pa siya o kahit kasing laki pa ng uranggutan ang katawan niya. Sikat din ako katulad niya. Hindi siya kawalan sa akin. Kung bilyonaryo siya, mas bilyonaryo ako sa kaniya! Mag-isip muna siya nang maayos bago siya mang-apak ng tao at magmalaki sa mas nakatataas sa kaniya!" punong-puno ng emosyon kong sigaw.
Sa maraming pagkakataon, padabog na naman akong nag-walk out. Hindi ko kayang magtagal sa ganoon. Bahala sila. Kung ayaw niya na sa akin bilang artista niya, mas ayaw ko na sa kaniya.
Mas inuuna niya pa ang alaga ng iba kaysa sa mismong inalagaan niya sa loob ng mahigit sampung taon kong serbisyo sa kaniya.
Magsama kayo ng Tristan mo!