CHAPTER 5 - CONTRACT

1737 Words
MAGKASALUBONG ang mga kilay kong bumaba ng van na sinakyan namin. Sinalubong kami ng maraming tao. Mayroon pa rin naman pa lang fans na nananatiling mahal ang superstar na katulad ko. Hinawi ko ang buhok ko sa gitna ng malakas nilang pagtitilian at saka nag-sway ng buhok. Suot ko ang favorite kong sunglasses para mas feel na feel ko ang aking kagandahan. Nang makapasok kami sa loob ng office ni Direk, si Tristan agad ang una kong nakita. Bigla akong nawalan ng gana. Parang gusto ko na lang ulit umuwi. Dapat pala hindi na ako tumuloy pumunta rito kung siya lang ang una kong maaabutan. Ibinagsak ko ang puwetan ko sa couch at saka nagdikwatro. Pasyosal kong tinanggal ang salamin ko at saka siya tinignan. "Ano ang masamang hangin na nagtulak sa iyo para magpunta rito?" mataray kong tanong. Taas na taas ang isa kong kilay. Ilang minuto ang nagdaan ngunit wala akong natanggap na kahit na ano'ng sagot mula sa kaniya. "Pipi ka ba? Hindi ka ba marunong magsalita?" Ilang minuto na naman ang nagdaan. Nakatingin lang siya sa akin ng deretsyo. Para bang isa akong basura na tinatapunan niya lang ng tingin. "Grabe!" Malalim akong bumuntong hininga. "Hindi mo ba ako kilala?" Itinuro ko ang aking sarili habang kinakausap siya. Nananatiling blangko pa rin ang mukha niya. Wala bang puso ang lalaking ito? Wala ba siyang kahit na ano'ng nararamdaman sa katawan niya? "Hoy! Ako ito! Si Ji Song Yo na South Korean Superstar! Bakit ayaw mong magsalita riyan? Bastos ka ba?" umuusok ang butas ng mga ilong kong sigaw habang nanlalaki ang mga mata ko. Naisandal ko nang halos mawalan ng lakas ang likod ko sa couch. Pambihira pala 'to, e! Nasaan na kaya ang kokote ng isang ito? Lumipad na ba katulad ng kabutihang asal niya o baka parehas siyang wala ng mga iyon? "Hi, Ji Song Yo!" malanding wika ni Direk habang kumakaway ang kamay sa ere. Kakapasok niya lang. "Hoy, Direk?" Tinanggal ko sa pagkakasandal ang likod ko sa couch na inuupuan ko. Tinignan niya ako ng nakangiti. Ngiting peke. "Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito rito? Bakit ba palagi na lang siyang nandito? Pambihira! Sa tuwing pupunta ako ng office mo, ang lalaking iyan ang bumubungad sa akin. Hindi pa marunong magsalita. Kung tignan pa ako, e, para akong walang kwentang basura." Nginisian ko siya pagkatapos ituro. Walang naging ekspresyon ang mukha niya. Nakaupo pa rin siya sa couch na nasa harapan ko at para bang walang pakialam sa buong mundo. "Nandito siya para pumirma ng kontrata. Pinapunta naman kita rito para pumirma rin ng kontrata," malawak ang ngiti niyang sagot at saka naupo sa couch. Mayroon namang single couch sa gitna na palagi niyang inuupuan pero sa tabi ni Tristan na mahabang couch siya umupo. Pumapa-simple pa ang baklang 'to! "Ano? Magpirmahan na tayo?" Pinag-apir niya ang dalawang kamay nang nakangiti pa rin ng todo. "Baliw ka ba? Malinaw ang sinabi ko sa inyo noong nakaraan. Hindi ako pipirma ng kontrata kung iyang lalaking walang pakialam sa mundo na iyan ang magiging leading man ko. Ang sabi ko palitan ninyo iyan or else ako ang aalis! Isa pa, hindi mo pa nga ibinibigay sa amin ang script, e! Wala pa kaming nababasa na kahit ano tapos papipirmahin mo kami? Ganiyan ka na ba kaatat kumita ng milyones, Direk?" Bumuntong