MAS lalo kaming pinagkaguluhan nang matapos ang interview na iyon. Trending na trending sa social media ang nangyari sa araw na iyon. Mas marami ang humanga at kinilig sa aming dalawa kaya’t ang ngiti na namumutawi sa aking mga labi ay hirap kong pawalain. Isang buwan pa ang nakakaraan ay tuluyuan na ring natapos ang teleseryeng pinagbidahan namin ni Tristan. Marami ang sumaya at marami rin ang nalungkot. Kumbaga, naging 50-50 ang emosyon na kanilang naramdaman. Tulad nang nasa script ay parehas kaming namatay ni Tristan. Ako ay dahil sa sakit at siya ay dahil sa aksidente. Katakot-takot na iyakan ang kumawala. Sobrang OA rin ng mga tao kung magbigay ng komento. Bakit daw kasi namatay pa kami? Bakit hindi na lang daw kami binuhay ulit para walang katapusana ng kilig? Natatawa na lang a