hininga siya. Si Tristan naman ay ngumisi at saka umiling. “Alam mo, madali na lang ang script. Sigurado naman akong magugustuhan ninyo ang kwentong iyon. Sobrang nakakaantig ng damdamin ang role ninyong dalawa roon. At saka magtino ka nga, Dianna! Isang sikat na model ang leading man mo! Pak na pak ang muscles niyan, ayaw mo?" "Aba! Kung muscle lang ang labanan, hindi magpapatalo ang crush ko sa kaniya, ‘no! Magtigil kayo, Direk. Hindi ako pipirma ng kontrata hangga’t hindi niyo pinapalitan ang lalaking iyan. Ano ba ang malay ko kung bastos pala ang isang iyan? Paano aatimin ng kunsensya mo na ang inalagaan mo sa loob ng 13 years ay binaboy ng lalaking iyan?” “Masyado ka namang judgmental, Dianna! Tignan mo nga si Tristan. Mukha bang gagawa ng kalokohan ang ganiyan ka-gwapong lalaki? Fit na fit ang katawan, matapos ang ilong, maputi—” “Hep! Tama na!" Napapikit ako pagkatapos kong putulin ang sinasabi niya. Nakakairita! Mas ipinagtatanggol niya pa ang lalaking iyon na bagong santa lang kaysa sa akin na 13 years niya ng kasama. "Kung sa pagandahan lang ng katawan, hindi ako magpapatalo. Baka naman gusto mo pang ipakita ko sa lalaking iyan kung gaano kaganda ang katawan ko ha, Direk? Huwag niyo akong punuin. Lalabanan ko ang lalaking iyan!” mariin kong dagdag. “Kung ayaw mo akong makasama sa drama na iyon, then don’t expect me to force you.” Tumayo siya at hinarap si Direk na ngayon ay gulat na gulat. “Maraming salamat sa offer, Director Ju. Kung ayaw niya akong maging kapareha, iyon din naman ang nararamdaman ko. Nahihiya lang akong tumanggi sa inyo at ngayon, binigyan niya ako ng lakas ng loob para sabihin ang side ko.” Iniyuko niya ang kaniyang ulo sa harapan ni Direk na kaniyang tanda ng paghingi ng paumanhin at pasasalamat. Lalong nagsasalubong ang kilay ko. Ang kapal ng mukha talaga! Si Ji Song Yo, inayawan? What the f*ck? “I have to go.” Umalis siya sa harapan namin nang hindi man lang ako tinitignan. Talagaang ang bibig ko ay literal na napanganga. Ang suwapang! Tinignan ko si Direk na hanggang ngayon ay nakanganga pa rin. Mukhang hindi niya inasahan na gagawin iyon ng paborito niyang si Tristan. Maganda na rin ang ginawang iyon ng lalaking iyon. Ngumiti ako at saka tumayo. Kinuha ko ang bag ko. “So, paano ba iyan, Direk? Mauuna na rin ako.” Nang lingunin niya ako ay naisara niya ang bibig niya. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mukha na siyang aswang na mangangain ng tao. “This is all your fault! Sinayang mo ang magandang opurtunidad para mas lalong sumikat at kumita ng malaki. Alam mo bang sa kakaganyan mo ay pwede kang malaos? Iyang kaartehan mo pa yata ang magpapabagsak sa ‘yo, Dianna! Napakatigas talaga ng ulo mo!” Sa sandaling iyon, muli kong nakita ang paglabas ng mga sungay niya. “Matigas na kung matigas, Direk. Ano ba ang magagawa ninyo kung hindi ko kayang makipag-plastik-an sa lalaking iyon? Direk, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay naba-bash ako?” “Kung naba-bash ka man, kasalanaan mo na iyon, Dianna!” malutong niyang sagot at saka masama ang loob na umalis sa harapan ko. Inunahan pa talaga akong mag-walk out! Ano ba kasi ang mayroon sa lalaking iyon bukod sa siya ang sikat na model sa bansang ito? Ang dami ko rin namang naging leading man na sobrang sikat pero sa kaniya nanghinayang si Direk. Makauwi na nga lang! Bahala siya sa buhay niya! DUMAAN muna kami sa isang pizza house bago ako hinatid ng driver ko sa bahay. Madalang lang naman ako magpakasaya sa buhay. Susulitin ko na lalo na ngayon at sobrang stress ako sa bakla kong director. Katulad ng palagi kong ginagawa, nagkukulong ako sa kwarto ko kahit na wala sila Mama. Ibinukas ko ang malaking TV at saka pinanood ang mga nakaraan kong serye habang kumakain ng malaking pizza na binili ko kanina. No to diet muna ako. Gusto kong maglibang sa pamamagitan ng pagkain ngayon. Sa kalagitnaan ng pagpapahinga ko, isang tawag ang bigla na lamang bumulabog sa akin. Si Direk na naman. “Bakit?” nakairap at walang gana kong sagot nang sagutin ko ang tawag niya. “Baka lang naman gusto mo akong i-seen, Dianna? Baka lang naman?” sarkastiko niyang tanong. “Pwede ba, Direk? Bigyan niyo ng space ang utak ko!” Ibinaba ko ang telepono at saka muli kong isinandal ang katawan ko sa gilid ng kama. Nakakairita! Ang hirap mag-adjust. Hindi ko na nga nakuha ang pangarap ko, kahit sa free time ko, binubulabog pa rin ako. Gusto ko na yatang mabaliw para wala nang manggulo sa akin. Masisiraan ako ng ulo sa kanila. Nagpatuloy ako sa pagkain hanggang sa tawagan na naman niya ako nang tawagan. “Ano ba, Direk? Nakakapuno ka na, ah?” nanggagalaiti kong sigaw mula sa kabilang linya. “Sana tinignan mo muna kung sino ang tumatawag.” Lalong nagsalubong ang kilay ko at kamuntik ulit sumigaw nang bigla akong ma-weird-uhan. Tinignan ko ang number ng kausap ko. Unknown number? “Hoy! Sino ka, ha? Stalker ka, ‘no? Ano’ng pangalan mo? Saan ka nakatira? Paano mo nakuha ang number ko? Hoy! Sumagot ka!” sunod-sunod kong tanong na akala mo ay naging armalite ang bibig ko. “Baka lang naman kasi gusto mong kilalanin kung sino ako?” “Aba! Bastos ka, ah? Hindi ka ba tinuruan ng nanay mo kung paano sumagot ng tama? Hoy! Ako si Ji Song Yo, ang South Korean Superstar! Baka lang naman din gusto mong magtino kapag bigating tao ang kausap mo?” Ngumisi siya mula sa kabilang linya. Talagang narinig ko ang pagngisi niya. “Sino ka bang talaga, ha? Nagpalit na ako ng number, ah?” “Ang sabi sa akin ni Director Ju, tawagan daw kita at suyuin kaya kita tinawagan pero wala akong balak suyuin ka. Ang sa akin lang naman, rumespeto ka. Oo, mayaman at sikat ka pero hindi mo madadaig ang kahit na sino kung iyan lang ang panlaban mo. Palangisi talaga ako. Huwag mong bigyan iyon ng kahulugan para marating mo ang kapahamakan. Hindi kita pipilitin na maging leading lady ko. Ang sa pagkakaalam ko lang ngayon, wala ng choice ang director mo dahil wala na raw gustong pumatol sa ‘yo sa paggawa ng serye dahil sa pinapakita mong kamalditaan, Dianna. Nabasa ko na ang buong script. Nagandahan ako sa kwento kaya ko tinanggap iyon ngunit nang dahil sa rason mo, napaayaw ako. Subukan mo munang basahin ang buong script bago mo taasan ang pride mo,” mahaba niyang wika at saka na lang biglang pinatay ang tawag na iyon. Nagngalit ang mga kilay ko sa pagsasalubong. “Hello? Hello? Hoy, Tristan! Bastos ka talagang lalaki ka!” Ibinalibag ko sa kung saan ang cellphone ko at saka tuluyang ibinagsak ang buong katawan sa kama at tumulala sa kisame. Ganoon na ba talaga ako kasamang tao?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD